Nueve

36 2 0
                                    

"For all have sinned and come short of the glory of God. Romans 3:23, Lahat tayo nagkasala at nakakagawa ng kasalanan sa harap nang ating Diyos.. ito ang mga kasalanan na kelangan natin hingan ng kapatawaran sa ating Panginoon kasi sabi sa Romans 6:23 - For the wages of sin is death but the gift of God is eternal life through Jesus Christ our Lord, Ang kabayaran nang ating mga kasalanan ay kamatayan,walang hanggang kamatayan kung tayo ay hindi mag sisisi sa ating mga kasalanan, pero ang regalo ng ating Diyos ay buhay na walang hanggan kung tatanggapin natin siya sa ating buhay bilang taga pagligtas.. Buksan lang natin ang ating puso sa kanyang mga salita.."

Tumango ako bilang pag respond sa preaching nang aming pastor ngayong service, Napalingon ako kay Prim na nasa kabilang parte ng simbahan na ngayon ay nakatutok na nakikinig sa salita ng Diyos na ikina pangiti ko.

Natapos ang service at eto kami ngayon bumabyahe papunta sa bahay nina Prim. May usapan na kasi pala sina tito at dadi na doon na kami mananghalian sa kanila. Hindi ko na nga sila nakausap gaano after service kasi mauuna na sila at mag p-prepare pa ng lunch.

"Anak, bawiin ko kaya yung pag board mo?" Lumingon ako kay daddy nang sabihin niya yon.

"Diba daddy na i-submit na yung final list?"

"Oo nga eh, pero kung sasabihin ko ang rason, pwede siyang I consider" Pagpapaliwanag niya habang ang sumusulyap sulyap sa akin at sa daan.

"Malalaman ng school dadi?" Nababahalang tanong ko.

"Ganun na nga, pero hindi naman malalaman ng iba" pagpapatuloy niya pa, tumingin ako sa likod, at nakitang busy si Jake sa cellphone at naka earphones pa

"Pero di, hindi kasi yan maiwasan, people will talk, pati instructor baka maya't maya magtanong ng kondisyon ko, malaman ng mga kaibigan ko?"

"Kaibigan mo namam, si Prim lalo na, para kahit papano mabantayan ka niya" Pag kukumbinsi pa ni dadi,

"Dadi, yun lalo ang ayaw ko, magiging bantayin na lang ako niyan ni Prim, 4th year na kami di, next year thesis na, ma s-stress lang yun sa akin si Prim. Ayoko naman nun di"

Bumuntong hininga si dadi.

"Pero anak-"

"Dadi, ayoko naman pong may madamay pa kaka isip sa sakit ko. Sobra na nga ang isipin niyo dumagdag pa ako, tapos madadagdagan pa sina Prim"

Pagpapaliwanag ko, bumuntong hininga naman siya. Lumingon saglit si dadi sa akin at kinabig ang sasakyan sa tabi para huminto.

"Sigurado ka anak? Mag b-board ka pa din?" Hinawakan niya ko sa braso at tinitigan sa muka.

"Opo dadi" Paniniguro ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

"God forbid, pero pano kung atakihin ka?"

"Oo nga Ash, pano kung atakihin ka dun? Wag ka na lang kaya mag board?" Lumingon ako kay Jake na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

"Di, mag iingat naman po ako, at mag da-dasal palagi" pagpatuloy ko at humawak sa kamay ni Jake, at dadi

"Saka i-pag dadasal niyo naman ako diba?" Nakangiting sagot ko, ngumiti pabalik si dadi, at tumango naman si Jake.

"Oo, walang impossible sa Diyos, sige kung yan ang gusto mo"

"Salamat di, si kuya po pala ano sabi?" Nag aalalang tanong ko

"Kakausapin ka daw mamaya, nasa duty siya, magpa alam ka kay kuya mo, okay?"

Tumango lang ako bilang sagot, at muli ng pina-andar ni dadi ang sasakyan. Matapos ang ilang minuto andito kami ngayon nakatayo sa tapat nang gate nina Prim.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon