HER POV
Kelan ba nag simulang mapag tanto ko na hindi lang pala basta pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya.
I mean really? When did it start? When did I start looking at him as a man? I don't know when, where and how, one thing for sure is that with him I found peace, with him I found love, with him I don't know, it's just with him everything seems to be fine.
Oo na. Ako na, ako na yung kinain yung salitang binitawan ko. Hindi ko namalayan na yung moment na dineclare ko na platonic kami yun pala yung sinyales na hindi lang basta friendship ang kaya kong ibigay sa kanya.Pero kelan nga ba talaga nagsimula ang kwento? Hindi ko rin alam pero siguro simulan na lang natin sa isang ordinaryong araw na nag bbike ako papuntang school.
Papalabas na ko ng gate ng bahay ng mapatingin ako sa katabing bahay namin. Color sky blue same shade ng sa amin. Sa tinagal tagal kong nakatira dito bat parang ngayon ko lang ata nakitang may tao palang nakatira dito.
Oh well, sinara ko na lang yung gate at umangkas na sa bike at baka malate na talaga ko,
"Good morning ate"
Bati ko kay Aling May yung may ari ng tindahan dito sa labasan namin, na pinaki-iiwan ko ng bike."Magandang umaga Ash, sige na i park mo na jan yang bike mo ng hindi ka ma late" ngumiti lang ako at pinark ko na nga ang bike.Nag salute lang ako sa kay ate sign na aalis na ko, ngumiti lang si ate at itinuon nya na ang atensyon nya sa kausap nya na nasa loob ng sasakyan bago atang lipat or lilipat kasi kasunod nya eh yung truck intended sa mga lilipat ng bahay stuff.
Tumuloy kagad ako sa waiting shed, dahil rush hour eh puro students at working people ang ngayoy nakapila, Maya maya rin lang eh may dumating na ring jeep, sad to say, hindi ako pinalad at napuno kaagad yung jeep ng hindi man lang ako naka usad sa pila.
"Greaaaat. I'm late."
Dat pala nag pahatid na lang ako kay daddy eh. Hay nako.
*Five minutes later*
Bloody munchkin ma lalate na ata talaga ko. Tumingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata na malamang 30 minutes na lang mag e-8 na.
Alas-otso ang start ng klase ko, kaso may flag ceremony kada lunes nang 7:45 at kung maabutan ka ng flag ceremony paniguradong late ka na ng first subject.Kinunuha ko yung phone ko sa bag at i-ttxt na sana si daddy para magpahatid ako ng may humintong Navy Blue Tucson sa harap ko. Eye catching, I just ignored it and continue on what Im doing, mas importante na hindi ako ma late kesa muna sa pagiging amaze sa sasakyan na to.
***dadi, Ma-la late na ako, nasa labasan pa din ako. Can you pick me up? I'll wait for you. Merci ☺ ***
I sesend ko na sana ng biglang bumusina ng tatlong beses ang sasakyan na to, Tiningnan ko ito ng biglang bumaba ang bintana sa may back seat. At isang nakangising unggoy ang bumungad sakin. Oh great.
"Asher Jaden Sandoval"
Yeap that's me, and this is my story.