Chapter 34

7 0 0
                                        

MINHO'S POV

Matapos ang kadramahan namin ni papa umuwi na ako sa rest house.

Pero nagulat ako sa nakita ko nag-eempake na sina mama at papa.

"Pa,Ma diba mag-eenjoy pa tayo dito."nagtatakang sambit ko.

"Pero mas mag-eenjoy kami kung makakausap mo na si Minyoung."sabi ni papa.

"Tumawag si President at sinabi nyang naka-uwi na si Minyoung,nagpapasalamat nga kasi nga kundi ka nagdonate ng dugo hindi magigising ang anak nya."

Napatameme naman ako nang sabihin yun ni Mama.

Gising na si Minyoung?

Okay na sya?

-

-

-

-

-

WAAAAAAHHHHHHHHHH

Halos magtatalon ako sa sobrang saya ko sa nalaman ko.

Kaya excited ding nag-empake ako.

Para bumalik na at makita ko ang babaeng syang nagbigay ng pag-asa sa buhay ko.

-

-

-

-

-

-

@ BLUE HOUSE

Agad akong nagtungo sa loob ng opisina ni Pres.Park,nakita ko roong kasama nya si Hara na naka-upo sa set.

"Oh andito ka alam kong para kay ate at hindi para sakin...yang rosas na dala mo alam kong para sa kanya yan...Hoy! Wag mong sasaktan yung ate ko huh..tanggap ko na na sya yung mahal mo at hindi ako."salubong sakin ni Hara,napangiti naman ako sa mga sinabi nya.

"Nasan sya?"tanong ko.

"Nasa garden sya Minho."sagot ni Pres.Park.

"Salamat President!"sambit ko.

"Papa na ang itawag mo sakin."

Lalo naman akong binalutan ng kasayahan ng marinig ko iyon.

Tsaka tumakbo na ako papuntang garden.

-

-

-

Napangiti ako nang makita ko roon si Minyoung habang nakatanaw sa malayo at nakaupo sa bench.At katabi ng bench na yun ang isang wheel chair.

Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya.Bago niyakap ko sya.

Nagutla naman sya.

"Wag kang mag-alala ako to..."bulong ko malapit sa tenga nya.

"Minho!"nagulat nyang sambit bago biglang tayo na muntik pa syang matumba.Agad ko naman syang naalalayan.

"Dahan-dahan lang baka tuluyan kang mapilay nyan."sabi ko.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata nya at tumulo ito,umangat naman ang kamay nya at hinawakan ang pisngi ko.

"Hindi na ako mawawala sa tabi mo..pangako.Lagi na kitang gagabayan,sabay nating kakalimutan ang nakaraan...Ang mga nakaraang nagpahirap sating dalawa."litanya ko.

Humagulhol na sya sa pag-iyak.

"Gabi-gabi akong nananaginip na hindi na kita makikita,pero kabaliktaran ang nangyari...Minho wala nang sinumang makapaghihiwalay sating dalawa,dahil kung may iasang daang dahilan para iwan ka hahanap pa rin ako ng iasang paraan para manatili ka...para manatiling tayo..."umiiyak na sambit ni Minyoung.

Ipinikit ko ang mga mata ko bago dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa mukha ni Minyoung para halikan sya.

-

-

-

-

-

"Minho...Mahal kita..."

"Mahal din kita Minyoung..."

Niyakap namin ang isa't-isa.

"Wow...Lalanggamin ako sa sobrang tamis nila Papa.."boses ni Hara na nasa likuran naman namin.

Humarap kaming dalawa ni Minyoung,pero inaalalayan ko sya.

"Kailan nyo balak magpakasal?"tanong ni Tito 
Willian = Pres.Park

Tumawa naman ako.

"Pagpa-planuhan ko pa Tito."sambit ko.

"Diba ang sabi ni Papa; papa daw ang itawag mo sa kanya?"sabat ni Hara.


CONSEQUENCESWhere stories live. Discover now