"Thank you and enjoy your night!" I smiled at the audience bago ako bumaba ng stage. Wednesday night at nandito ako sa Blue Desire. Kakatapos ko lang kumanta ng tatlong songs at ang sumunod ay si Lani na. Nginitian niya ako bago umakyat ng stage.
Lumapit ako sa bar counter at umupo sa isa sa mga high stool dun. Nginitian naman ako agad ng bartender nasi Mark ng makita niya ako.
"Good evening miss Samantha! Mas lalo ka atang gumaganda.." he playfully said at kinindatan pa ako.
Natawa naman ako. "Tigil-tigilan mo nga ako Mark! Wala akong barya okay?"
Nagtawanan kaming dalawa. Mark is only one year older than me at matagal na siyang nagtatrabaho dito sa blue desire bilang bartender. Mark is good looking kaya madaming babae ang nagpapacute sakanya tuwing schedule niya rito. Entertainer siyang tao kaya hindi ka talaga maboboring kapag siya ang kausap mo.
"Miss Samantha.. p-pwede ba magtanong?" Biglang sabi niya at humalumbaba sa harap ko.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Yeah?"
Tumawa naman siya. "You always do that kaya ka napagkakamalang suplada!"
I laughed. "Baliw! Bakit suplada naman talaga ako ha!"
"Oo na nga lang ako! Hahaha! Pero yong sa tanong ko. Ano.. kaibigan mo ba yong Lani?" Napakamot siya sa ulo at nginuso si Lani na kumakanta sa stage. Huli ka balbon! Si Lani kasi ay bagohan dito at hindi naman maipagkakaila na maganda itong babae.
Nag-evil smile ako. "Huli ka! Gusto mo si Lani ano? Isusumbong kita! Whahaha!"
Mas lalo akong tumawa ng malakas ng napalunok siya ng wala sa oras. Hahaha! Tinamaan ni Lani ang lalaking ito! Nakow!
"U-uy! W-wala namang ganyanan!"
"Hahahahaha!"
Halos mangiyak ako sa kakatawa. Napatigil lang ako ng biglang may umakbay sakin kaya napatingin ako sa taong yun.
"Red!"
"Miss me?" Aniya. Binatukan ko nga ng pagkalakas-lakas. Aba!may kasalanan ito sakin.
"Ouch! Ang sadista mo talaga!" Nakangiwing sabi niya habang hinihimas ang batok niya na binatukan ko.
"Kapal muks mo ha! May Mr. Pogi kapang nalalaman. Ang layo layo oi !" I said poker face.
"Ow! Speaking of that! Sino naman ang lalaking sumagot ng tawag ko. Boyfriend mo?" Sabi niya.
Nag-init ang pisnge ko. Speaking of Mike! Where is he? Sabi niya susunod siya dito? Bakit ngayon wala pa siya?
"Yes. Gotta problem with that?"
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Sabay kaming napalingon ni Red sakanya. It's Mike! Naka kulay maroon siyang tee shirt at itim na pants na may ripped sa bandang tuhod. Why always handsome Mike ko?
Lumapit siya sakin at nilagay ang kamay sa bewang ko at hinalikan ako sa pisnge. "Sorry baby. Natagalan ako traffic kasi sa daan eh"
Namula ako sa sinabi niya. 'Baby' daw! Do i look like a baby? Char! Ang sweet pakinggan pag si mike ang tumatawag nun. Err. Landi.
"Ahem" Napatingin naman kami kay Red. He look at me with his is-he-your-boyfriend-look. Ngumiti ako sakanya at tumango. "Mike, this is Red. Red si Mike, b-boyfriend ko.."
"Siya ba yung kasama mo sa garden noon?" Mike whispered to my ear at tumango naman ako.
"Red. Pare" Sabi ni red at naglahad ng kamay para sa shakehands. Tinanggap naman yon ni Mike at nagshakehands sila.
YOU ARE READING
When I Look At You
Roman d'amour"Okay na ako dito. Kaya ko na" sabi ko habang nakahawak sa pader ng cr. Umiling si Mike "No. I'll guide you baka matumba ka" Ngumisi ako "I'm going to pee. Aalalayan mo parin ba ako? Sige, ikaw maghubad ng panty ko"