"Mike! Ipikit mo nga sabi ang mata mo eh! Isa!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya mabilis naman niyang pinikit ang mga mata niya.
Napahagikgik ako habang nilalagyan siya ng liquid eyeliner.
"Baby naman eh!" Reklamo niya habang mini make upan ko siya.
"Heh! Manahimik ka dyan!" Masungit kong sabi pero nakangiti. Hindi naman niya makikita eh kasi nakapikit siya. Sabado ngayon at pumunta siya dito sa condo ko at dahil wala akong magawang pagtripan siya ang nakita ko at minake upan. Kanina pa nga siya reklamo ng reklamo eh pero wala din naman siya magawa dahil ako ang boss ngayon at ako ang masusunod. Hohoho!
"Fvck!" Mura niya habang nilalagyan ko siya ng lipstick.
"Umayos ka nga! Baka pumangit to!" Singhal ko sakanya at umayos ng upo sa lap niya habang nilalagyan siya ng Red MAC lipstick.
Hinigpitan niya naman ang pagpulupot sa bewang ko at ngumuso.
I chuckled. "Baby ginagawa mo naman akong bakla e! Sayang ang kapogian ko baby kong gagawin mokong sirena. Ikaw din!"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya. Waaaah! Bakit ganun? Ang ganda niya kapag may make up mas maganda pa sa akin. Pero kapag wala naman sobrang pogi! Gad! Ano ba itong boyfriend ko? Bisexual?
"Baby ang ganda ganda mo! Selfie tayo ah, ipopost ko sa IG! Hehehe!"
Ngumuso naman siya at umiling ng paulit-ulit. Cute. "Ayaw" Sabi niya.
I frown "Magtatampo ako sige ka.." sabi ko and crossed my arms over my chest. Tumagilid pa ako para talagang nagtatampo pero kemi lang! Hihihi.
"Alright alright! You win. Pasalamat ka mahal kita.." at niyakap niya ako ngumiti naman ako dahil sa kilig. Emeghed. Pero aacting muna ako baka sakali pumasa maging artista ^^
"Huwag na. Napipilitan ka lang naman e" nagtatampo na sabi ko at akmang aalis sa pagkakaupo sa kandungan niya pero mabilis niyang nahawakan ang magkabilang bewang ko kaya napa upo muli ako sa lap niya.
"N-no baby. Hindi ako napipilitan okay? Where's your phone ako na kukuha ng selfie natin. Huwag kana magtampo please.." napangisi ako sa lambing ng boses niya. Hohoho! I won again!!
"Mahal mo talaga ako no?" Nakangising sabi ko and give him a peck on his lips.
Ngumiti naman siya ng matamis. "Hindi lang mahal. Mahal na mahal" sabi niya that made my heart melt. Oh gad! I'm so in love with my boyfriend. Can't help falling in love and falling in love with him <3
"Ipopost ko na ito sa IG!" Nakangiting sabi ko habang tinitignan ang mga kuha naming selfies. Ang cucute nga eh! Nakakaloka dahil ang ganda niya pa kesa sa akin. Meron kaming kuha na pareho kaming naka wacky ang cute! *0* Pero yong gustong gusto ko talaga sa lahat yong naka kiss ako sa pisnge niya habang siya ay nakatingin sa camera at nakanguso. Hihihi ang sweet naming tignan!
Nilingon ko si Mike at nakita kong tinatanggal niya na ang lipstick sa labi niya pero ayaw maalis. MAC lipstick kasi kaya matagal matanggal. Mukhang frustrate na frustrate na talaga siya dahil ayaw talaga matanggal. Hahaha.
"Baby meron paba?" Tanong niya at ngumuso.
Tumango-tango ako.
"Ugh! Bakit ayaw matanggal?!" Frustrated niyang sabi.
Gulat siyang napatingin sa akin nang kumandong ako sakanya at pinulupot ang braso ko sa leeg niya.
"B-baby what are you doing?" utal niyang tanong nang ilapit ko ang mukha ko sakanya. Napangiti ako when i saw his face reddening. Nagbablush si Mike? OMG.
YOU ARE READING
When I Look At You
Romansa"Okay na ako dito. Kaya ko na" sabi ko habang nakahawak sa pader ng cr. Umiling si Mike "No. I'll guide you baka matumba ka" Ngumisi ako "I'm going to pee. Aalalayan mo parin ba ako? Sige, ikaw maghubad ng panty ko"