Chapter 1

121 2 0
                                    

Chapter 1

"Belle, may girlfriend na ulit si MJ." imporma agad ni Myla sa'kin pagkaupong-pagkaupo niya sa bench ng paborito naming tambayan sa school.

"What? Paano nangyari yun? Sino?" tanong ko agad sa kanya.  

Ako nga pala si Ysabella Perez.  Third year college student.  Marahil nagtataka kayo kung sino si MJ at kung bakit 'yan ang reaction ko nang malaman ko na may girlfriend na siya.  Well, si MJ or si Mylo Jake Almendras ay ang lalaking nag-iisa kong minahal.  Kakambal siya ni Myla, ang bestfriend ko.  Noong mga bata pa kami, aminado ako na crush ko siya at habang lumalaki kami unti-unting lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.  Isang umaga nagising nalang ako na mahal na mahal ko na siya.  Pero ang masakit, kaibigan lang ang turing niya sa'kin.  Karamay niya lang noong mga panahong iniwan siya ng mga nagiging nobya niya.. Ewan ko nga rin sa mga babaeng yun at sinaktan nila si MJ. Sa katunayan nga swerte ang babaeng mamahalin niya.  Mabait, down-to-earth, gwapo, matangkad, matalino at higit sa lahat one-woman man.

"Ang muse ng Engineering department." sagot ni Myla. Civil Engineering kasi ang course ni MJ samantalang kami ni Myla ay Business Ad. " Sorry Belle." sabi pa niya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang. Hindi mo kasalanan na hindi niya ako mahal." nalulungkot kong sabi.  Masakit talaga malaman na ang lalaking mahal mo pagmamay-ari na ng iba.

"Bakit ba naman kasi iyang kakambal ko tumitingin pa sa malayo eh may magandang dilag naman na nandiyan lang sa tabi niya." maktol pa nito.  

"Eh sa talagang hindi niya ako nakikita as a girl na pwede niyang mahalin.  Kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin.  Alam ko naman 'yun kaso lang ang sakit-sakit pa rin." Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap nalang ako ni Myla. Ilang beses na rin naman nangyari 'to.

"Tanga at manhid lang talaga ang kakambal ko. Hay naku! Belle kalimutan mo nalang si MJ. As much as ikaw ang gusto ko na makatuluyan niya pero ayoko naman na nakikita kang nasasaktan.  Gusto kong maging masaya ka."

"Gusto ko rin naman talaga na kalimutan na siya pero hindi ko talaga magawa. Lintik na puso kasi 'to dun pa tumibok sa tanga at manhid."

"Tahan na. Basta tandaan mo nandito lang ako lagi para sa'yo."

"Salamat BFF.  Mag-review na lang tayo. May exam pa tayo mamaya." sabi ko nalang sa kanya.

"Mabuti pa nga." sagot naman niya.

Pero kahit anong pilit ko na mag-focus sa binabasa ko pero walang pumapasok sa isip ko.  Mabuti nalang at nakapag-aral na ako kagabi. Sana lang hindi ako bumagsak sa exam.

Nasa parking area ng school kami ni Myla. Hinihintay namin si MJ. May sasakyan kasi sila palibhasa mayaman sila at si MJ ang nag-dadrive.  Sumasabay ako sa kanila sa pag-pasok at pag-uwi kasi magkapitbahay lang kami.  See? Iyan din ang rason kung bakit hindi ko siya makalimutan. Nakikita ko siya araw-araw. Minsan ayoko ng sumabay sa kanila kaso sayang din naman ang pamasahe. Nag-chichikahan kami ni Myla nang dumating si MJ na may kasamang babae. HHWW ang peg. Ouch lang.

"Hi girls.  Pasensiya natagalan kami. Hinintay ko pa kasi ang babe ko." wika ni MJ pagdating. At take note, babe talaga ang endearment. Ouch again.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa siya hintayin. Sino ba siya?" pagtataray ni Myla. at ako naman nanahimik nalang.

"Oo nga pala, hindi ko pa siya naipakilala sa inyo.  Babe, this is Myla, my twin sister. And this is Belle our friend and neighbor." turo naman niya sa'kin.

"And girls, this is Maggie, my girlfriend." pagpapakilala niya.

"Hi." bati ng babae. Kinamayan pa kami pero halata naman na plastic ang ngiti. Ano kayang nakita ni MJ sa babaeng ito? Halata naman kasi na maarte at mataray.

"Tara na." aya ni Myla. At akmang bubuksan na ni Myla ang front seat pero pinigilan siya ni Maggie.

"Ah Myla. Ako dito sa front. Ako naman ang girlfriend sa dapat ako ang katabi ni MJ." at ngumiti na naman ng plastic.

"Pero diyan ang pwesto ko." kontra pa ni Myla.

"Sige na Myla. Tabi nalang kayo ni Belle sa likod, Si Maggie ang dito sa harapan." sabi naman ni MJ.

"Oo nga Myla. Tabi nalang tayo sa likod." sabi ko nalang din para makauwi na kami.

"Hmp!" nagdadabog pa si Myla na sumakay sa sasakyan.

Habang nasa sasakyan, nakasimangot pa rin si Myla. At ang dalawang taong nasa harapan naman lalo na si girl, kung makadikit kay MJ akala mo mawawala sa tabi niya. Ang sakit lang sa mata tingnan. 

Bago kami umuwi, hinatid pa namin si Maggie sa bahay nila. At anak ng teteng, hinalikan pa talaga niya si MJ sa lips sa harapan pa talaga namin ni Myla at nagpaalam sa amin na may nakakalokong ngiti bago siya bumaba ng sasakyan. Sarap lang ingud-ngod sa semento ang pagmumukha ng babaeng 'yun. Sorry! Bitter lang po.

"Hoy MJ! Anong nagustuhan mo sa babaeng yun?" tanong agad ni Myla pagkababa ni Maggie.

"Mabait siya, maganda, sexy, at matalino rin." sagot naman ni MJ.

"Anong mabait? Ang arte kaya at saka halatang mataray. Hindi ko siya feel." sabi ni Myla. Ako hindi nalang ako nagsasalita baka ano pa masabi ko.

"Nasasabi mo lang yan kasi ngayon pa lang kayo nagkakilala. Magkakasundo rin kayo habang tumatagal. Wag ka nalang komontra. Mahal ko si Maggie." sabi naman ni MJ na lalong nagpapasakit sa damdamin ko.

"Basta! Ayoko sa kanya. Diba Belle? Ang sama ng ugali ng babaeng yun?" Bruha talaga 'to si Myla. Sinama pa ako sa usapan. Nananahimik na nga ako eh.

"Ewan ko. Wag niyo nga ako isali sa usapan niyo." tanging sabi ko nalang. Ayoko namang pagsalitaan ng hindi maganda ang nobya ni MJ.

"Mabuti pa si Belle, hindi judgmental. At ikaw Myla bakit ba hindi mo gusto ang mga nagiging girlfriend ko?" si MJ

"kasi hindi sila ang karapat-dapat sa'yo."

"Eh sino naman ang karapat-dapat sa'kin aber?" tanong naman ni MJ.

"Baka andyan lang sa tabi-tabi. Hindi mo lang napapansin. Diba Belle?" pahamak talaga 'to si Myla. Kibit-balikat nalang ang sinagot ko. At napapailing nalang si MJ na patuloy sa pag-dadrive.

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon