Chapter 33

14 0 0
                                        

MINHO'S POV

Until now nag-aantay pa rin kaming lahat sa paglabas ng doktor ni Minyoung.

Lumipas naman ang ilang oras pa at sa wakas ay lumabas na din sya.

Sabay-sabay na nagtayuan ang lahat.

"Dok..kamusta sya?"tanong ko kaagad nang makalapit sya samin.

"Successful ang operation namin natanggal ang bala na nasa katawan nya,kaya lang maraming dugo ang nawala kaya kailangan nya ng donor."

"Dok!Sakin kayo kumuha ng dugo...type 'o' ako."agad kong sambit nang walang pag-aalinlangan.

"Anak sigurado kaba?"tanong ni mama.

"Wala nga syang pag-aalinlangan nung isinalag nya ang sarili nya para iligtas ako bakit pa ako mag-aalinlangang magbigay ng dugo?"katwiran ko.-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Naging success naman yung pagdo-donate ko kaya lang baka matagalan nga raw ang paggising ni Minyoung.

Nagdesiyon ako na umalis muna with my real family,habang nasa hospital si Minyoung.Pero hindi sya mawala-wala sa utak ko,gabi-gabi ko syang pinagdadasal.

Nagdadasal ako na sana okay na sya,sana pagka nagising na sya malakas na sya kaagad.

-

-

-

Malayo ang tanaw ko na naka upo sa terrace ng rest house na tinitigilan namin.

Bigla namang may humawak sa balikat ko. Si Papa.

"Pa!"

Umupo sya sa tabi ko.

"Anak bilib ako sayo...napaka tatag mo...hindi ka sakin nagmana."

Ngumiti ako bago nagsalita.

"Pano nyo naman nasabi yan Pa?Eh kamukhang - kamukha ko nga kayo."sambit ko.

Bigla namang tumulo ang luha sa mga mata ni Papa.

"Sobrang saya ko na magkakasama na tayo,matapos ang napaka habang panahon na hindi tayo nagkita at nagkasama...kung alam mo lang kung gano ako kasaya na kasama kita.."

"Gano'n din ako Pa. Masaya din akong kasama ko na kayo ni Mama."sambit ko bago yakap kay Papa.

"Hindi na tayo magkakahiwalay..."bulong ko pa.

-

-

-

-

-

-

-

Lumipas ang ilang araw,at ilang linggo nang maisipan kong dalawin si Papa- yung papa ko na KRIMINAL.

"Ano pang ginagawa mo dito?"tanong nya na halatang nahihiya sakin.

"Kahit anong gawin mo hindi mo matatanggal sakin ang pagtanaw ko ng utang na loob ko sayo naging ama kita,binuhay mo ako at kung hindi dahil sayo walang consequences na susubok sa akin.Kung hindi din dahil sayo hindi ko makikilala si Minyoung.Aaminin ko na may sama ako ng loob sayo pero nagpapasalamat pa din ako dahil hindi mo pinatay ang mga magulang ko...Mahal kita kaya hindi ko nagawang patayin ka nung araw na binaril mo si Minyoung.Nanaig sakin na may utang na loob pa din ako sayo...Sana magbago kana..makakalaya ka rin dito.Tanggalin mo ang galit na namumuo sa puso mo...kung kinaya ko alam kong kakayanin mo rin.Hindi pa lang ngayon pero dadating ang raw na yon."mahaba kong litanya sa kanya,bago ako tumalikod.

"Minho!"pagtawag nya sakin;dahilan para lumingon ako.

Niyakap nya ako bago umiyak sya.

"Patawarin mo ako sa lahat...a-anak...Salamat."sabi niya,maya-maya pa ay naiyak na din ako at yumakap sa kanya.

CONSEQUENCESWhere stories live. Discover now