It's good to lay down. Ang sakit ng likod ko! Nanggaling lang naman kami sa Sky Ranch tapos nag adventure pa sa buong Tagaytay. Ang dahilan sakin ni Jenny.
"Napanuod ko kasi sa Kris TV yung mga must-seen tourist spot. At sobrang ganda nilang lahat diba!?"
Sa whole trip namin, nag enjoy talaga ako. Halos nakalimutan ko ngang itext si Ismael maghapon. Grabe yung adrenaline at energy ko kanina, abot hanggang langit. Kaya ngayon, lantang gulay ang kinalabasan ko.
"Kumain ka muna, Hannah!" Sigaw ni Grace. I opened my left eye. Tingnan mo nga naman 'tong si Grace at Jenny, akala mo naka- energizer battery sa taas ng energy.
"I just want to sleep." I groaned, but I doubt they understood what I said.
"Oh! Sya nga pala, Hannah! Let's try playing tennis sa new court. Ang dinig ko libre daw yun hanggang Friday." Habol ni Jenny.
"Sige langggggg." Sabi ko at pinikit na ang mga mata ko.
*****
I slept the most peaceful night ever! Nagising ako na walang katao tao sa loob ng dorm namin. Bumangon ako at nag unat- unat. Tumunog lahat ng butu- buto ko.
"Aaahh. Ang sarap!" I rubbed my eyes. May nakita ako note sa fridge.
Nagjogging lang ako. Eat well. :)
-J
Napalingon naman ako sa lamesa. Pancakes! Yummmm! Galit galit muna tayo ha!
Pagkatapos kong kumain. Lumabas ako na may dalang kape. Binati ko lahat ng mga nakasalubong ko. Nagugulat naman ako sa sarili ko, I've never been this relieved my entire life.
"Magandang morning, binibini." Bati ni Grace na dumawdaw ng pandesal sa kape ko. "May gagawin tayo mamayang gabi. Be ready. Don't be too excited, okay?" Bulong ni Grace na may kasamang nakakalokong ngiti at parang ewan na nakatip toe na bumalik sa kwarto nya.
Nakipagkwentuhan muna ako sa mga nakatambay sa lobby. Ang galing nga eh! Yung mga punchline at jokes ko, havey lahat! Dati naman 'kruuu- kruuu' lagi ang natatanggap ko pag nagjojoke ako.
This must be a special day. Because I feel so good today!
Nabosesan ko si Jenny kaya sinilip ko sya mula sa bintana ng kinauupuan ko. Kasama nya si Raymart. Aba! Ang bruha may dala pang bouquet ng flowers.
"Guys, guys! Si Jenny!" I called the girls. They giggled as they approached the window.
"Sige na. Kita na lang tayo sa school mamaya." Sabi ni Jenny.
"Call me." Sabi naman ni Raymart.
"Okay."
"KISS!" Sigaw ko. Napatingin naman yung dalawa sa direction namin. "KISS!" Kasabay ko ng sumigaw yung mga kadorm mate namin. "KISS! KISS! KISS!" Tawa lang ng tawa yung dalawa. Kakakilig naman. Hiyang hiyang si Jenny, sobrang pula nya.
Suddenly, biglang hinigit ni Raymart ang kamay ni Jenny at kiniss sa lips. Hiyawan to the max kami.
"Masaya ka na, Hannah?" Tanong ni Raymart na tuwang tuwa. Nagthumbs up naman ako mula sa bintana. Naghiwalay na sila. Habang papasok na si Jenny ng gate, she showed me the 'love finger'. Gawa gawa lang naming dalawa yun. Imbis na yung middle finger ang itataas sa dirty finger, yung ring finger. Gets nyo? Geez. I hate explaining. "Nagjogging ba talaga kayo?" I teased her. Hinigit naman ako ni Jenny sa damit.
"Bye, girls! See yah later!" Sigaw ni Jenny habang hinihigit nya ako.
Tawa ako ng tawa at tinutukso ko ng tinutukso si Jenny hanggang sa makapasok na kami sa school. Walang pambara sakin si Jenny kasi sobrang kilig nya eh.
BINABASA MO ANG
This is Love
RomanceThis is the book next to Story Of Us. Okay lang kahit di nyo nabasa yung book 1 kasi ieexplain ko naman ang mga details all the way. Hindi nyo nadin kailangan pang ulitin basahin yung whole story sa mga nakabasa na. Ayoko na kayong pahirapan eh. So...