Dose

31 1 0
                                    

"May problema ba?" mahinahong tanong ko as I look at her and scratch my nape. This is not a confrontation but it feels like one. Mabigat ang aura, siguro dahil tipo ni Alice si Prim, at para sa kanya isa akong malaking balakid na kelangang patumbahin. Mahina ako sa mga gantong sitwasyon, sumandal ako ng tuluyan sa upuan galling kay Alice bumaba ang mata ko sa mga kamay kong magkasiklop. As much as possible, iniwasan kong madaanan ng tingin si Prim dahil mabilis niya akong mabasa,

"tinatanong ko kung ano ka ba ni Prim" Balik tanong niya sa akin, Napataas ang kilay ko at napabuntong hininga.

"kakasabi ko lang diba, bat kelangan mong tanungin ulit?" halata ang iritasyon sa boses ni Aubrey pasimpleng hinawakan ko ang kamay ni Aubrey,

Hindi na ko kumportable sa tingin ni Aubrey, kaya iniwas ko ang aking paningin, at napunta kay Prim na ngayon ay naka tiim bagang nakatitig sa akin, Umiling lang ako at bahagyang ngumiti.

"Ikaw ba ang tinatanong ko"? Hindi na naitago ang pagtataray sa boses ni Alice that made the matter worse, and so was I. Nanatili namang tahimik lang si Prim at dama ko pa rin ang pagtitig niya,

"Entitled akong sumagot lalo na't hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo" umirap lang si Alice bilang sagot.

Pasimple akong yumuko at mahigpit na humawak kay Aubrey bilang senyales na wag niya ng patulan pa,

"kairita kasi eh" bulong niya sakin,

"Hayaan mo na" nang maramdaman ko ang paglapit ni Prim at pagbalot ng mga kamay niya sa libre kong kamay,

"gusto mo ng umalis dito?" Bulong niya habang hawak pa din ang aking kamay, halata ang pag-aalala at pagtitimpi sa kanyang boses, and It calms me down. Just like that. Everytime.

Umiling ako at tumingin sa mga mata niya, humingang malalim, " halatang crush ka" Pagbibiro ko pa, Natawa siya't napailing na lang, sinuri niya ng tingin ang mata ko, "I'm fine" I mouthed and he just nod.

Nang makumpirmang ayos lang ako, humarap ulit siya kay Alice, "Bakit ba Alice?" He asked in a deadpanned tone.

Mukang napahiya naman si Alice base sa itsura niya't umiwas ng tingin "Ahh, wala naman curious lang" tumango din lang si Prim, "sa susunod ayusin mo ang pananalita mo. Payong kaibigan lang" dagdag niya pa, magsasalita pa sana si Aubrey ng pandilatan ko ng mata.

"Sabi ko nga, tama na" ganting bulong niya lang,

Pinisil ni Prim ang kamay ko't tumingin sa kanya nang may pagtatanong, He just slightly smiled before letting my hand go.

"So, okay na? kilala niyo na magiging kapares niyo?" pagtanong ni Ate Lina makalipas ang ilang minuto.

"yes po"

"isang buwan lang naman yan, I po-post ko ang schedule sa may kusina para hindi niyo makalimutan"

"oh siya, sige na, kain na kayo" and we did.

Natapos ang pananghalian, eto kami ngayon naglalakad paakyat.

"Kaasar si Alice kanina" ani Aubrey, tumingin ako sa akanya at tinapik tapik ang likod niya,

"Hayaan mo na, wala eh, crush ata itong si Primo" Pumalatak naman si Prim sa narinig niya at sinamaan ako ng tingin. I laugh.

"Mata mo"

"Ikaw nga dapat ang mainis ng sobra eh, ikaw pa tong relaxed lang" dagdag reklamo pa ni Aubrey.

"No harm done, hayaan mo siya, doon siya masaya" magsasalita pa sana si Aubrey kaso sumenyas si Prim na wag na siyang mangulit pa.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon