Chapter XXVIII: His Closure

5 0 0
                                    

Finals week. Sa wakas makakapagliwaliw nako ng husto, matapos lang 'tong week na'to. I'm that type of student na kung kailan finals na tsaka naghahabol sa grades. Medyo delikado ako dun sa iba kong subjects. Kaya sobrang sipag ko mag-aral. As in.

"Hey, genius." Bati ni Jenny pagkapasok nya ng kwarto namin. Kasunod naman nya si Grace.

"Alam mo bahay pala sa'yo magmukhang matalino.." Pang-gagaso ni Grace.

"Do not disturb." I said habang nakatungo padin sa libro ko. Buti na lang dumating sila kasi nagsisimula nang lumipad ang isip ko kung saan saan. Kailangan kong aliwin ang sarili ko.

Because, today is Xander's operation.

"Nandyan lahat ng notes ko. Nakahighlight sa book yung mga important facts. In green color yung mga lumabas nung prelims at midterms exams." Sabi ni Jenny. Hayyy. Nakakainggit talaga 'tong dalawa. May iba kasi silang subjects na exempted sila sa Final exams eh. Waaaah! Buti pa sila!

"Got it." Sabi ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na binuksan ni Jenny yung laptop. Maya maya, narinig ko yung notification tone ng Skype. Napatingin ako kay Jenny, nakatingin na silang dalawa sakin.

"Aral muna, bes." She said. Napasimangot ako. Edi sana hindi nya binuksan yung laptop. Alam naman nyang madidistract ako eh!

"Hindi ako makapag-aral pag nandito kayong dalawa." Sabi ko.

"Okay, fine." Tumayo silang dalawa, "Dun muna kami sa kwarto ko." Sabi ni Grace. Umalis na sila dala yung laptop at pocket WiFi. Napabuntong hininga ako pagkasara ng pinto.

Ano na kayang nangyayari sa operation ni Xander?

*****

Malapit nakong matapos sa pagrereview ng exam ko bukas. Nagvibrate yung ko, akala ko si Jenny yung nagtext at babalitaan ako about kay Xander. I received a text from Ismael.

Kamusta na? May balita ka na?

I replied to him, "Wala pa eh. Mag-aral daw muna ako sabi Jenny."

Hahaha! Si Jenny talaga. Sige, aral ka mabuti. Balitaan mo ko ha.

Hindi nako nagreply. Hindi ko alam kung friends na ba ulit kami ni Ismael ngayon. Nawala na yung bitterness ko sa kanya. Pero pag nakikita ko sya, naaalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Lahat lahat. The good and the bad times. Sometimes, may nararamdaman akong sakit pag naaalala kong niloko nya ako. Hindi ko alam kung physical or emotional pain yun.

Inulit ko sa utak ko lahat ng inaral ko. So far, naalala at naintindihan ko naman lahat. Lumabas ako ng kwarto at nag-unat unat, then dumaretso nako sa kwarto nila Grace sa 3rd floor. Hindi nako kumatok at dare-daretsong pumasok sa kwarto. Naabutan ko si Jenny at Grace sa kama, kausap si Margarette via Skype. Nagulat yung dalawa ng makita ako, nakita nadin ako ni Margarette and she said hi.

"Anong balita?" Tanong ko.

"So far, so good.." Grace said.

"It's been 3 hours simula nung nagstart ang operation. Pinauwi muna nila ako, itetext na lang nila ako pag tapos na." Margarette said.

"Okay naman ba si Xander bago ang operation? Hindi ba sya natatakot or kinakabahan?" Tanong ko.

"Ano ka ba, Hannah. Imposibleng hindi ka kabahan kung ooperahan ka no." Jenny said, medyo tumawa sila Grace.

This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon