Kanina pa ako binibigyan ni Jenny at Grace ng malisyosong tingin. Kasi naman naabutan nila kaming dalawa ni Ismael kagabi sa gitna ng aming.. You know.. Kissing scene. Ugh. Akala nila umalis ako ng party para gumawa ng milagro. Hanggang ngayong umaga na, iniisip padin nilang dalawa yun. Syempre naman, kaming lang ni Ismael ang tao sa boarding house.
"Stop with the look already." Kalmado kong sabi para mapaniwala ko sila na hindi ako defensive. "First of all, paano makakapasok si Ismael dito without the consent of the land lady."
"He sneaked." Singit ni Jenny.
"Sinuhulan si Ate Mel." Habol naman ni Grace. Si Ate Mel yung land lady namin.
"Tama na. Okay? Wala ngang nangyari samin. Sa tingin nyo ganun ako kabobo para ibigay agad yung virginity ko sa kanya?" Sabi ko.
"Malay mo lang." Sabi ni Jenny.
"Mamatay man ako ngayon, walang nangyari samin." Sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko.
"Tingnan mo, Gracey! Namumutla na si Hannah oh! Asul na ang mukha nya. Nakakahinga ka pa ba?" Jenny stated.
"Dalhin na natin sya sa ospital!" Habol naman ni Grace. Tumayo yung dalawa at inaalalayan ako kunwari. Natawa na lang ako at sumakay sa biruan nila.
*****
Kanina pa ako hanap ng hanap ng seminary na pwedeng pasukan ni Xander. Nagtanong tanong nadin ako sa mga taong alam kong nakakausap ni Xander dati sa school namin. Pero mahina ang powers ko. Kailangan ko ang matinding powers ni Jenny sa mga ganitong bagay.
"Jenny, please! I have to make sure that he's not around." Tinitigan ko sya sa mata at alam kong nagiisip sya. "I have this feeling! This feeling that something's wrong!" Sinubukan kong lagyan ng kasiguraduhan ang pagkakasabi ko tapos hinintay ko syang magsalita.
"Pero, Bes, paano si Ismael.. Diba ayos na kayo? Diba napagusapan nyo na.. Na wala ng Xander."
"I know.." Tumungo ako at nagisip pa ng malalim."Please, Jenny.. Huli na'to. I just have to make sure. Pag nandun padin sya sa seminary, titigil nako. Hindi kailangan malaman ni Ismael 'to. Saglit lang naman tayo. Please, Jenny.. Help me." Paliwanag ko. I hate lying to Ismael, but I have to do this for the sake of my self- delusions and for my self- assurance.
"I'll try my best." She finally said.
"Thank you! Thank you!" Niyakap ko sya ng mahigpit.
"Basta walang sasabit ha?"
"Oo. Promise!" I assured her.
*****
I'm pacing back and forth in front of the window. Hindi ako mapakali sa isang pwesto. 10 minutes ago, lumabas si Jenny para magpatulong kay Raymart sa pagtatanung- tanong. Ako, wala akong magawa kundi ang maghintay at kainin ng nerbyos ko.
"Bes?" Biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa pagpapabalik balik ko. I tensed when she hold up a piece of paper.
*****
"Ano? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Jenny. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng pinto. Sumunod naman si Jenny.
Hindi ko ma- imagine na makikita ko na si Xander. I looked over at Jenny and she nodded. I showed her a weak smile.
"It will be okay. Relax, okay?" Sabi ni Jenny. Tumango ako. Sumabay ang utak ko sa mabilis na pag-andar ng paligid. Hanggang sa huminto na kami sa tapat ng isang gate. Bumaba kami ng sasakyan. Now, I can feel the gravity pulling me down and telling me to back out. I shook my head and inhaled so deep.
Bukas naman yung gate at wala namang bantay or guard kaya pumasok kami at nilakad ang daan papunta sa isang maliit na building tapos sa likod nun ay isang napakalaki pang building. Puro puno at halaman ang nakikita ko sa paligid, tahimik at presko. Ganito pala ang pakiramdam sa isang seminary. So peaceful. Medyo malayo pa kami sa front building pero meron nang dalawang lalaki na nakasuot ng black pants, black shoes and white shirt with a print that says the Seminary name, na nakangiting sinasalubong kami.
BINABASA MO ANG
This is Love
RomanceThis is the book next to Story Of Us. Okay lang kahit di nyo nabasa yung book 1 kasi ieexplain ko naman ang mga details all the way. Hindi nyo nadin kailangan pang ulitin basahin yung whole story sa mga nakabasa na. Ayoko na kayong pahirapan eh. So...