Cuatro

71 3 0
                                    

Maya maya rin lang eh dumating na si daddy, Nag mano lang si prim at nag pa alam na kay daddy.

"I'll go ahead, don't be late may tatapusin ka pa" bilin nya sakin bago sya tuluyang naglakad papuntang sasakyan nya

"yes boss" pasigaw na sagot ko para marinig nya, tinaas nya lang yung right hand nya as a response.

Pumasok na ko sa sasakyan, at humalik sa pisngi ni daddy.

"so sweetheart hindi ka naman nililigawan ni prim?"

Nanlalaking matang napaharap ako kay daddy na ngayo'y natatawa na sa reaksyon ko.

"really dad? Pati ba naman ikaw?" napairap na lang ako nung tumawa si daddy, at nagmaneho na pauwi.

 
Dumiretso kami sa kusina pagkarating sa bahay para mananghalian.

"Gusto mong mag boarding school?" napatingin ako kay daddy ng sabihin nya yun.

"Po? Dadi naman, fourth year na ko and you want me to transfer school?"

"siyempre hindi, Ano ka ba" at inabot sa akin yung ulam, tinanggap ko naman.

"Eh? ano pala di?"

"Alam mo na palagi akong wala halos sa bahay"

"Opo, What about it?" sagot ko, habang patuloy na kumakain

"Alam mo yung bagong dormitory na ginawa sa school niyo? i-o-open na siya officially para sa mga studyante" Pagpapatuloy niya.

"opo?"

"At napag-isip isip ko na, bakit hindi mo i-try?"

Tuluyan na kong tumigil sa pagkain nung nakuha na ni daddy ang atensyon ko.

"Dadi fourth year na po ko, isang taon na lang ggraduate na ko mag aadjust nanaman ako niyan?" sagot ko na nakapag-patigil sa pagkain ni daddy,

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo, kaso sweetheart napagusapan rin naming to ni Ash, Kadalasan gabi na ko umuuwi, at minsan wala ako sa bahay pag dinadalaw ko si mami mo diba, si Kuya Ash mo bihira rin lang umuuwi si Jake weekends lang din ang uwi. Palagi kang walang kasama dito sa bahay madalas eh."

Pag si dadi at si Kuya na ang nag-usap parang wala na kong lusot dito ah.

"Pero dadi, nag s-stay naman ako sa bookshop jan sa bayan in case na gagabihin ka or kapag wala ka? saka hindi ako comportable niyan doon lalo na pag wala akong ni isang kakilala dun sa dorm na yun diba po?" Pagtutol ko pa, at pinatuloy pa rin ang pagkain.

"alam ko na yan ngang yan ang sasabihin mo kaya we already talked to Mike"

Napatingin ako kay daddy nung binanggit nya si uncle mike,

"Po? why uncle mike?"

"para mag dorm rin si Prim"

Si prim? Buti kung mapapayag yun ni Tito?

"Really? Buti napapayag ni tito yun?" Hindi makapaniwalang tanong ko,

"Yes, anak pati na rin si Aubrey"

"ohhh" I replied, at uminom ng tubig, Tiningnan ko si dadi na ngayon ay nag aabang talaga sa reaction ko

"So, is that a yes?"

"Yes dad, saka parang sinabi niyo na lang po ito sakin eh pero solid na ang desisyon niyo." Relief was written all over his face,

"Good good, and 6 months lang naman ang stay nyo dun, and you will have a housekeeper so it's fine" pagpapatuloy ni daddy

"ohh, nice" Not bad, I guess

"yes, and you better hurry, ma-la late ka nanaman" Napatingin ako sa relo ng sabihin yun ni daddy, Goodness ma lalate na ko

"Shocks totally forgot, got to go dad" tumayo kagad ako at nag kiss na kay daddy sa cheeks at kinuha na yung bag sabay labas ng pinto, isasara ko na sana yung pinto ng sumigaw si daddy

"Sunduin kita mamaya?"

"hindi na po daddy, alis na po ako, byee" sigaw ko rin pabalik,

Paglabas ko ng gate sakto may trike sa katabing bahay namin buti na lang at dun bumaba yung ale, hinabol ko kagad yung trike at dun na sumakay. Nag pa double Ride na ko, para tuloy tuloy na ang byahe,
Hindi ako pa ako late pag apak ko ng gate, may 5 minutes pa ako bago mag ala una para tumakbo from gate papuntang room.
Wait? 5 minutes, oh great! dulo ng field classroom naming, no choice kaya tinakbo ko na kagad ang supposedly 5 minutes run distance ng room namin from the gate, and sucks kasi yung 5 minutes run na yun is applicable if you're a runner and fun fact about me, I am not a runner ni wala nga akong sports eh.

Napatigil ako sa pagtakbo sa gitna ng daan na sobra na kagad ang hingal na naramdaman ko,

"this is hopeless, late na ako" tuluyan na kong napaupo at hinabol ang aking hininga.

Deep breathe ash. Deep Breathe. I was so busy catching my breath when suddenly I felt that light tap on my head

"come on, ash we all know that you're not a runner okay?" napatingin ako sa kanya na ngayoy nakaluhod sa harap ko habang ang kamay nya'y nasa ulo ko pa rin and concern is written all over his face, I rolled my eyes and ignore him, nag concentrate lang ako sa aking deep breathing na gawain ko na ever since.

I heard him chuckle and felt his hands on my shoulder and

"hey, you're okay, okay? sunod ka sa akin, inhale" I look at him, nakatitig lang siya sa akin at pinapasunod ako sa breathing exercises na ginagawa niya

"hold your breath" I closed my eyes.

"and exhale" and I did.

After ilang ulit, just like that, Nawala na yung asthma attack ko, I open my eyes and saw him staring at me with a relief in his eyes, I smiled at him and mouthed

"thank you"

He just smiled back and pat my head

"Tayo na jan, Baka andun na si Ma'am" Sabi niya at hinawakan ako sa braso para itayo.

"Esquisse natin patay" Nasabi ko lang ng makita ko ang oras. Napailing na lang sya as he placed his hand on my right shoulder and we walked going to our room. Natural na sakin ang ginawa nyang yan kasi simulat sapul ganyan na ginagagawa niya lalo na kapag wala akong dalang inhaler.

Malapit na kami sa room ng bigla syang nagsalita

"Kasalanan mo to ah, pag na late tayo. you know that right?

Biglang sabi niya since naka akbay sya sakin at matangkad sya ako ngayo'y naka tingala sa kanya tiningnan ko sya ng masama he just grins and pinched my nose.

"Whatever prim. Ok! Spill. Ano gusto mo mahal na hari?"

"Yan ang gusto ko sayo"
Natatawang sabi nya sabay gulo ng buhok ko.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon