HER POV
“Asher Jaden Sandoval” Nakangising tawag ng unggoy.
Napangiti ako, sa nilalang na nasa harapan ko ngayon. “Primson Jade Santiago, Great! Hinulog ka ng langit “
Saad ko at pumasok at naupo sa passenger's seat. Agad namang nag react ang unggoy, matapos kong makapasok sa sasakyan nya.
"Whoa! Whoa! Hang in there little girl, Bilis mo ahh, at Anong hinulog ng langit?"
Hindi ko sya pinansin, at kinabit na yung seatbelt sabay ngiti sa kanya. Yung ngiting tagumpay,
“Shut up. Pasakay na tutal pareho naman tayo ng pupuntahan""May magagawa pa ba ko" Naiiling na sabi niya at pina-andar na ang sasakyan.
Ngumiti lang ako sa kanya, yung ngiting kita pati ngala ngala ko.
"Anong muka yan?"
Natatawang sabi niya lang at irap naman ang natanggap niya mula sa akin.
Primson Jade Santigao, simula ata ng magkamuwang ako sa mundong ibabaw eh andyan na sya’t nagbigay ingay sa tahimik kong buhay. Literal, gawa ng, yung daddy ko at daddy niya ay magkaibigan rin simula pa nung college days nila. Kaya naman sa lahat ng occasion sa buhay naming dalwa eh magkasama kami. Simula nung First birthday and almost everything, kahit nga kapag Christmas at New year may mga panahon na magkasama ang family naming nag ce-celebrate, simula nung namatay yung grandparents ko Five years ago. Solong anak kasi si daddy and mommy, small family. Kaya napag desisyonan nila na gawin nan gang tradition yun, not unless na lang kapag mag o-out of town kami or sila or something.
So yeah, it’s like we’re stuck with each other. Which in my case is a good thing, kasi I’m an awkward person hindi ako mahilig makihalubilo sa mga bagong tao.
We are friends, I know that, pero we do not want to acknowledge that idea, No. scratch that he doesn’t want to acknowledge that idea, til now hindi ko alam kung bakit.
Kaya pag tinatanong siya kung ano daw ba kami, ang sagot niya lang ay “I have no idea, but I think I’m stuck with her” and I couldn’t agreee more.
Minsan nga naisip ko rin na, baka we really are destinied to be with each other, romantically speaking. Pero everytime na pipicture out ko na we are dating, sisingit bigla yung idea na "nah that won't happen" just because.
Saka sa ilang taon na nakasama ko syat nakilala, Dumating yung oras na nalaman kong may nagugustuhan na siya. Nahuli ko sya one-time sa kwarto nya nagsusulat ng love letter. Yeap. Love letter, old school siya eh. He was 18 that time, 17 ako mag e-eighteen. I probe pero hindi niya sinabi o kwinento hanggang ngayon I only know her by name. Yin. Three letters hindi ko alam kung Chinese ba or something. Kaya siguro til now platonic kami, cause one thing for sure he's into someone that I know, at hindi ako yun, and its fine.
Nabalik ako sa realidad nung biglang nagsalita si prim.
“Dahil naki-carpool ka libre mo ko piatos mamaya. End of story”
seryosong sabi nya at talagang hinawakan pa ko sa balikat para makasigurong narinig ko ang sinasabi nya.Napairap ako, na ikinatawa nya lang. “Whatever, parang may choice ako no?”
After ilang minutes lang rin eh nakarating na kami sa school,
“Arigathank much”
"seryoso ka?" He said in a deadpanned tone na trigger ko ata pagiging otaku ni manoy well yun naman talaga pang aasar ko sa kanya.
"he he" Pang asar ko lalo at nauuna ng lumabas ng sasakyan.
"tara?"
Tumango ako at naglakad na kami papunta ng room habang nakapatong ang kamay nya sa ulo ko na kinasanayan ko na lang din."Sap Jade ni Jade "
Pag bati or I say pang aasar ni Cyrus Gonzales and Aubrey Gilbert. Walang kapagurang banat nila yan ever since
"Shut up" sabay na sabi namin ni Prim.
"Ito naman di mabiro kaya bagay kayo eh" patuloy pa rin na pang aasar si Cyrus, at nagkasundo talaga yung mag asawat nag hi- five ba naman.
Sinamaan ko lang ng tingin yung dalwa na ngayoy tumatawa lang at naupo na sa niriserba nilang upuan.
"Nga pala, ash, prim gala tayo sa sem break?" pag aya ni Cyrus
Napatingin ako kay Prim at nagkibit balikat.
"Tingnan natin" Sagot lang ni Prim tumango rin lang si Cyrus at naupo na sa kanya kanya nilang pwesto nagkwentuhan naman yung tatlo, hindi ko trip mag dada ngayon kaya yumuko lang ako sa desk at nagsuot ng earphones.
Thanks to Prim nadagdagan ng dalwang tao ang maliit na circle of friends ko, dahil na din sa hindi ako mahilig makihalubilo halos wala akong kaibigan maliban kay prim, pero hindi katulad ko Prim has his best bud na si Cyrus, nakilala at naging close ko din siya simula nung pinakilala siya ni Prim ganun din si Aubrey na long time girlfriend ni Cyrus.
Napabalik ako sa realidad nung may tumapik sa balikat ko.
Nandyan na pala si maam at biglang nagsulat sa white board ngESQUISSE NO.1 PUBLIC MARKET.
Okaaay. This will be a very long day…