Ocho

38 2 0
                                    

"Cataplexy, it's a sudden loss of muscle control na kadalasan is sa buong katawan"
Paliwanag ng Doctor ngayon sa harap namin.

"Katulad ni mami dy?"  naluluhang tanong ni Jake, kahit ako hindi makapaniwala sa narinig ko. Yumuko lang ako at naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Tahan na Jake.." bulong ko, umakbay naman samin si daddy as he kissed me in my head

"Yes, I'm afraid, Pamilyar na kayo dito?"

"Yes doc. " Nakatungong sagot ni daddy.

"Remind ko lang, itong cataplexy na to is inline way with narcolepsy, in case you're wondering kung bat ka antukin jade"  I just nod, akala ko normal lang yun at nocturnal ako, but then I guess I'm wrong.

"What happened to you earlier is the cataplexy attack, for a period of time mawawalan ka ng control sa katawan mo, na pwede mong ikatumba"

Dagdag pa ni Doc, Mas humigpit lang ang akbay ni daddy at ang yakap ni jake,

"and it can be triggered by strong pleasant emotions, such as happiness, annoyance, excitement stressful events, surprise and fear" dagdag pa ni doc, na mas lalong nagpaiyak kay jake

"I'm sorry" paulit ulit na bulong ni jake habang patuloy pa rin sa pagiyak.

"it's okay jake, tahan na, Okay naman na ako diba?" Pag alo ko kay Jake. 

"Bakit doc? bakit si Ash" dismayadong tanong ni daddy.

"cataplexy can affect anyone anytime, it's just a matter of fate mr, I'm sorry"

Alas kwatro na ng madaling araw nang makauwi kami, at eto kami ngayon naglalakad pataas ng kwarto. Walang nagsasalita ni isa hanggang makarating kami ng kwarto.

Dad tucked me in at naupo sa may tabi ko kasama ni Jake.

"Mag pray tayo okay?" I just nod, and he lay his hands on my head and start to pray, He asked God to help us and guide us.

"In Jesus name we pray, amen" After the pray kiniss lang ulit ako ni daddy sabay sabing

"everything's going to be fine, in Jesus name. okay? Good night."

"Opo dy" I smiled

Tiningnan ko si jake na ngayon ay naka tingin lang rin sakin, piningot ko nga sa ilong

"hey!" pag kontra nya pero ginulo ko lang buhok nya

"sige na, Antok na ko,  Good night na"

Tumango lang sya and kissed me on my cheeks

"Good night, and I'm sorry"

"Silly, it's not your fault, okay?"

"Okay" tumango lang sya at ngumiti, ngumiti rin ako pabalik at tinulak siya ng konti.

"sige na dad, Good night po"

"Night anak"

Akala ko ba antok na ko? Pero masyado kong na bother ngayong araw, my mom and I had an accident last year, simpleng attack ng cataplexy rin lang naman sana kaso inatake sya that time habang nag ddrive, nasa backseat ako that time, God's plan rin ata talaga na hindi ako pinaupo ni mommy sa front seat nun at kung oo, God knows what may happen. Nung inatake si mami ng cataplexy biglaan ang nagawa ko na lang nun ay ang kabigin pa kanan ang manibela kaya bumangga kami sa puno. Nagising na lang ako na may bandage sa halos buong katawan ko at kung ano ano pang apparatus na nakalagay. After everything na nangyari, God is good talaga na hindi nya hinayaang mawala samin ng tuluyan si mommy lalo nat hindi pa kami handa na mawala sya, at hindi ata kami magiging handa, She's still in a coma for 1 year na hanggang ngayon, and I was hospitalized for 1 1/2 month, sa studies ko wala naman masyadong na apektuhan maliban sa excuse yung first week ko, kasi dinadala nina Prim sa hospital yung mga activities na kelangan and the instructor consider it knowing the circumstances. Si Prim din ang matiyagang nagtuturo at nag re-recap ng mga mahahalagang topic sa room.

Pero sabi nga, everything's happen for a reason pero hindi na rin talaga mawala sa isip ko yung what ifs.

Napatingin ako sa phone ko nung tumunog eto.

Prim:
   Hey, tapos ka na sa requirements?

Kakatapos rin lang ata neto?
Isang floorplan na lang kulang ko. Ikaw?
Reply ko sa kanya. Binalik ko sa side table yung phone at nahiga na nang maayos.
Maya maya rin lang nakatanggap ulit ako ng text.

Prim:
  Oo na, tinapos ko na. Sige na, matulog ka na, Madaling araw na. Night Ash.

Si Prim kasi yung tipong tinatapos muna lahat ng requirements bago siya matulog kung kakayanin. Time wise ika nga.

Okay okay. Good night Prim!

Tinext ko at nahiga na ko nang tuluyan. It's been a very long day..

Dumating ang umaga, Sunday.

"Tumawag si Kuya mo sayo kanina?" Tanong ni dadi habang nag ma-maneho papuntang simbahan.

"Hindi dy ehh, sayo?" Sagot ko habang nakatingin pa din sa daan.

"Gusto nung tumawag eh kaso sinabihan ko na magpapahinga ka na, mamaya ata tatawag yun sayo, Naka duty daw siya ngayon eh" Pagpapatuloy ni daddy, tumango lang ako as a response.

"Hindi siya dy magsisimba?" Biglang tanong ni Jake na ngayon ay nasa likod nakaupo.

"Mamayang gabi na lang daw at naka duty siya ngayong umaga"

Resident doctor na ngayon si Kuya Ash sa isang Hospital kung asan si Mami ngayon. Kaya bihira lang kaming makadalaw, kapag long weekends lang at wala akong plate kasi 2 hours away ito galing samin pero si daddy ang madalas dumadalaw kay mami, at si Kuya Ash naman ang nakisuyo na siya ang magbabantay mismo kay mami.

"Andito na tayo,i park ko lang, mauna na kayo sa loob" Biglang sabi ni daddy. Napatingin ako sa labas at nasa simbahan na nga pala kami, Hindi ko man lang namalayan.

Nauna nang bumaba si Jake at sumunod naman ako. Naghintay kami sa may pinto nang dumating sina Prim kasama ang Pamilya niya. 

"Oh iha, Ang daddy niyo?" Tanong kaagad ni tito mike nang makalapit kami ni Jake para mag mano.

"Nag park lang po tito" sabi ko at nagmano din kay tita.
Tumingin ako kay Prim na ngayon eh nakatingin rin sa akin, Tumabi ako sa kanya at tinapik ko siya sa balikat at ti-nap niya rin lang ang ulo ko.

Maya maya rin lang ay dumating na si daddy. Nagbatian silang matatanda, Habang kami ni Prim ay tahimik lang na naghihintay halata mong kulang sa tulog at wala sa mood ang makipag usap.

"Puyat nga kami at sinugod namin sa hospital itong si Ash kaninang madaling araw eh" Napatingin ako kay daddy nang marinig ko yun. O right. Magkaibigan nga pala sila.
Hinawakan ako sa braso ni Prim na may pagtatanong sa mata, Umiling lang ako at yumuko.

"Tito?" Pag tanong niya kay daddy. Trying to get the answer na hindi niya makuha sa akin.

Tumingin ako kay daddy at umiling nakuha rin naman ni daddy ang gusto kong iparating kaya

"Fatigue lang, na sobrahan daw sa stress eh" dugtong niya pa at tinapik niya na sina tito mike at tumuloy na sa loob, sumunod naman na sina tita at jake, Kaya naiwan kami dito sa labas.

"Fatigue huh?" Biglang sabi ni Prim kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatitig sakin at parang may hinahanap sa mga mata ko, Ngumiti ako ng alanganin.

"Oo eh, Plates?" Sabi ko lang at eto pa rin siya nakatingin na parang may hinahanap.

"Halika na simula na service"

Dugtong ko pa at hinila na siya papasok. Bumuntong hininga lang siya at sumunod na sa akin.

With you,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon