Trece

13 1 0
                                    

"Good afternoon sir" Ani ko ng makasalubong ko ang instructor namin ngayong araw.

"You're late Ash" Seryosong saad nito. I smiled. "Nature call sir" Tumango lang siya't tinuro na ang classroom, agad naman akong naglakad pabalik.

"Kapagod" Ani ko at nag inat ng mga kamay. "Totoo pero mag-wo wof pa din kami, sama ka na ba?" Pangungumbinsi ni Aubrey.

"Sa sunod na lang iha" Tinatamad na sabi ko, I touched my nape and stretched it a bit.

"Okayy, ikaw Prim sama ka?"

Dahil nasa unahan lang namin si Prim, lumingon lang siya't tumango.

"Okay, siya bilisan na natin para hindi tayo gabihin" Hawak sa brasong, hila-hila ako ni Aubrey habang naglalakad ng may kabilisan, "Biblisan niyo na rin"

"Baka sumpungin ka ng asthma mo bata" Galing sa paglalakad, napahinto kami ni Aubrey nung hawakan ni Prim ang pulso ko.

"Oo nga pala, sige na mauna na kayong tatlo" Tinuro ko ang daan pa puntang bording house, "Para hindi na rin kayo gabihin"

"Sige ha, tara na Prim" hinila niya si Prim at nagmadali ng tumakbo,

"ingat" I wave my hand nung lumingon pabalik si Prim, tumango lang siya't nagpatangay na sa takbo ni Aubrey.

Kinuha ko yung earphones sa bag, at kahit walang tunog ay nilagay ko ito sa aking tenga as I continue walking.

"Hi? Ash diba?" Tumingin ako sa kanan ko ng maramdaman ko ang tapik sa balikat ko.

"Alice" Ngumiti siya't tumitig sa akin. "Bakit?"

Umiling siya. "Wala naman sasabay lang sana ko" Tumango ako. "Be my guest" saad ko't tinuro na ang daan, ngumiti siya't sumabay na sa paglalakad.

"Kayo ba ni Prim?" Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya, tumigil rin siya't ngumiti. I raised my eyebrow.

"Kung kayo kako ni Prim" Ulit niya. Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya and it made my tummy feel weird.

"Bakit?" Pilit kong inignora ang asiwang nararamdaman para makalma ang sarili.

"Wala lang, gwapo eh" kibit balikat niyang tanong at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"At sinasabi mo to dahil?"

"Wala lang ulit, para lang alam mo." Nakangiti niyang sambit sabay irap. "Oh siya, hindi pa naman talaga ko uuwi gusto ko lang malaman mo yun" ngumiti ako't bumuntong hininga, kinapa ang susi sa aking bulsa't hinawakan ng mahigpit to distract myself.

"Okay? Sige, salamat sa impormasyon? Laking tulong sa pag-aaral natin" I sarcastically said at inunahan na siyang maglakad. Humawak siya sa braso ko't napatigil ako at lumingon sa kanya.

"Sarcastic ba yan?" Hindi na tago ang inis sa boses niya, mas hinigpitan niya ang hawak sa braso ko sabay ng paghigpit ng hawak ko sa susi.

"Kamay mo, pwede ba" tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko, binitawan niya naman at umatras ako. "Wala akong panahon sa kaka ganyan mo Alice, excuse me" tuluyan ko na siyang tinalikuran at binilisan ang lakad pauwi ng boarding house.

"Relax ash, relax" Patuloy ang pagpapakalma ko sa sarili kahit na nakakaramdam na ko ng panghihina dahil sa inis at kabang naramdaman, pinilit kong makauwi kaagad sa boarding house at tumuloy sa kusina. Napasandal ako sa upuan pagkatapos uminom at napabuntong hininga. Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko't maya maya rin lang ay unti unti ng bumagsak ng nanigas ang aking katawan at bago pa man matuluyan ipinikit ko na ang aking mga mata at yumukod sa lamesa.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon