Chapter 29

11 0 0
                                        

MINHO'S POV

Sa sobrang pagod ko sa maghapong pag-iisip at paglalakad-lakad ng wala namang kwenta umuwi din ako.-

-

-

-

-

-

O_O

Yan yung naging reaksyon ko nung oras na umuwi ako ay nakita ko sa loob ng bahay ko si Minyoung.

"Paano ka nakapasok?"gulat na tanong ko.

"Hindi na mahalaga yon Minho ang mahalaga naabutan mo pa ako."

Huh? Inabutan pa? Bakit? Anong gusto nyang sabihin.

Nang dahil naman don napatitig ako kay Minyoung.

Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nya.

"Alam ko nagtataka ka! Pero ang totoo kasi aalis kami ni Papa kasama si Hara...dadalhin ako sa Japan para sa safety ko.Nagpadala ng Death threat ang papa mo para sakin kaya dadalhin kami roon" litanya ni Minyoung.

Matapos nyang sabihin ang mga yon nakaramdam naman ako ng panghihinayang..pero okay na din basta sa kaligtasan nya. Hindi ko naman naiwasan ang maluha.

-

-

-

Tinalikuran naman ako ni Minyoung.

"Sana alagaan mo yung sarili mo...at ipagpatuloy mo ang pagtatrabaho sa Blue house."sambit nya habang nakatalikod bago lumakd na palayo.

Di pa man sya tuluyang nakakalayo agad ko na syang hinabol at niyakap bago ko isinampa ang baba ko sa balikat nya,

"Minyoung...mag-iingat ka.Yung mga sinabi kong masasakit sayo,wag mo nang iintindihin o iisipin pa yon dahil nasabi ko lang yon para hindi kana mapahamak pa."emosyonal kong sambit.

"Naiintindihan kita Minho. Wag kang mag-alala kalilimutan ko lahat yon."Sambit nyang umiiyak tsaka umalis sa pagkakayakap ko at naglakad na palayo.

Habang tinititigan ko  si Minyoung unti-unti namang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Minyoung...mahal na mahal kita.Gusto ko sanang sabihin pero.....wala nang saysay kung sasabihin ko pa,alam ko namang di kita mapipigilan sa pag-alis mo."yan na lang ang nasambit ko habang umiiyak.

Napaluhod na lang ako tsaka humagulhol sa pag-iyak.Eh ano pang magagawa ko?

-

-

-

-

-

MINYOUNG'S POV

Halos mapuno ng luha ko yung kwarto ko sa kakaiyak ko.

-

-

-

Di lang siguro isang oras na umiiyak ako,kanina habang nagda-drive ako ng kotse ko muntik na akong mabangga ng isang bus buti na nga lang at nakapreno yung driver ng bus.

Maya-maya naman ay bumukas yung pinto ng kwarto ko,nag-angat ako ng ulo ko para makita kung sino yon.

Si Hara!

"Ate?"sambit nito.

"Hara?Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Ate kanina ko pa kase naririnig na umiiyak ka at tinatawag mo ang pangalan ni Minho Lee."

Kahit kailan talaga napaka tsismosa ng batang to eh.

"Mahal mo po ba sya?"dagdag pa nito sa tanong nya.

"Alam mo ikaw masyado kang imbestigadora.Lumabas kana nga lang!"Pagalit na sambit ko.

"Ano bayan!Crush ko yun eh!"padabog na sambit nya bago tinalikuran ako at naglakad na palabas n kwarto ko.


CONSEQUENCESWhere stories live. Discover now