Chapter Nine

7 1 0
                                    

I thought he already left but i guess I'm wrong. He is still here...with me.

"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot mo.."

Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Ang gentle ng pagkahawak niya sa akin na para bang isa akong mamahaling crystal na kong hindi mo iingatan , mababasag.

Nakatingin lang ako sakanya habang hinihipan niya ang niluto niyang soup para sakin. Ang sarap sa feeling na inaalagan niya ako.. parang ang saya saya sa puso.

"Open your mouth" he ordered at sinubo sakin ang kutsara na may soup.

Nang maka apat na ako ng kutsara ay para na akong masusuka kaya umiling ako sakanya ng subuan niya pa ako.

"Isa nalang. Konti lang ang nakain mo. Last na to.." sabi niya

Umiling ako ng ilang beses at tinuro ang comfort room. I want to puke! I covered my mouth para pigilan ang suka ko.

"Wait.." he panicked at inalalayan ako para makatayo. He placed his arms around my waist habang ako naman ay parang naka akbay sakanya.

"K-kaya ko na.. hintayin mo nalang ako sa labas" sabi ko habang naka hawak sa gilid ng pader sa cr.

"No. Baka matumba ka. I'll guide you..." sabi niya ng nakatingin sa mga mata ko. Nginitian ko siya para siguradong kaya ko.

"I'm going to pee. Aalalayan mo parin ba ako? Sige ikaw maghubad ng panty ko"

Nanlalaki ang mga mata niya at nakita ko ang pamumula ng pisnge niya. Tumawa ako ng mahina ang cute cute niya kapag namumula.

"A-ano na?" I joked.

Hindi siya sumagot bagkos ay siya na mismo ang nagsara ng pintuan. Tumawa nalang ako at napangiti. Oh, mike you really have a way to make me love you.
Makita lang kita ng malapitan ay nalulusaw na lahat ng inis at galit ko sayo. Makita ko lang ang ngiti mo okay na ako. Makita lang kita... kontento na ako.

Ginayuma niya ba ako? Hulog na hulog na ako sakanya e.

Naghilamos ako at nagtoothbrush bago lumabas. Pagbukas ko ng pintuan nakita o siyang nakasandal sa gilid. Nakatingin siya sa kawalan at ng makita niya ako ay lumapit agad siya sakin at hinawakan ang bewang ko.

Pag-upo ko sa kama kinuha niya yong basa at gamot at pinainom sakin. Asikasong-asikaso niya ako. Ang sarap sa pakiramdaman na nandito siya at inaalagaan ako. Tinali niya ang nakalugay kong buhok kaya tudo ang ngiti ko habang ginagawa niya yon. Nakakakilig kasi. I can feel butterflies in my stomach habang tinatali niya ang buhok. It doesn't matter kong hindi siya marunong as long as nag effort siya. I appreciated it.

Hindi ko alam kong ilang oras na siyang nandito. Hindi sya umaalis sa tabi ko at inaalagaan lang ako. Tinatanong kong ano ang gusto ko. Kong ano ng kailangan ko. Gusto ko siyang sagutin na siya ang gusto ko at kailangan ko pero hindi ko magawa. Kinagat ko nalang ang labi ko. I badly want to confess my feelings but I'm scared. Paano kong sa pag amin ko ay mag-iiba siya? magbabago ? Yong hindi niya na ako papansinin at ... hindi ko alam. I just can't..

Nakahiga ako sa kama habang siya naman ay nakaupo sa gilid ko at sinusuklay ang buhok ko.
Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa yon. Hindi ako magsasawang titigan ang mukha niya araw araw.

"Go to sleep Sam. Gabi na.." sabi niya at binaling ang tingin sakin. Nagkatitigan kami. Napangiti ako habang nakatingin sa itim na itim niyang mga mata. Dark and intense.

Umiling ako "I don't want to. Baka pag natulog ako iiwan mo ako.."

Umiwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa sinabi ko. I bit my lip at uminit ang pisnge ko. Ayoko siyang umalis.. gusto ko dito lang siya sa tabi ko.

When I Look At YouWhere stories live. Discover now