CHAPTER XIX: Slap Me with the Truth

17 1 2
                                    

Umuwi ako sunod sa bahay. Baka sakaling lumipat na sila Xander ulit dun. Sumilip ako sa gate, may mga tao pero wala si Xander.

"Hannah!" Napalingon ako. Si Cassandra lang pala, "Anong ginagawa mo dyan?"

"Wala lang." I simply said then walked to her, "Sinisilip ko lang."

"Anong oras ka babalik ng Cavite?" She asked.

"Uhh. Maya maya ng konti. Magpapahinga lang ako." Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Gusto mo ba ng makakain?"

"Yes, please.." Umupo ako sa sofa.

"Hannah.." Mahinang tawag ni Cassandra, "May problema ba?"

"Wala naman, Cassandra. Wala."

"I see. Tumawag nga pala si Ismael."

"Oh? Bakit daw?"

"Hinahanap ka syempre, hindi pa ba kayo nakakapag-usap?"

"Wala na kaming dapat pagusapan, Cassandra."

"Actually, meron pa." She got my attention. "Tumawag kagabi ang Daddy mo, uuwi sila next week-"

"What? Why?"

"Lahat sila, uuwi.." She simply said.

"Bakit?" I asked. Imposible namang para sakin. Tsaka sa reaction ni Cassandra, I think it's bad news.

"For the engagement party ni Hanz." What the fuck! "Ako na daw ang magsabi sa'yo. For sure magkikita kayo ni Ismael." Hindi nako nakasagot. Napabuntong hininga na lang ako, "Ikukuha na kita ng pagkain mo."

Bakit ngayon pa? Bwiset naman oh! Sumasabay pa! Leche!

Biglang nagvibrate yung phone ko, ayoko sanang pansinin kaso may kasunod pang text. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. I checked my phone. I saw Margarette's.

Hi, Hannah! Gusto ulit kita iinvite dito samin kung wala kang gagawin :)))

Kuya's home :)))

Nagulat ako. Tama ba'tong nabasa ko? I closed my eyes then I opened them again. Ganun padin ang texts ni Margarette.

"Shit shit shit-" Kinagat ko ang kamay ko para tumigil sila sa panginginig. Huminahon ka lang, Hannah. Huminahon ka lang. Hinga.. Hinga.. Pucha! Huminga ka gaga! "Cassandra! Aalis nako!" Sigaw ko.

"Ha? Pano 'tong pagkain mo?" She shouted back.

"Babaunin ko na lang, nagmamadali ako."

*****

I tried to eat. Actually, dare-daretso kong kinain yung mga sandwiches na ginawa ni Cassandra para kumalma ako. Halos mabulun-bulunan ako sa bilis kong kumain. Cause of death: Sa sobrang takaw, nakalimutan huminga. Ha ha ha very funny, Hannah. Go to hell!

Nagreply ako ng "Sure :)" sa text ni Margarette. Kanina ko pa kinukulit ang driver na bilisan nya pero sobrang traffic! What's new diba? Kung kailan ka nagmamadali tsaka ka bibirahan ng walangyang traffic.

Hindi ako mapalagay. Parang gustong lumabas ng kaluluwa ko sa katawan ko. My mind went blank, I can't think straight.

I'm on my way, Xander. I'm almost there. Just wait please.. Please.

*****

Literally, I run as fast as a sprinter, to Margarette's house. Napatigil ako bigla few feet away from the house.

What if hindi nya ako pansinin?

What if ipagtabuyan nya ulit ako?

Hindi, wag kang ganyan. He needs your help. Kahit ipagtabuyan ka pa nya ulit, wag kang susuko.

This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon