Chapter XXX: 'Til You See Me, Again

16 0 0
                                    

Naging kuntento nako sa simpleng sulyap lang kay Xander mula sa malayo. Para kaming mga stalker ni Jenny na nagtatago sa likod ng puno't halaman tuwing maglalakad lakad si Xander sa hospital grounds.

"May balak ka pa bang kausapin sya?" Tanong ni Jenny. Tinitingnan namin si Xander at ang mga pamangkin nya na naglalaro ng Marco Polo. Hindi ako nakasagot.

It's been a week simula nung dumating kami ng States, 10 days lang ang paalam ko sa parents ko. Nung una, ayaw pa nila akong payagan. Pero dahil sa tulong ng mga Kuya ko, wala na silang nagawa. Kasama naman namin ni Jenny si Cassandra, lagi nga lang syang naiiwan sa hotel.

"We'll be home soon, it's better if sasabihin mo nang nandito ka." Bulong pa ni Jenny. Nahuli ni Xander si Margarette, hapit ng halakhak yung dalawang bata. "Tara na muna, mag gala gala na muna tayo. Balik na lang tayo mamaya."

"Okay.." I took a last glance at him. His smile so pure I almost forget he's in pain. "Kaya ka lang naman sumama sakin para makagala ka dito." I joked.

"That's not true!" Natatawang sagot ni Jenny.

"Lokohin mo lelang mo!" Pang-gagaso ko, she clinged her arm to mine. "Sunduin muna natin si Cassandra."

"Syempre naman no! Nasa kanya kaya ang budget natin. Can't really go anywhere without Cassandra." Sagot ni Jenny. We took a cab back to the hotel.

*****

Our sightseeing went well. Naging official photographer ako ni Jenny for her IG account. Inabot kami ng gabi sa pag-gagala, hindi na kami nakapunta ng hospital. I wanted to go, but Cassandra forced me not to. Maaabala ko lang daw sila. And, hindi din si Margarette ang bantay ngayon.

"Sasabihin ko na sa kanya bukas, Jenny." I said. Magkatabi kami ni Jenny sa kama, sa kabilang kama naman si Cassandra. Kakatapos lang namin makipag face time kay Grace, na nasa Albay (province ng family nya) at nagbabakasyon din.

"Buti naman natauhan ka na.." She whispered back.

"Paano kaya sya magrereact?"

"Don't know, pero sobrang mahal ka non. Matutuwa siguro sya."

"Sana nga.." I sighed, "So, leaving will be harder than I thought."

"It's better that way, at least magkakausap na kayo ng matino."

"Just because it's for the best, that doesn't mean it doesn't hurt." I closed my eyes, praying.. For the good things to come.

"Just sleep.." Jenny said. She wiped away my tears and hugged me.

The morning came, kahit gusto ko ng tumakbo papunta ng hospital, hindi ko magawa dahil hindi ako pwedeng umalis mag-isa. Kaya eto ako at ginugulpi si Jenny para bumangon na sya sa kama.

"5 minutes.. Wait lang.." She said, dreamingly. Nakakainis naman 'to oh. Kinuha ko sa bag ko yung alcohol spray, at pinalitan ang laman ng tubig. Ready ko na sanang basain si Jenny kaso bigla syang bumangon. "Kala mo maiisahan mo ko ha." Natatawa nyang sabi. Tumayo sya at pinitik ako sa noo. "Kulang ka pa sa ganito." Sabay turo sa ulo nya.

"ARRRRGGGGG!" Nagwawala kong sigaw. Hindi man lang ako nakapaghiganti.

"Hannah, hindi ka pa ba gutom?" Tanong ni Cassandra.

"Bumaba na kayo at mag breakfast. Susunod ako." Sabi ni Jenny at humalakhak na pumasok ng CR. Nakasimangot akong naglakad palabas ng room namin.

"Wait a minute.." I whispered to myself. Lumapit ako sa bag ni Jenny at binuksan ito. BWAHAHAHAHAHA! THIS IS MY CHANCE!!!

*****

Masaya akong kumain when I saw Jenny na mabilis na naglalakad towards us. I can really tell na nakasimangot sya kasi ga-guhit ang kilay nya. I'm congratulating myself. She looked really pissed.

This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon