No one's talking. This is very hard for me. Biglaan lang lahat ng nangyari ngayong araw. I don't even know where to start my explanation. Jenny looked confused right now. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Si Raymart kanina pa nakatingin sa malayo. Alam kong iniisip nya si Ismael.
"Kamusta ka na, Jenny?" Xander spoke first. It made Jenny jumped a little on her sit.
"I'm good." Jenny answered. "Ikaw kamusta ka na din? Bakit ka nandito?" Hinawakan ko ang kamay ni Jenny at umiling ako. Ayoko muna sana ngayon i-overwhelm pa ang nangyayari.
"Okay lang, Hannah." Sabi sakin ni Xander. "Sinundan ko si Hannah dito.." He started. "I know it's too late pero nandito nako.. At wala nakong balak pang umalis sa tabi nya." He looked straight at me and gave me that familiar tingly sensation, "Jenny, please sana payagan mo ko.. Alam kong sinaktan ko si Hannah, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. Pero handa akong igugol ang buhay ko to make up for my mistakes. So, Jenny please.. Sana.. Sana.."
"Why are you doing this?" Jenny asked.
"Hindi pa ba obvious, Jen?" Raymart blurted out. "Mahal nya si Hannah."
"I did, I do. I have always loved her." Xander said and it made me cry again. Lumapit si Jenny at niyakap ako.
"Sshh.. Hannah, why are you crying!? Hindi ka ba masaya now that you can rest na? You don't have to worry anymore. You don't have to be scared to sleep anymore."
"Hindi ko lang maexplain ang nararamdaman ko, sobrang gaan ng dibdib ko feeling ko wala nakong organs." I said. Nagsitawanan sila.
"Wala na naman akong magagawa, Xander, kundi ang papasukin ka ulit sa buhay ni Hannah pero tandaan mo 'to.. Oras na naging malungkot at nasaktan si Hannah ng dahil sa'yo, galingan mong magtago dahil magbabayad ka." Ramdam ko ang pagbabanta sa boses ni Jenny, natawa na lang ako dahil literal na napalunok lang si Xander sa narinig nya.
*****
Jenny's POV"Hindi ako makapaniwala, bumalik na ang mortal na kaaway ni Ismael." Sabi ni Raymart. Iniwan muna namin saglit yung dalawa para makapagusap pa, tapos etong si Raymart halatang hindi masaya sa pagbabalik no Xander.
"Wala ng balak pang balikan ni Hannah si Ismael." Sagot ko naman.
"Pero si Ismael, meron pa." Lumayo sakin si Raymart, "Simula nung nakipagbreak si Hannah sa kanya nagbago na sya. Maybe ganun naman talaga ang nangyayari once na nasaktan ang isang tao. Mas naging mainitin ang ulo nya, nagiging marahas na sya sa ibang tao. Hindi sya ganun, Jen.. Hindi ganun si Ismael."
"Kung may magagawa lang tayo.. Pero sino ba ang nagloko? Diba si Ismael? Alam naman nating lahat na hindi rin sila magtatagal. Hindi ganun kahealthy ang relationship nilang dalawa. Na-foresee na naman natin na mangyayari 'to diba?"
"Tama ka. But still, it's hard to see a friend suffering."
Umuwi na ako, nadatnan kong nakahiga na si Hannah sa kama nya at nakakatitig sa kisame. I'm happy for here dahil sa wakas wala ng nakabara sa puso nya. Pero worried padin ako, hindi ko alam kung bakit pero normal na pakiramdam ko na'to basta pagdating kay Hannah. Biglang bumukas ang pinto at dahan dahang pumasok si Grace. Tinuro nya si Hannah na parang nagtatanong kung anong ginagawa, nagkibit balikat lang ako.
"Alam nyo ba.. Mabubulag na si Xander.." Mahinang sabi ni Hannah. "Kaya nya ginawa yung mga ginawa nya sakin ay para protektahan ako. Para hindi nako masaktan oras na bigla na lang syang magdecide na wag na talagang pumasok pa sa buhay ko.." She closed her eyes, "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mahal na mahal nya ako." Biglang sya umiyak ng malakas. Tumakbo kami ni Grace papalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
This is Love
Roman d'amourThis is the book next to Story Of Us. Okay lang kahit di nyo nabasa yung book 1 kasi ieexplain ko naman ang mga details all the way. Hindi nyo nadin kailangan pang ulitin basahin yung whole story sa mga nakabasa na. Ayoko na kayong pahirapan eh. So...