SAMANTHA
Nagising ako na sumasakit ang ulo ko. Dahan dahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard still not opening my eyes dahil medyo masakit pa ang ulo ko. Hangover shit. Ano ba nangyari sakin kagabi?
Pagmulat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto. Teka! Wala ako sa kwarto ko? Gaga! Malamang!. Napatayo ako ng upo at napatingin agad sa sout ko. Hala! Sino naman ang nagbihis sakin? Nakashorts at malaking T-shirt na ako--Wait! Is this Mike room? Black curtains...gray and black. Nasa unit niya ako? How?
Bumaba ako sa kama at hinanap ang mga gamit ko. Nakita ko ang pouch at phone ko sa side table. Yong damit ko kaya nasaan? Pumasok ako sa banyo at naghilamos nakita ko ang toothbrush kong katabi ng toothbrush ni Mike kaya nagtoothbrush nadin ako. Habang nagtotoothbrush ay inaalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi kona maalala ang kasunod na nangyari pagkatapos kong magsorry sakanya. Inunahan ako ng selos at inis kaya kong ano ano nalang ang pumapasok sa isip ko and the thought of mike cheating on me ang tumatak sa isipan ko lalo na nong may narinig akong boses ng babae sa linya niya. Mabilis pa naman akong magselos.
I tied my hair bago ako lumabas ng kwarto. Where's Mike? May naririnig akong ingay na nanggagaling sa kitchen niya kaya dahan dahan akong lumalapit dun. I can hear laughs at nangunot ang noo ko dahil may naririnig akong tawa ng babae. Sumilip ako sa pintuan sa kitchen at duon ko nakita si Mike na nagluluto habang kausap ang babaeng nakaupo sa high chair at kumakain ng cereals sa kitchen island. Nagtatawanan pa sila. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha. Is that Nicole?
Naalala ko ang pinost niya noon. Can't help falling in love with this guy she captioned. Ang ibig bang sabihin nun ay inlove siya kay Mike? And she's here sa condo ni Mike. Ano ba ang dapat na mararamdaman ko?
"Oh Samantha! Good morning!" Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ko kaya napatingin ako kay Nicole na nakangiti sakin. Napalingon sakin si Mike at agad akong nilapitan at hinalikan sa pisnge. Accidentally i saw hurt crossed Nicole eyes. Nasasaktan siya...
"Good morning baby! Come on let's eat i know you're hungry na" Mike said at hinawakan ang kamay ko tinignan niya ako at tinignan ko din siya. Now we're facing and he is smiling, sweetly.
"Where's my clothes?" i asked instead . I don't know but it turns out coldly. Hindi ko alam kong bakit ganito at kong bakit ganon ang tinanong ko instead of greeting him back.
His smile fades.
"Pina laundry ko pa baka mamaya pa iyon ihahatid dito. Kumain po muna tayo baby.." he answered. Tumaas ang kilay ko ng mapansin ang sout na shirt at boxer ni Nicole. Kay mike yon eh.
"No thanks. Uuwi na ako" pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at pumasok sa kwarto niya. Kinuha ko ang pouch at phone ko sa table at sinout ko din ang heels ko na nasa ilalim ng kama. Hindi naman panget kong aalis akong nakaganito ang outfit maganda naman ako eh.
"Baby..."tumindig ang balahibo ko ng marinig ang boses niya. Huminga ako ng malalim at hinarap siya, blankly. Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito.
"Aalis na ako" sabi ko at lalagpasan na sana siya pero nagulat ako dahil mabilis siyang lumapit sa pintuan at nilock ito.
Sinamaan ko siya ng tingin. "What do you think you're doing? Uuwi na ako Mike!"
Humakbang siya papalapit sakin habang ako atras ng atras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil pader na pala ang nasa likuran ko. Obviously he's cornering me.
YOU ARE READING
When I Look At You
Romance"Okay na ako dito. Kaya ko na" sabi ko habang nakahawak sa pader ng cr. Umiling si Mike "No. I'll guide you baka matumba ka" Ngumisi ako "I'm going to pee. Aalalayan mo parin ba ako? Sige, ikaw maghubad ng panty ko"