Onse

31 2 0
                                    

Natapos ang maghapon, ito kami naglalakad pabalik ng Dorm.

"Doon na ba tayo mag di-dinner?" Ani Aubrey na nakayapos sa braso ko.

"Oo na? Tinatamad na kong lumabas ng school"

"Nakakadrain yung esquisse" Dagdag ko pa sa sinabi ni Prim, "As in" "Sinabi mo pa" Magkasunudan na sabi ng tatlo.

"Uwi na rin ako Aubs" Maya't mayang paalam ni Cyrus. "Sige, ingat txt ka na lang" Ani Aubrey. Tumango si Cyrus at humaplos lang sa buhok nito.

Tumapik siya sa balikat ko. "Bukas na lang Ash" I nodded. Isang tapik rin lang ang binigay niya kay Prim at tuluyan na siyang tumakbo papalabas ng school, kami nama'y naglakad na rin papuntang bahay.

"Mamaya na lang" Ani Prim at binigyan kami ng marahang tango pagkarating naming ng Dorm. I just smiled and waved my hand.

Tumuloy kaagad kami ni Aubrey sa kwarto at walang salitang nag-ayos ng sarili at pumwesto sa kanikaniya naming higaan. Kinuha ko ang librong hiniram ko kay Prim at sinimulang basahin ito. Lumipas ang mga oras at namalayan ko na lang na may gumigising sa akin.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. "Anong oras na?" kinukusot ang mata habang dahan dahang umuupo galling sa pagkakahigang tanong ko.

"7:30, dinner na, kumatok na kanina si Jade. Pinauna ko lang sa baba para makahanap siya ng pwesto." Ani niya, at sinensyasan na kong tumayo. And I did.

Nadatnan namin sa hapag-kainan si Prim sampu ng iba pang mga boardmates, nagkaron ng maigising pagkaka-kilanlan, hindi pa kumpleto ang mga boardmates gawa ng may mga prior commitments na daw ito as per Ate Lina.

"So? Kamusta ang unang gabi na wala sa inyo?" Galing sa salamin lumipat ang paningin ko kay Aubrey na tulad ko'y nag-sisipilyo rin.

I rolled my eyes. "Ang oa ha" tumawa lang siya bilang sagot na ikina-iling ko.Pabalik na kami ng aming kwarto ng masalubong naming si Prim. "San ka papunta?" Tanong ko and gave him an accusing look. Natawa naman ito. "Sa inyo sana"

"at bakit?" may naglalarong tono sa tanong ni Aubrey. "Aray ha" ani niya matapos kong bigyan ng kurot. Ibinalik ko ang tingin kay Prim na ngayon ay may pangungunsuming nakatingin kay Aubrey na ikinatawa ko at ikinailing niya lang. "Tumawag si tito, hindi ka daw ma contact" pagpapatuloy niya.

"Tawagan ko na lang. Tatay ko talaga oh" Naiiling na sagot ko. Tumango lang siya't lumapit sa akin.

"Sige na. Matulog na" sabi niya at marahang hinaplos ang ulo ko. Tumingala ako at sinalubong ang titig niya't ngumit. "Night" Mahinang saad ko.

Sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi at bahagyang pinisl ang aking pisngi. "Tapos hindi daw sila?" Natigil ang aming pagtititigan at sabay na napa-irap sa sinabi ni Aubrey. "Naku, huwag ako. Kayong dalawang bato diyan" Pagpapatuloy niya pa at nagsimula nang maglakad papalayo sa amin.

Tinapik ko ang kamay ni Prim na nakahawak pa rin sa pisngi ko at tinulak siya ng kaunti. "Sige na, pasok na ko" Natatawang sabi ko. He just laugh and nod. Itinuro niya ang daan papunta sa amin at sinenyas na mauna na ako. "Night" Sabi ko sa huling pagkakataon at hinabol na si Aubrey.

-LUNCH

Ito ang unang tanghali na magkasama kaming boarders ng school,

"Saan ka uupo?" Tanong ni Aubrey habang nagpapalinga linga para makapili ng mauupuan. I scan the surroundings and settle for the sit beside Aubrey.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon