MINYOUNG"S POV
Hindi ko talaga maintindihan tong nararamdaman ko eh,bakit kapag magkasama kami ni Minho ang saya-saya ko...parang feel ko GUSTO ko na nga sya eh..
Pero hindi ko pa naman sure.
After mailibing ni Papa,nag-lie low muna ako sa pagtatrabaho tutal wala na din namang silbi kahit magtrabaho pa ako eh.
Wala na din namang mapupuntahan yung pagiging masipag ko diba?
-
-
-
MINHO'S POV
Haysss after mailibing ng Tumayong tatay ni Minyoung hindi na sya pumasok para magtrabaho.
*TSK!
Namimiss ko na yata sya,hindi ako mapakali kapag hindi ko sya nakikita,hindi ganito ang nararamdaman ko sa mga unang girlfriends ko na hindi ko naman sineryoso.
Pag-alis ko ng bahay hindi ako dumiretso sa Blue house pinuntahan ko kung saan nakatira si Minyoung.
Tahimik at iisipin mong walang tao.Sarado ang pinto at bintana.
JUSKO!TEKA!
Baka.....baka nag-suicide yun.
Mabilis kong tinungo ang pinto at kinatok yon ng sunod - sunod.Yung akala mo wala nang bukas kung makakatok ako.
"MINYOUNG!MINYOUNG!MINYOUNG!BUKSAN MOTO!MINYOUNG!NANDYAN KA BA?"sigaw ko habang kinakatok yung pinto,ako lang ang nagpaingay sa paligid.
Kinabahan naman ako nung hindi sya sumagot at walang nagbubukas ng pinto.Naglabasan ang pawis sa mukha ko.
Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin.
"Ano?"boses...boses na nagpawala sa kaba ko.
Si Minyoung!Binuksan na nya yung pinto at nasa harap ko na sya!
Labis na saya ang nadama ko,agad ko syang niyakap kahit na mukha syang hindi pa naliligo,gulo-gulo ang buhok,at mukhang mabahong tingnan.
Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko,sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Minyoung..."mahinahong nasambit ko habang yakap sya.
"M-Minho!"sambit niya bago kinalas ang pagkakayakap ko.
-
-
-
Nasa loob kami ngayon ng bahay nya.
"Anong nangyari sayo huh?Alam mo ba na sa ginagawa mo nag-aalala ako!"sermon ko.
"Huh?Ba't ka naman mag-aalala?Ayos lang ako wag kang mag-alala."
"Sigurado kabang ayos ka lang?"tanong ko.
"Oo."sagot nya.
Hinawakan ko ang braso nya bago hinila sya papalapit sakin at niyakap ko sya.
Lulubus-lubusin ko na ang pagkakataon habang hindi pa nag-reremind si papa about kay Minyoung,tama nga yata yung pakiramdam ko nung una palang na mukhang hindi ko nga talaga yata magagawa to...kaya pala parang may pumipigil sakin,dahil mamahalin ko pala ang babaeng dapat ay patayin ko.Hindi ko kaya......
"Minho..."kakalas sana sya nang sabihin nya yan pero lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Minyoung...hayaan mo akong gawin ko ito."sabi ko sabay pikit na nakasampa ang baba sa balikat nya.Hindi na sya kumilos ng sabihin ko iyon,sa halip ay niyakap na din nya ako.Bibigay ka din pala eh hehehe....
-
-
-
-
MINYOUNG POV
Mahal ko na nga talaga sya,natuklasan ko nung mga oras na niyakap nya ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko nung mga oras na yun,kumabog kasi ng mabilis yung dibdib ko.Pero ang tanong "mahal kaya nya ako?"
Minho...mahal na kita.
Hindi ko alam kung papano nangyari yun,parang lahat ng to nangyari sa hindi maipaliwanag na dahilan.
YOU ARE READING
CONSEQUENCES
Teen FictionMAHIRAP TALAGANG MAGMAHAL KASE MAY MGA CONSEQUENCES... MAY MGA PAGSUBOK KANG DAPAT HARAPIN.... HINDI KANA MAKAPILI SA DAMI NG CHOICES... LALO NA KUNG KASALI ROON ANGPINAKA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY MO.... ******************************...
