20 ~ Viper Club

115K 3.8K 101
                                    

CHAPTER TWENTY

TAHIMIK lang siyang nakaupo sa tapat ng salamin kung saan inaayusan siya ni Rolyn. Nasa loob sila ng tent niya. Last day of movie shoot today kaya pinilit niya talagang bumangon kaninang umaga kahit wala siya sa mood magtrabaho pero kailangan e.

Mabuti na lang at nakakatulong sa kanya ang pakikipagtext sa lalaking mahal niya upang mabawasan ang katamarang tumatama sa kanya.

From: Love

What do you like to eat for lunch, love? Magpapadeliver ako para sa inyo ni baby.

Para siyang teenager na napapangiti sa pagbabasa lang ng text message. God! Feeling niya inlove na inlove siya kay Von Ether.

She typed a reply.

To: Love

Pwede bang ikaw na lang ang lunch ko?

She joked then press the send button. She is forcing her naughty smile because her make up artist and hairstylist might see her. Mahirap ng mapagkamalan na nababaliw na dahil nangingiti mag-isa.

From: Love

Oh, as much as I want you too for lunch I can't, love. Natambakan na ako ng paper works. Pwede bang mamayang gabi na lang?

Then a naughty and flirty emoji inserted at the end of Ether's message making her silently giggled.

She is about to type a reply when a follow up message from him came up.

From: Love

Love, don't tell me nabitin ka kagabi?

Her cheeks burn. Pasimple lang siyang yumuko dahil ayaw niyang makita ang sarili sa salamin na pinapamulahan pa din ng mukha.

Nag-over night kasi si Ether kagabi sa condo niya at pareho silang hindi na nakapagpigil sa kanikanilang sarili at nangyari na ang dapat mangyari.

They made love all night. Kaya siguro medyo nakulangan din siya sa tulog at pagod ang katawan niya.

To: Love

Nah, hindi ako nabitin. I was just joking, love. Anyway, masusundo mo kaya ako mamaya?

Pagkatapos niyang i-send ang message niya ay inilagay niya na ang cellphone sa channel bag niya. She's silently hoping na magkita sila ni Ether ngayong araw o kahit mamayang gabi pagkatapos nagtrabaho niya kasi namimiss niya ito agad.

"Miss Saleen, okey ka na daw po?" Tinignan niya mula sa salamin ang isang production staff na nakasilip sa pintuan ng tent niya.

She smile. "Yes, I'll be there in a minute."

"Okay po." Iyon lang at umalis na ang production staff.

Ng matapos siyang ayusan ni Rolyn ay sabay na silang lumabas sa tent at nagpunta sa bahay na malapit lang doon kung saan kukuhanan ang eksena nila ni Nicolai.

Agad na pinayungan siya ng isa sa dalawang bodyguard niyang si Ether ang nagpadala. Nakasunod naman sa kanya si Rolyn at Jessielyn. Dala ng mga ito ang make up kit, tissue, tumbler at purse niya.

Bumeso siya kay Derek Jeselle at sa assistant director na naging malapit na din sa kanya. Si Nicolai naman ay lumapit sa kanya at bumeso din.

"Hey," Bati niya sa lalaki.

"Hey," Ganting bati nito na ikinatawa nila.

"Okey guys, kumpleto na ba tayo?" Untag sa kanila ni Derek Jeselle.

"Yes Derek." Sagot ng ibang staff. May short meeting daw kasi sila.

"Bawas tao tayo dito sa set since bedscene ang eksena natin. Ayoko ng maingay, sana makisama kayo para matapos tayo ng maaga at makapag celebrate na din." Nagsigawan ang mga tao doon na mukhang expected na ang party party mamaya. Tumingin sa kanya ang direktor. "I expect you to be with us Saleen."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon