Cinco

51 2 0
                                    

Nakarating kami ng room sa wakas, na late kami at mabagal na lakad lang ang pacing namin nun ni Prim.  Nakayukong tumuloy lang ako sa upuan ko at nakita kong kinausap ni Prim si maam.
Tumingin lang sakin si maam, yumuko naman ako at nag greet kay maam.

"Good afternoon maam"
Tumango lang si maam, Himala ata na hindi nag sermon si maam, nagger prof pa man din sya sa mga late comers.

Pagdaan ko sa pwesto nina Cyrus, nakangiti ng nakakaloko ang unggoy.  alam ko na kung ano natakbo sa isip neto, number one shipper namin yan eh at sino pa bang pumapangalwa? Kundi ang girlfriend nya na ngayon ay nakangisi na rin. Inirapan ko lang yung dalwa sabay upo na ng tuluyan sa upuan ko.

“Nag check na ng attendance?” Bulong ko kay Aubrey

“oo na, kanikanina lang, bat ba kayo na late?” pag uusisa niya

"Noo- baka di akuin ni maam esquisse ko" Nanghihinayang na sabi ko at yumuko sa may balikat ni aubrey.

"Bat ba kasi kayo na late? kilala mo naman si maam eh" tiningnan ko lang si aubrey at umiling iling.

"oh eto si Prim"

Napatingin akong may pagtatanong kay Prim na ngaayo’y naglalakad na papunta sakin

“Ano sabi ni maam?” Tanong ni Aubrey at sinenyasan akong umayos ng upo. Humarap ako kay Prim na ngayon ay nasa tapat ko na.

“Excuse pagiging late natin, I told her what happened so yah, tapusin mo na gawa mo at wag mong tulugan"

Thank goodness, tumango lang ako as a response at pinagpatuloy na namin yung esquisse. 
Wala kaming seating arrangement kaya katabi ko si Prim na ngayon eh tinanguan ako at naglagay na ng earphones and I did the same thing.

After ilang oras na pag p-plate nakaramdam nanaman ako ng pagod antok  nanaman ako panigurado, Alas tres pa lang naman.  Lumingon lingon ako sa room at lahat busy sa kanikanilang gawa, wala din naman si maam. Kaya naisipan kong umidlip na muna. Wala pang limang minuto napabangon ako sa pagkurot ng katabi ko

“I’m trying to sleep here” hindi ko na ina angat ulo ko at lumingon lang kay Prim

“ni hindi mo pa nga yan tapos, mamaya ka na matulog” seryosong sabi ni prim at pinitik ang noo ko.

“Aray!" Inirapan ko lang siya at lumingon na ulit sa kabilang side at pumikit.
"Malapit naman na,let me sleep" Bulong ko hindi ko alam kung narinig niya ba o ano. 

“ouch! What was that for?” halos pasigaw na sabi ko kay prim

“Serves you right! Finish it first then sleep later. Okay?” I-iling iling na sabi niya na tuluyang nagpagising sa buong diwa ko.

"Kelangan talagang mangurot?" tanong ko at inirapan siya.

"Edi nagising ka?" Sagot niya pabalik at tinuturo na ang table ko.

"Whatever you say,Prim"

Hindi na ko natulog ulit kahit na sobra ang antok ko, Kahit sobrang bagal ng kilos ko natapos ko rin ang esquisse ko.

Tiningnan ko si Prim na ngayon ay nag e-erase na lang.
"Psst. Prim"  Mahinang tawag ko,

"Prim huy" Sinundot ko na balikat niya ng tsquare at naka earphones nga pala to.

"Po?" Tanong niya at tinanggal yung isang earphone.

"Tapos na ko, gisingin mo na lang ako pag anjan na si maam, oo?" Pakisuyo ko at tinuro ko esquisse ko.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon