Siyete

46 2 0
                                    

Saturday came. Finally, One and a half day break sa lahat ng bagay related sa school. How I wish, gawa ng may mga Plates akong kelangan tapusin for a short span of time.

Kahit na bothered ako sa plates kung pano yun sisimulan at tatapusin, hindi ko muna siya iisipin ngayon at sabado ngayon. That means.

“Jake! Bilis manonood na ko dito. Hurry up!” pasigaw na tawag ko sa kapatid ko, ito kasi ang bonding naming, isa sa madaming ways ng bonding namin, ang manood ng movie. Tradition na namin siya na every saturday eh manood ng Movie, kahit na gaano kami ka-busy we will make time para dito. Yes, we are sucker for movies.

“Saglit lang. Ako na pipili ng movie ahh?”

“Okay whatever! Bilisan mo lang!” Pati sa pagpili ng movie meron kaming ritual na ginagawa kung sino Manalo sya ang pipili ng movie. Rock paper and scissors lang naman. Ang kaso nga lang, kadalasan ako palagi ang talo.
After a minute or so tumabi na sakin si Jake habang hawak ang DVD.
Nanlaki ang mata ko sa hawak niya.

“You serious?”

“You bet I am” natatawang sabi nya

"Napanood na natin yan for like a thousand times" Pag rarason ko, pero parang wala siyang narinig at lumapit na sa Player at sinet up na yung palabas.

"Kelangan namin ng report tungkol dito ehh. So hitting two birds with one stone ey?" Sabi niya at nagkibit balikat lang. Inirapan ko lang siya at naupo na ng maayos sa upuan.

Ilang beses ko na yang napanood pero ang creepy pa rin kasi talaga, nakakatakot. Hanggang sa matapos yung movie puro sigaw ko lang ang maririnig.

"Hoy grabe! kala ko ba ilang beses mo ng napanood to?" Side comment niya nang mapatili nanaman ako sa gulat.

“Whatever”

Natapos yung movie at yung kaba ko naiwan ata sakin.
Maya maya rin lang eh tinawag na kami ni daddy para kumain kaya bumaba na kami.

"Oh horror nanaman pinanood niyo, eh alam mo namang matatakutin yang isa sa inyo" Sita ni daddy habang kumakain kami.

"si Ash" Turo ni jake sakin,inirapan ko nga lang at pinatuloy na ang pagkain.
Natapos rin yung dinner namin ng may asaran at puro pag saway ni daddy sa amin. Toka toka kami sa bahay ako naghuhugas kapag hindi pagod ang kamay ko kaka drawing. Kaya ngayon eto ako naiwan sa kusina habang naghuhugas.

Nang maalala ko yung Insidious. Okay..
It’s all in the mind. It’s all in the mind. Paulit ulit na mantra ko sa isipan ko at mindali na ang paghuhugas.

Maya maya rin lang eh mabilis pa kay the flash na tinakbo ko ang hagdan papasok sa kwarto at in-on ang ilaw at sara ng pinto.

Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at humiga na kaagad sa kama, nag dasal ay sinubukang matulog. Nang biglang tumunog ang phone ko,may chat pala yung president ng class sa gc namin.

Guys nag chat si maam , sa monday na daw i-susubmit ang research at floorplans.

Napabangon ako bigla at yung takot na naramdaman ko kanina mas dumoble, nag pa-panic na ko deep down.
Tumuloy ako sa drawing table ko at nilabas na yung research paper. Yung adrenaline ko andito habang nagsusulat at tinatapos na yung research.  Kelangan kong matapos to para matapos ko na din ang plans kaya kahit na nakakaramdam na ko ng panghihina dahil sa antok, pinipilit kong magising.

Mag a-ala una na ng madaling araw nang matapos ako sa research at ibang floorplan. Mas madami kasi ang idlip na gawa ko. Hindi ko mapigilan. Buti na lang at natapos ko. Thank God.

"Bukas naman na ng gabi, isang floor na lang naman na kulang ko"
Sabi ko habang nag i-inat ng kamay.

Makakatulog na rin sa wakas,and so I thought dahil kahit tapos na ko bothered pa rin ako sa plate

"Hul,sa monday na din pala kami mag b-board"
Naalala ko na mas naka dagdag pa sa mga iniisip ko.
Kaya eto ako ngayon nakatunganga at nagpapa antok. Nang biglang umulan at kumulog. Itinaas ko yung kumot hanggang bibig ko ng kumulog na nanaman. Napatingin ako sa bintana na ngayon eh lumiliwanag at biglang didilim dahil sa kulog. Hindi ko pala nasara yung kurtina.

"Hingang malalim ash, takot lang yan, pano na pag nag Board ka na?"
Sabi ko sa sarili ko at sinibukan na uling matulog nang biglang mag brown-out. That's the cue.

“DADDY!!”

“DADDDDYYYY!!”

“JAKEEEE!”

“DADDYYYYYY” Sigaw ko at tinatawag sila dadi kung sino man ang unang makarinig. Takot kasi talaga ko sa dilim. Kinakapa ko sa gilid ko yung flashlight ko kaso hindi ko makapa yung phone ko naman nasa table ko ata habang patuloy na sumisigaw.

"DADDYYY"

"Papunta na" papalapit na ang boses ni daddy, thank goodness na hindi heavy sleeper si daddy

Nang biglang kumulog ulit. Napasigaw na talaga ko ng sobra, lahat ng takot ko nag sasama naipon na.  Napaiyak na lang ako at patuloy na nagsisisigaw, sa sobra atang pagod ko kakasigaw at parang nanghihina ako? Dala ng takot? Pagod? Hindi ko na alam, napahiga na lang ako ng tuluyan nang biglang pumasok si daddy and sakto nag ka ilaw na ulit.

“Hey ash, you okay?”

Hindi ko magawang lumingon kay daddy pero kita ko sa peripheral vision ko na papalapit sya sakin.

“Hey ash” tuluyan ng nakalapit si daddy at hinawakan ako sa noo pero I couldn’t move nor speak, pero nagagawa kong igalaw ang mga mata ko.

Concern and a hint of panic is written on his face

“Baby, can you move?” No dad, I can’t guto kong sabihin pero hindi ko magawa, what’s happening to me? Naiyak na lang ako sa takot.

“hush now, shh. God help my daughter, pupunta tayong hospital” he whispers at binuhat nya ko palabas, kahit na buhat na ko ni daddy hindi ko pa rin talaga magalaw buong katawan ko, it’s like I’m paralysed from head to toe. God, what’s happening to me?

“JAKE ANAK! BILISAN MO! ANG ATE MO” rinig kong tawag ni daddy habang tumatakbo pababa,

Running down the stairs jake asked
"Bat di?" Napatakbo siya papalapit samin ng makita niya ako na karga karaga ni daddy.

"Tatawagan ko si Kuya" Sabi niya rinig ko ang panic sa boses niya.

Tumango lang si daddy at tumuloy na sa labas.
"JAKE ANG SUSI"
Sigaw ni daddy at hindi ko namalayan nasa loob na kami ng kotse. Tumabi naman sakin si jake na ngayon ay naiiyak na sa nangyari, hindi ko na rin alintana yung takot ko kapag nasa  backseat ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko, I was so focused on trying to move pero hindi ko talaga magalaw ni mga daliri ko, I just felt jake hold my hand and daddy’s kiss on my forehead then everything went blank.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon