Chapter Eight

7 1 0
                                    

SAMANTHA

"UY! Bes, okay ka lang? Kanina kapa tahimik ah?"

She snapped her fingers at my face kaya napa ayos ako at napatingin sakanya. She raise her brows kaya napabuntong hininga ako at naghalumbaba sa table dito sa cafeteria.

"May problema kaba?" Tanong naman ni Jessica ngayon.

Nagkibit balikat lang ako at nagiwas ng tingin sakanila. Alam kong kanina pa nila napapansin ang pananahimik ko at alam ko ding kating kati na ang dila nila magtanong. Hays, Nakakatamad ang araw na ito, nakakawalang gana. I just want to go home at mag kulong sa kwarto magdamag.

At umiyak na parang walang bukas ganun?

I bit my lip.

Hinilig ko ang ulo ko sa mesa at pumikit. Wrong move. Dahil ang nakangiting mukha nong Nicole at Mike ang nakikita ko. Simula kanina na nakita ko ang pictures nila parang ayaw na maalis sa isip ko ang imahe nilang dalawa. Ang sweet nilang dalawa sa mga pictures. Meron pang naka kiss si Mike sa pisnge nong Nicole at kitang kita din dun ang pamumula ng pisnge nong babae habang nakangiti na nakatingin sa camera. I was shocked with the last picture i saw yong pinaka last. Mike kissed her almost in the lips. Kahit na nasasaktan akong nakikita ang mga iyon pero tinignan ko parin lahat. 21 pictures ang lahat ng mga yon. At halos lahat ata ng pose nila alam na alam ko.

The familiar pain i feel again.

Ito na iyong sinasabi ko e. Alam kong mabilis akong mahulog sa isang lalaki lalo na kong gusto ko siya at palagi kong nakakasama.

I should warned my self before bago pa ako kainin ng sistema ko. Love is powerful. Kahit anong gawin mo kong mahal mo ang isang tao ay mahirap itong kalimutan.

Pictures lang naman yon. Bakit ako nasasaktan?

Should i ask Mike about it? Bakit ko naman itatanong. Ano ba kami? Ano ko ba sya? Mahal ko kasi siya.

That's the problem. Ang tanong...
Do he feel the same? O baka laro laro lang yung samin at si Nicole talaga ang mahal niya. He never said the magical words to me..

Possible.

Hanggang sa nag-uwian ay para akong lutang. Nagtataka man yong dalawa pero pilit nilang huwag mag tanong dahil wala naman akong balak na sagutin. Mas lalo akong nanghina ng wala man lang siyang isang text o ano sakin. Nag-antay ako sakanya sa waiting shed sa labas ng school namin. Nagbabakasakali...

Nagbabasakaling susunduin niya pa ako. Pero mag gagabi na pero wala parin siya. I bit my lip at tinignan ang oras. 6:49PM na. At kanina pang mga 4PM ang labasan namin. Dalawang oras mahigit na pala akong naghihintay rito. Nabigla ako ng biglang kumulog ang langit kaya napatingin ako sa langit. Nagdidilim na't uulan pa ata. At hindi nga ako nagkamali dahil bigla nalang bumuhos ang malakas ng ulan , kasabay nun ang pagbuhos ng mga luha na kanina kopa pinipigilan.

Ang babaw ko ba? Ewan hindi ko alam. Mabigat ang pakiramdam ko at ang gusto ko lang ay umiyak ng umiyak.

Wala sa sariling lumabas ako ng waiting shed dahilan upang mabasa ako ng ulan. My tears are flowing like there's no tomorrow.  Para bang may usapan sila ng langit na ngayong araw ang pagkikita nila kaya sila sabay na bumubuhos.

Sabi nga sa facebook niya. Bawal mafall.

Bawal mafall kasi wala siyang balak na salohin ka kapag hulog na hulog kana sakaniya. Bawal mafall kasi may girlfriend na siya?

Kaya pala nahulog ako.

Nahulog ako sa isang tao na hindi ko alam kong sasalohin ba ako o hindi. Nabulag ako sa mga sweet actions niya sa mga salita niya. I don't know its all fucked up! Kaya ba hindi siya nagtext sakin dahil busy na sya ngayon sa girlfriend niya at ako ang epal sakanilang dalawa na umaasa.
Kaya ba hindi niya ako nasundo ngayon dahil ayaw niya na sakin.

When I Look At YouWhere stories live. Discover now