Chapter 19:MeetHaraPark

12 0 0
                                    

Minyoung's POV

Nasa airport kami ngayon para sunduin yung anak ng Presidente sa yumao nyang asawa.

Galing kasing Taiwan yun at ngayon umuwi na,doon kasi pinag aral ni Pres.Willian Park.

I think she's 17 years old.

Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang aming hinihintay.

Maganda,sopistikada,at cute ang anak ng presidente,kaya hindi ko naiwasang mainggit sa kanya.

Pero mukhang mataray eh..

"Kayo ba yung pinadala ni Dad?"tanong nya samin ni Kienna.

"Oo."sagot ko.

Tiningnan nya kami mula ulo hanggang paa,feel ko tuloy nanliliit ako sa titig nya.

"Tsk.Ang cha-chaka nyo naman pala."sa halip ay sabi pa nya.

Aba!Loko tong bata na to ah!

"Bakit ganyan ang suot nyo?"tanong nya nang naglalakad na kami.

"Ito kasi ang uniform ng agent."si Kienna na ang sumagot.

"Ah...so mga agent pala kayo?Wow!"

"Oo."sabi ko.

-Blue house-

"Minyoung!"tawag yun ni Professor Lee ay este!Minho pala :)

"Wow!Ampogi nya!"biglang sambit na lang niHara.

Hala ka!Umentra ang kalandian nga batang ito!

"Hara...tumigil ka Professor yan na galing pang America."saway naman ni Kienna.

"Eh bakit ba?Si Daddy naman ang amo nya ah."katwiran ng batang to.

Hindi pa nakakalapit sa pwesto namin si Minho inunahan na ito no Hara.

"Miss...excuse lang."sambit ni Minho habang nakikipagpatintero kay Hara.

"Hi!Anong name mo?"tanong ni Hara kay Minho,jusko kabata-bata pa eh lumalandi na tss...

"Ako si Professor Lee."pakilala naman ni Minho...Minho talaga kahit bata papatulan napagahahalataan talaga ang playboy.

"Pssssttt..."sitsit ni Kienna sakin.

Lumingon naman ako.

"Selos ka noh?"tila nang aassar na sabi ni Kienna ng pabulong.

HUH?

Tss...

ako?magseselos bat naman??

Iniwasan naman ni Minho si Hara tsaka lumapit samin.

"Sino sya?"interasadong tanong ni Minho sakin.

"Nako Minho..child abuse ang kakalabasan mo dyan anak ni President Park yan."sabat naman ni Kienna.

"Bakit tingin mo ba bata ako?Hoy,Miss Agent para sabihin ko sayo Im 17 years old noh.Malapit na ang birthday ko at gusto ko si |Professor Lee ang pang-eighteen dance ko."sabat nung bata-batuta,joke lang.

pasimple na lang akong napairap,tss.

Pero bakit ganto yung pakiramdam ko?

Feeling ko ang lapit ko kay Hara.


CONSEQUENCESWhere stories live. Discover now