Dumating ang lunes, ito kami ngayon kumakain palabas ng bahay bitbit ang mga gamit ko na dadalin sa bago kong boarding house.
"May nalimutan pa ba?" tanong ni dadi pagkalapag niya ng bag saa likod ng sasakyan.
"Wala na di" sagot ko matapos i-check ang mga gamit sa trunk.
"Halina't mag pray, bunso halika dito" agad din namang lumapit si Jake at nagdasal na si dadi.
Mag a-alas singko na kami nakarating sa school, binababa naming ang mga dala ko ng dumating sina Prim. Tumango lang ako sa kanya't ganun din siya sa akin nung lumapit ako sa kanila para makapag mano kina tito at tita.
"pumasok na ba kayo sa loob?" tanong ni tito na ngayon ay may bitbit na foam
"Hindi pa eh, pero andiyan naman na daw yung housekeeper nila diba?" Pagsagot ni dadi, itinuon ko ang pansin ko sa mga gamit na nasa backseat at isa isa itong inilabas.
"Jake wag mong ilapag sa kung saan yang unan ko ha" Bilin ko kay Jake , habang dala dala niya ang unan palabas
"Okay"
"May bubuhatin pa ba?" Galing sa pouch tumingin ako kay Prim na nakatayo sa pinto ng sasakyan sa tapat ko.
"Wala na, maliliit na lang to, kaya ko na" Nakangiting sagot ko, tumango lang siya't napatingin sa pouch na hawak ko na ikinabigla ko't sinara ko kagad ang zipper neto. Tumaas lang ang kilay niya at hindi na nagtanong pa.
"Vitamins, pampatangkad" I kidded, at umisod na papalabas ng sasakyan.
"Para namang tatalab pa yan" Pang-aalaska niya't sinamaan ko lang nang tingin. Inalalayan niya naman ako sa mga dala ko at sabay na kaming pumasok ng boarding house.
"-ang mga babae po ay nasa left wing habang ang mga lalaki naman po ay nasa right wing" Pagpapaliwanag ng isang hindi katandaang babae sa mga magulang namin, napalingon sila sa amin marahil naramdaman nila an gaming presenya.
"Sila ho ba ang mga anak niyong tutuloy dito?" Sumesenyas na lumapit kami, naglakad naman kami papalapit.
"Sila nga, ang aking dalaga na si Ash" pagpapakilala sa akin ni dadi, bahagyang ngumiti ako at nag mano sa kanya.
"Ito naman ang anak naming na si Jade" lumapit naman si Prim para mag-mano.
"Kegagandang lahi naman, Siya, ako ang housekeeper niyo, Lina, Ate Lina na lang"
"hello po" tumango kami't ngumiti
"Ayun nga, halika't I to-tour ko kayo sa maliit nating bahay"
Sumunod naman kagad sa kanya sila dadi at magulang ni Prim, habang naglakad naman papunta saakin si Prim.
"tara?" tumango ako at magkatabi kaming naglakad na papalapit kina dadi.
"Itong nasa kanan ay kwarto niyong mga lalaki, kayo ng bahalang pumili kung anong kwarto ang gusto niyo, at ito namang sa kaliwa ay ang mga babae, may dalwang c.r sa lalaki, at dalwang c.r din sa babae, meron rin namang c.r sa baba"
Nauna kaming pumunta sa taas, para makita ang mga kwartong tinututkoy niya.
"Ilan daw ba tayo?" Tanong ni Prim habang tumitingin sa mga kwarto ng lalaki.
"Hindi ko alam eh, pero sa kada kwarto daw ay dalwa, kami ni Aubrey sama na sa iisang kwarto"
"Good that, Si Cyrus sana kaso hindi pinayagan. Tsk tsk." Nanghihinayang na sabi niya na ikinatawa ko.