Tres

106 3 1
                                    

"Ash, Gising na" Nagising ako sa tapik ng balikat ni Prim.

“lunch na?” Lumingon ako sa kanya at hindi pa din tuluyang ina-angat ang ulo ko.

Dahil busy sa pag plano pag tulog i meant, hindi ko namalayan na lunch break na pala, hindi na nga rin kami nag snack at mas mahalagang matapos to kesa ang kumain.

“Yes, your majesty, tinulugan mo nanaman?”  he replied at tiningnan ang gawa ko.

"May nagawa ako, bago ko tinulugan" Pag defend ko sa sarili ko ng sinamaan niya ko ng tingin

“Akalain mo yun? wala ka ngang ibang ginawa kundi ang matulog, you didn’t even bulge when I kick your chair earlier” Sabi niya at pinitik ako sa noo,

"aray ah" ako naman ang sumama ang tingin sa kanya, that earned a laugh from him.

“Kaya imbis na tuloy tuloy tulog ko eh, napuputol dahil sayo eh”
Pag re-reason out ko at tuluyan ng bumangon habang inaayos na ang gamit kong dadalin pauwi

“Kasi po may esquisse ka diba? hindi mo nagagawa, Matulog ka kasi ng maaga para hindi ka antukin ” patuloy niya habang hinihila na ako palabas ng room

“Duh? ---”

“Hush! Oo na, oo na antukin ka talaga at nagawa mo naman, pero gutom na ako. If you mind, they're already waiting outside”

Pag putol nya sa sasabihin ko,  napatingin naman ako sa labas and he’s right, they’re already there, and aubrey’s giving me the na antagal mo, gutom na ko look.

Inirapan ko lang si Prim na ngayon eh naghihintay sa unahan ko at sinesenyasan akong maglakad na palabas, kaya sumunod na rin ako.

“hindi ka uuwi? sasabay ka samin?” tanong ni Aubrey ng makalapit na kami sa kanila.

"Uuwi hintayin ko lang si dadi. susunduin daw ako eh"  sabi ko,
Tumango lang siya at naglakad na kami papalabas ng building, Nauunang maglakad si cyrus at prim habang halos magkasabay naman kami ni aubrey ng lakad.

"sasama ka sa sem break ah?" Biglang sabi ni aubrey kaya napatingin ako sa kanya habang bumababa kami ng building.

"tagal pa naman, pero tingnan ko"
sabi ko na may kasamang naiilang na pag tawa.

"alam ko nanaman yang ganyang tawa mo, Jade"

Naiiling na sabi niya at pinitik ako sa noo.

"Hey!"

"Basta, kami na o si Prim na ang magpapa alam kay tito, para sayo"
Pagpapatuloy niya sabay tapik kay prim na nasa unahan lang namin.

"Ano?" Tanong ni Prim at bumagal na ang pagbaba sa hagdan para masabayan kami

"Sem break daw? tinatamad ako, itutulog ko na lang yun please?" pagmamaka-awa ko, mas gusto kong matulog na lang muna. Na nakakuha ng magasawang pitik sa noo, na ikinatawa nung Dalawa.

"Tulog ka na lang ng tulog iha, pati si Ma'am tinutulugan mo, ibang klase ka talaga" 
Naiiling na sabi ni Cyrus na ikina ngisi ni Prim.

"eh sa, inaantok yung tao" Pag re-reason out ko pa at pabirong sinipa si Cyrus na ngayoy tumatawa habang nauna ng ilang steps pababa.

"Maninipa pa eh, nasa hagdan ka. Umayos"  Pag pigil ni Prim sabay hawak sa braso ko para hindi ako ma our of balance sa hagdan.

"oo na, ako na bahala," sabi ni Prim at tinapik sa balikat si Cyrus.

"Oh, yan na Jade ah"
May finality sa boses ni Aubrey.
Tumango na lang ako as a response given na decided na nilang sasama ako sa gala.
Matapos nang ilang minutong paglalakad, narating na din namin ang labas ng building.

“una na kami ah? Gutom na ko eh” Pagpapa alam ni aubrey at sinenyasan niya na si Cyrus. Tumango lang sakin si Cy at tapik naman kay Prim.

"Ingat!” I said and just nod at naupo na sa bench, Kung saan ko hihintayin si dadi. Maya maya rin lang naramdaman kong naupo din si Prim sa tabi ko.

"di ka pa uuwi?" Nagtatakang tanong ko nang lingunin ko siya sa tabi ko.

"Hintayin ko na lang din si tito" Sabi niya at sumandal na sa upuan,

"Okay"
Sabi ko na may kasamang tango at sumandal na din sa upuan.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon