11 ~ Fear

175K 4.2K 311
                                    

CHAPTER ELEVEN

"GOOD morning." Bati sa kanya ni Ether. Ng magmulat siya ng mga mata ay ito agad ang nakita niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama na para bang kanina pa ito doon at hinihintay lang siyang magising.

"G-good morning din."

"How was your sleep?"

"Its good." Hinanap ng mata niya si baby X at ng hindi niya makita iyon sa crib ay ibinalik ang tingin sa binata. "Where is—"

"He's with Corvette."

"Corvette? Nandito siya?"

"Yes," Tumingin ito sa pinto. "With his brothers and Liberty."

"Bakit sila nandito?" Inalalayan siya nitong bumangon. Inayos pa nito ang buhok niyang nagulo.

"I don't know exactly but..." Bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. "Hmn,"

"Eyes up."

"You should wear your bra before going out to see them." Maarteng pinaikot niya lang ang mata niya. "And please, don't wear sexy clothes, tatlo ang lalaki sa labas."

"They're my cousin."

"Whatever, just do what I said."

"Who are you to boss me?" Humalukipkip siya at inirapan ito.

"Anyway, inayos ko na ang mga gamit mo." Pag-iiba nito ng usapan. "Anytime soon ay aalis na tayo dito."

Bumalik ang tingin niya kay Ether. "What?"

"You heard me right?"

"No, I am not going with you. May movie shoot pa ako, alam mo naman iyon."

"Last time I check signal number 2 ang lugar na 'to. Now tell me, paano kayo makakapag taping outdoor?"

"Wala naman silang sinabi sa akin." Tumingin siya sa glass window, nakita niya na umuulan sa labas, hindi iyon kalakasan pero mahangin.

"I already talked to Christine—your manager and direct Jesselle. You don't have to worry Saleen, ako ang bahala sa iyo." Hinawakan siya nito sa kamay at inalalayan siyang makatayo hanggang sa nasa tapat na sila ng shower room. "Go and take a shower. I'll prepare your breakfast."

Tumango lang siya bago pumasok sa loob upang maligo.

Kulay dilaw na longsleeve at pajama ang isinuot niya ng matapos siyang mag shower. Si Ether mismo ang pumili ng susuotin niya dahil paglabas niya sa banyo ay naghihintay pala ito sa kama niya.

"Masaya ka na ba dito sa ipinasuot mo sa akin?" Sarkastikong tanong niya. Nakatayo siya sa harap nito.

"I am still not happy."

"Ano naman ba?"

May kinuha ito sa bulsa nitong pares ng medyas. "You should wear this—"

"Von Ether naman!"

"Malamig ang panahon Saleen baka magkasakit ka." Siguro dahilan lang nito iyon. Sanay siya sa lamig dahil laking aircon siya at iba't-ibang malalamig na bansa ang napuntahan niya.

Tumayo ito at siya naman ang pinaupo nito sa gilid ng kama. Sinusundan niya lang ang galaw nito hanggang sa animo makisig na prinsipe itong lumuhod sa harap niya.

"Anong—tumayo ka nga—" Nahinto siya sa pagsasalita ng hawakan nito ang isa niyang paa at suotan ng medyas. Napakagat labi na lang siya sa ginawa ni Ether. "Kaya ko naman magsuot ng medyas e."

"I know, but I like doing this to you. You should treat like a queen."

"But I am not a queen."

"But for me, you're a queen." Nang matapos nitong suotan ng medyas ang isa niyang paa ay nag-angat ito ng tingin sa kanya. Mabilis na nahuli nito ang mata niya. "You are my queen." Kung sana napipigilan niya ang biglaan at mabilis na tibok ng puso niya, sana ginawa niya na ngayon. "Halika na." Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang lumabas ng kwarto.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon