Kundiman

3K 20 1
                                    

Kundiman
ni Lana Pangilinan
...

Ang hirap mong panghawakan pero hindi kita mabitawan,
Ang hirap umasa na para matapos ang lahat sabay tayong lalaban.
Hindi ko alam kung ano pa ba ang paniniwalaan,
Baka isang araw bigla ka na lang mawala dahil kailangan mo na akong pakawalan.

Mahirap intindihin sa totoo lang,
Mahirap sabihin na akin ka kasi wala naman akong basehan.
Walang tayo, Wala akong karapatan,
Kahit kausapin ka niya bigla hindi kita kayang pagbawalan.

Pero ako'y magbibitaw sa ngalan ng buwan,
Kahit gaano kahirap titigan ang araw ay gagawan ko ng paraan.
Gagawa at gagawa ako ng dahilan kung sakaling maubusan,
Dahil kahit anong gawin ko, alam ko na ikaw at ikaw lang.

Sa mga darating pa na panahon at bukas,
Aasa ako na hindi iyon ang ating magiging wakas.
Maubusan man ng lakas kakasigaw ng iyong ngalan,
Mga huling salita pa din na bibigkasin ay, "Mahal kita at hindi ko alam kung papaano mamamaalam."

Sa milyun-milyong mga kwento na aking nalaman,
Wag kang mag-alala, paborito ko pa din ang atin, sinta at kundiman.
Kundiman tayo ang magkatuluyan,
Pakiusap na tandaan na minahal kita ng lubusan.

At kung hindi man ikaw ang araw ng aking kalawakan,
Tandaan na ako ang buwan at isa ka sa mga bituin na nagbigay ng tanglaw habang ako'y nababalot pa ng kadiliman.
At kung hindi man ikaw ang ibinigay sa akin ng kapalaran,
Pinagpapasalamat ko pa din na nagtagpo at nagmahalan.

Ang hirap mong panghawakan pero hindi kita kayang bitawan,
Hindi pa tapos ang lahat kaya subukan nating lumaban.
Hindi ko alam kung ano pa ba ang paniniwalaan,
Pero darating ang araw na malalaman din natin ang lahat ng dahilan.

...

Dedicated to AndNowImStressedOut

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon