Seis

48 2 1
                                    

"So, totoo?" galing sa labas I shifted my gaze to prim ng bigla syang magtanong

"Ang alin?" tanong ko pabalik

"Pumayag si tito na mag board ka?" sumulyap lang sya sakin ng mabilis at binalik ulit ang tingin sa daan.

"oh yeah, bout that yes, paano mo nalaman?" Tumatango tangong sabi ko at tumingin na ulit sa daan.

"Sinabi ni daddy kagabi"

"Oooh okay"

"at ikaw?" Pahabol na tanong ko mg maalala ko na mag b-board nga din pala siya sabi ni Daddy

"Anong ako?'  nakatingin sya sakin ng tinanong nya yun pero saglit lang at nag ddrive siya

"Mag bboard ka na rin ba talaga?" I asked him, tuluyan na kong humarap sa kanya na ngayo'y pa sulyap sulyap lang sakin,

"Yes, sabi ni daddy eh saka kinausap rin ako ni tito, dadi mo"

"Wait, what? Pumayag ka kasi kinausap ka ni Dadi ko? Did he persuade you? Did he?" Nanlalaki ang matang tanong ko,halata ang pagkagulat sa boses ko kaya natawa lang siya.

"Don't be silly, its not a big deal saka.."

"Still, kinausap ka ni daddy.." umayos ako ng upo, facing him

Bumuntong hininga siya, nag menor at tumingin sa akin. "Not everything is about you okay? -  hey?"

Suntok ang natanggap nya at isang irap nung sinabi nya yun.

"That's not what I meant, you dufus!" Tinawanan nya lang ako.

"Nakakahiya naman kasi na pati ba naman sa pag board sa school eh kinausap ka pa ni Dadi. " Nakayukong dugtong ko.

Kinabig niya pakaliwa ang sasakyan at bumuntong hininga.
"Ash yan ka nanaman eh, pero if it's any consolation, kausapin man ako ni tito o hindi may choice ako para mag desisyon sa sarili ko." Mahinahong paliwanag niya at inangat ang ulo ko para mapatingin sa kanya na ngayon ay nakatitig sa akin. Nakatigil na pala kami ngayon sa daan.

"Saka hindi naman makakasira sa Life experience ko ang pag b-board eh"Natatawang sabi niya at kinabig na uli ang sasakyan para maka uwi na kami.

"Okay? pero nakakahiya na sayo, puro pabor na lang sa akin, hindi naman maganda yun"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi dahil pinilit ako ni tito o dahil sa nangongolekta ako ng pabor kaya ako mag b-board-"

"Baka kasi sinabi ni dadi na bantayan mo ako-

"Binabantayan kita remember? kahit hindi sabihin ni tito" Napatitig ako sa kanya nung sinabi niya yun. Tumingin rin siya sakin at ngumiti.

"Pero itong pag b-board ko hindi dahil sa kung ano pa man na iniisip mo, Gusto ko ding maranasan ang mag board. Tsaka diba parang House of Anubis lang?"  Pag co-convince niya sakin. Na ikinatawa ko nung marinig yung Anubis isa sa mga series na pinanood namin. Ages ago.

"Sigurado?" Naniniguradong tanong ko.

"Yeap." sagot niya lang at nagkibit balikat.

"Saka na submit na pala yung lista ng mga magb-board" dagdag niya pa.

"Ohh okay" nasabi ko lang, at umayos na ulit ng upo

Maya maya rin lang eh natanaw ko na yung kanto papunta sa neighborhood namin, ipapasok nya pa sana ng pinigilan ko sya

"Prim, pull over, dito na lang ako" sabi ko at hinawakan siya sa braso habang inaayos na ang backpack ko at gamit ko

"Nahiya ka pa, idi- diretso ko na" at tinuloy nya pa rin.

"Hindi ano ka ba, really yung bike ko kasi nanjan may kila Aling May. Gagamitin ko pa yun bukas"

"Kunin na lang natin"
Kibit balikat niyang sabi at hininto na ang sasakyan malapit kina Ate may. Ako na yung bumaba sa sasakyan para kunin yung bike.

"Ate, kunin ko na yung bike ah, Salamat po" paalam ko kay ate na ngayo'y may kausap sa telepono, tumango lang sya at ngumiti, nag wave lang ako ng kamay at pinuntahan na yung bike

"Let me" biglang kinuha sakin ni prim yung bike ng hindi ko man lang namalayan at nilagay nya na sa backseat.

"Merci"

Tumango lang sya at pinagbukas na ko ng pinto.

"Nag b-bike ka kahit naka uniform ka?" tanong nya pagkaupong pagkaupo nya sa driver seat

"Yeap, sanayan lang yan"

"Nakapalda ka, for pete's sake! geez" Reklamo niya, I just rolled my eyes.

"Sinisiguro ko naman na hindi ako ma bo-borlesan, okay?" Pagkukumbinsi ko sa kanya. 

"Okay, Okay. sabi mo eh"  He replied in a defeated tone and rolled his eyes,

"Sakit mo sa bangs, really" masungit na sabi ko

"Wala kang bangs" Pambabara niya.

"Naka invisibility cloak bangs ko, wag epal" bigla syang nag brake, at ikinawindang ng kaluluwa ko, Nagkanda hulog tuloy mga gamit ko.

"Seryoso? Yun na?" He said in a deadpanned tone.

"Hindi. para yun bukas" sarcastic na sagot ko habang inaayos yung nahulog kong t-square

"So mature asher, so mature" Iiling iling na sabi nya habang nakangisi.

"whatever big guy!"

Nakarating naman kami sa bahay maya maya rin lang, naabutan nga naming si daddy tas si jake, my 15 year-old brother na nag aayos ng bike nya sa may garage. Nagpakita lang saglit si prim kay daddy at nag mano at fist bump naman kay jake, pagkatapos nun eh hinatid ko na sya sa may gate.

"Thank you ingat sa pag drive" tumango lang sya at ginulo yung buhok ko at sumakay na sa sasakyan nya. One last look and  I wave my hands at him and mouthed thank you, nag busina lang sya ng dalwang beses at tuluyan ng umalis.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon