32 ~ Fight For Her

136K 3.5K 119
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

Flashback

"WHAT the fuck man?!" Mazda annoyingly asked him. "Hindi ba talaga pwedeng ipagpaliban mo muna ang pag-iinom and focus on our mission?!"

Inisang tungga niya ang beer sa bote at inilapag iyon sa lamesa. Ilan araw na simula ng iwan siya ni Saleen, wala siyang ibang makitang paraan upang pagaangin ang pakiramdam niya kundi uminom ng alak hanggang sa mawalan siya ng malay. Ganoon ang rotation ng buhay niya sa bahay niya.

"I c-can't... I can't g-go with you."

"That's it?!"

"Yea, that's it."

"Nakalimutan mo ba na ngayong gabi natin kukuhanin si Lexy?" Sa itsura ni Mazda halatang nauubusan na ito ng pasensya. "Bakit pa nga ba kita tinatanong..." Napailing-iling ito. "Dahil kung alam mo, hindi ka naman siguro maglalasing."

"I-I forgot that tonight is the night." Iniabot niya dito ang isang bote ng beer. Mazda let out a loud breath before accepting the bottle. "I can't get over with Saleen."

"Yea, I have to understand that. Mabuti na lang pala at ako ang inutusan ni dad na puntahan ka dito sa bahay mo."

"Alam niya?"

"Come on man, dad knows everything." Mazda smirked and sipped his beer. "Wala tayong maitatago sa magulang natin."

"I was planning on leaving ESO. Okey lang naman sigurong magpasaway ako kahit ngayon lang."

Naupo si Mazda sa katapat na single sofa at tinitigan siya. "Are you serious? Ipagpapalit mo ang trabaho mo para kay Saleen?"

"Wala kang hindi kayang gawin para sa taong mahal mo makasama lang siya. So yea, I am willing to leave ESO just to be with Saleen."

"Mangyayari kaya sa akin 'yung ganyan? Parang hindi ko lubos maisip na ipagpapalit ko ang trabaho ko para sa babae."

"Huwag kang magsalita ng tapos, Mazda Lane. Nasa iyo ang puso mo pero hindi mo alam kung kailan ka papanain ni Kupido. Sa oras na tinamaan ka ng pana niya, magagawa mo na 'yung mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin para lang sa pagmamahal. Magagawa mong isuko 'yung mga bagay na sobrang mahalaga sa iyo para lang makasama siya."

Namamanghang tinignan siya ni Mazda. "In love ka talaga..."

"Mahal ko lang talaga si Saleen."

"Well, nasa iyo naman ang boto ng pamilya namin pero mukhang nabawasan ang boto mo dahil kay Tito Matthew."

Mapakla siyang natawa. "I really need to fix this mess."

"And my brothers and I will fix Lexy's mess." Inubos ni Mazda ang alak sa bote at tumayo na. Tumingin ito sa wrist watch nito. "I have to go."

"Sasama ako." Akmang tatayo na siya ng mapaupo ulit dahil sa pag-ikot ng paningin niya dala ng alak. "Fuck! Fuck!" Sapo-sapo niya ang ulo niya.

"We will do our best to bring back Lexy's here. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila kung bakit hindi ka nakasama." Tumango lang siya hanggang sa mawala na sa paningin niya si Mazda.

End of flashback

"I WANT you back." Ether said as he stare longingly at her.

Saleen heart was in race. Ether might hurt her but her love for him was still there. The feeling was still there. Von Ether being sweet and caring to her can still make her heart beat so fast than usual.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon