Chapter Fourteen

6 1 0
                                    

Bukas na ang monthsary namin ni Mike at umabsent ako ngayong araw. Medyo malungkot ako dahil feeling ko nakalimutan ata ni Mike na monthsary na namin bukas! Hindi niya kasi iyon nababanggit at hindi niya man lang ako tinatanong kong ano ba ang gusto kong regalo. Diba ganun naman yon? Tatanongin ka ng boyfriend mo kong anong gusto mo at iyon ang ibibigay niya sayo pagdating ng araw ng monthsary niyo. Pero kahit wala naman siyang ibibigay sakin okay lang naman e basta ba mahal niya ako huehue. All I need is your love ♪♪♪

"Ang galing mo talaga no? Ikaw nang-aya pumuntang mall tapos ikaw pa itong malalate?!" Sermon ni Jes ng makarating ako sa meeting place namin--sa Starbucks. Dinamay ko nga pala sila sa pag absent ko dahil magpapatulong ako kong ano ba ang pwedeng pang regalo kay Mike.

Nasa McDo kami ngayon at kumakain dahil nagutom 'kuno' si Ai e palagi naman yang gutom -_-

"So ano pwedeng pang regalo kay Mike. Suggests please freaks!" Sabi ko.

"Sarili mo" sagot ni Ai at sakto namang umiinom ako ng coke kaya wala sa oras na nalunok ko ang iniinom ko dahilan ng mabilaukan ako.

"What the F Ai?!" Sigaw ko at binato siya ng fries. Buang talaga.

Nagtawanan naman silang dalawa. "Sabi mo kasi mag suggest eh! Nagsa suggest lang naman ako!" 

"Gaga! Yung matinong suggest! Wag mokong gawing bagita!" At natawa nalang din ako. Kong ano ano ang pinag iisip ng babaeng ito. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi choss! Wala naman talagang may 'nangyari' dahil pagkatapos niya akong halikan ay umalis siya sa pagkakadagan sa akin at niyaya akong kumain ng dinner. Sinabihan pa nga ako ng 'ang sakit mo sa puson' ano ba ibig sabihin nun?

"Brief nalang kaya ang ibigay mo o di kaya boxer! Calvin Klein para hot tignan!" Mukhang tanga na sabi ni Ai nang madaanan namin ang men's underwear.

"Hahaha yan siguro binigay mo kay Luke nong first monthsary niyo no?" Natatawang biro ni Jessica kaya pati kami ay natawa nadin. Bakit nga ba sila pa ang tinanongan ko e wala naman akong mapapala sa dalawang baliw na to? Medyo okay pa si Jes si Ai kasi mukhang sabog e. Na putokan siguro. Char! Hahaha.

Sa ilang oras na paikot-ikot namin sa mall ay sa D&L Jewelry Shop kami napunta. Bigla kasing pumasok sa utak ko na magpagawa nalang ako ng bracelet na naka engrave ang pangalan naming dalawa. Sa akin 'Mike's sakanya naman 'Samantha's' tas may infinity na naka blend sa pangalan namin. Pagkatapos ng halos isang oras ay natapos nadin ang pinapagawa ko. Nakalagay na ang dalawa bracelet sa isang maliit na box na kasya sa bracelet. Napangiti ako nang makita ang pangalan namin na naka engrave dun. Sana magugustuhan niya ito ♥.

"Sa tingin niyo. Magugustuhan kaya ito ni Mike?" Tanong ko sa dalawa ng palabas kami ng shop. Hawak hawak ko ang paper bag sa kaliwang kamay ko.

Ngumiti naman ang dalawa ng malapad. "Oh yeah! Ang ganda kaya ngireregalo mo!"

Napangiti ako sa sinabi ng dalawa. My gosh. Pero iniisip ko parin kong nakalimutan ba ni mike na monthsary namin bukas. Nako pag talaga nakalimutan niya ang first monthsary namin hindi na talaga siya makakakiss sakin. Tignan natin. Hmp!

Umuwi kami sa condo ko dahil ayaw pa naman ng dalawa na umuwi sakanila kaya dito nalang daw sila sa unit ko total ako daw ang umaya sakanila na huwag pumasok. Hmp.

Pagbukas ko pa lang ng pintuan ay naguunahan na silang pumasok at as usual deristo sa kusina. Uubusin na naman ang groceries ko. Hays.

Pagbalik nila sa sala ay may tag iisa na silang dala ng ice cream temptation. Napairap nalang ako kaya natawa silang dalawa at umupo sa couch sabay on naman ni Ai ng TV.

When I Look At YouWhere stories live. Discover now