MINHO'S POV
Dahan-dahang idinilat ko ang mga mata ko.
Malabo,pero unti-unti itong luminaw.
Puno ng Puti ang paligid ko.
Nasa langit na ba ako?Sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko,napunta pa ako sa LANGIT?
Narealize ko naman na nasa ospital pala ako dahil sa maamong mukha na nasilayan ko.
Ang mukha ni Minyoung.
"M-Minho?Gising kana!"halos matiling sambit nya.
Bigla naman ang pagpasok ni Pres.Park.
"Alam na ba nya?"tanong ko kay Minyoung.
Umiling lang si Minyoung.
"Ang alin?"tanong ni Pres.Park.
Bumuntong hininga ako para makahugot ng lakas ng looba dahil ang totoo nanghihina pa ako.
"President Park...Alam kong hindi kapani-paniwala to,pero sana maintindihan nyo ako.Si.......Minyoung ang nawawala mong anak.Sya si Lei Ann Park.Kaya kong patunayan ang lahat ng sinasabi ko,dahil ang mismong kaaway mo ang nagsabi sakin...at ang kaaway mo na yon ang dahilan kung bakit sumabog ang barkong sinasakyan nyo noon.Nalaman nyang may nakapulot sa anak nyo kaya nalaman nya na buhay pa sya.Binigyan nya ako ng misyon para mapagbayaran ang lahat ng utang na loob ko sa kanya,at yun ay kung mapapatay ko si Lei.Hindi ko nagawa yun dahil naging malapit na si Minyoung sakin,kaya nung oras nababarilin na nya si Minyoung isinalag ko ang katawan ko para ako ang tamaan ng bala."mahaba kong kwento.
-
-
-
-
-
Umiyak ang lahat ng tao roon; sina Agent Kienna,Hara,Minyoung at si Pres.Park.
"I-Ikaw si Lei Ann? Ikaw ang anak ko."umiiyak na sambit ni Pres.Park bago niyakap si Minyoung.
Ganon din si Hara,niyakap din nya si Minyoung.
-
-
-
-
-
-
Nakauwi na ako at ihinatid ako ni Minyoung.
"Makakaalis kana."sambit ko.
"Minho may problema pa ba? Kung ano man yang iniisip mo na hindi maganda wag mo nang alalahanin yun."
Umupo akom sa sala set tsaka naiyak.Bakit?
"Minyoung! Ay sorry ikaw na nga pala si Lei Ann ngayon...pano mo natitiis na magtyagang kaibiganin pa ako at lapitan sa kabila ng mga ginawa ko sayo? Tapos na ako sa hinihiling mo.Pwede mo na akong iwanan sa ere,nagkaalaman na kayo diba? Congrats sayo! Please kung lalapit ka nang lalapit sakin mapapahamak ka lang..."
Iyon ang dahilan ng pag-iyak ko.
Mula sa likuran ko naramdaman kong umiiyak din si Minyoung.
"Wala akong pakialam sa mga nangyari ngayon.Ano naman kung nakita ko na yung ama ko? Hindi sapat yon para pasalamatan kita. At kung iniisip mo na nagbago ang pagtingin ko sayo dahil sa mga nangyari,uulitin ko lang sayo mananatiling ikaw ang Minho na nakilala ko noon."sambit niya,then yakap sakin habang nakatalikod ako.
YOU ARE READING
CONSEQUENCES
Teen FictionMAHIRAP TALAGANG MAGMAHAL KASE MAY MGA CONSEQUENCES... MAY MGA PAGSUBOK KANG DAPAT HARAPIN.... HINDI KANA MAKAPILI SA DAMI NG CHOICES... LALO NA KUNG KASALI ROON ANGPINAKA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY MO.... ******************************...
