Chapter XIV: Incident

25 1 0
                                    


Paulit- ulit akong bumabalik sa coffee shop. Nagiipon ng lakas ng loob na kausapin si Xander. Pero parang isang boteng may butas na pinupuno mo ng tubig ang lakas ng loob ko. Pabawas ng pabawas at hindi nadadagdagan.

It was hard to see an important person from a distance, yet you can't even smile at that person. And for the fourth time, nandito na naman ako. Sa table na nakasanayan ko ng upuan. Nagdala pa ako ng props para hindi halata na si Xander ang sadya ko dito. Binuksan ko ang netbook ko at nagsimulang magresearch tungkol sa next lesson namin. Aalis nako mamaya, babalik na ako ng Cavite. This was my last chance to talk to Xander.

"Iced caramel coffee and chocolate muffin for Hannah." Sigaw nung nasa counter. Isinantabi ko muna yung mga gamit ko para kunin yung inorder ko. "Nandyan na yung password ng WiFi namin sa likod ng receipt mo." Nakangiting sabi nung crew.

"Okay. Thanks." I said as I lift my tray and went to my table. Pagkaupo ko, nakita kong lumabas si Xander mula sa loob. May dala syang bimpo at pang- spray. Nakita ko naman na malapit sakin yung table kung saan kakaalis lang nung customer. At hindi ako nagkamali, dun sya pumunta at sinimulang linisin yung table.

I was just looking at him the whole time. It's now or never. I said to myself.

"Excuse me." I said. Hindi sya tumingin. Siguro masyadong mahina. I cleared my throat. "Excuse me." I said, aloud. When he turned his head to my direction, his eyes shimmered. I was stunned. Ang tagal na panahon kong hindi nakita sa malapitan ang mga mata nya.

"Ano po yun?" He asked, smiling. I observed him. Still no visible signs na nagpapanggap syang hindi nya ako kilala.

"Uh-- kasi.." I looked away to stop myself from buffering. "Hindi ko maintindihan yung sinulat na password ng WiFi nyo dito sa receipt ko." Yun na lang ang sinabi ko. Lumapit sya sakin at kinuha yung receipt. He's too close for comfort. I have to talk now. "Uh.. Xan--"

"coffeeindigo1907 po yung nakasulat." Biglang sabi ni Xander.

"Ahhh.. Sige. Salamat." Tinype ko na yung sinabi nyang password. Nagconnect naman agad. Tumingin ako sa kanya. Ready nakong magsalita.

"May kailangan pa ba kayo?" He asked. Ready nakong magsalita. Kakausapin ko na sya.

"Wala na. Salamat." Tanga. Ang tanga mo talaga, Hannah. Kahit kailan! Umalis na sya agad. Tinuktukan ko ang sarili ko. Ang tanga tanga mo na! Duwag ka pa! Nagulat ako sa ingay. I saw Xander fixing the advertisment holder on top of a table. Paika-ika syang naglakad pabalik sa loob. Nabunggo kaya sya dun sa table?

Habang tumatagal mas naduduwag akong kausapin sya. Good thing na hindi na sya lumabas pa ulit simula nung pagtatanong ko sa kanya. May naririnig naman akong mga naguusap mula sa loob pero hindi ko naririnig ang boses ni Xander.

Minutes later, I gathered my strength. I compiled my things and went to the counter.

"Excuse me.." Sabi ko. Nakangiting tumingin sakin yung babaeng crew. "Pakisuyo naman kay Xan--" My phone rang. Sa sobrang lakas nung ringtone parang nakaspeakers. I mouthed, 'wait' dun sa crew. When I saw who the caller was, I tensed. It's Ismael.

"Hello?"

"Nasaan ka?" He asked.

"Bakit?"

"Sasama ako maghatid sa'yo. Kakadating ko lang sa bahay nyo. Eh wala ka dito." Sabi nya.

"Uh-- eh-- Galing ako sa clinic. Naalala mo yung pusang inampon ko. Bumili ako ng vitamins para mabilis syang lumakas." Palusot ko.

"Sinong kasama mo?"

"Wala. Ako lang. Uhm. Sige. Daanan nyo na lang ako dito. Ready na naman yung mga dadalhin ko sa boarding house eh."

"Okay. Sasabihin ko na kay Cassandra. We'll be there in 5 minutes."

This is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon