24 ~ The Answer: A

105K 3.8K 208
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

"WHO IS SHE? Who is the she?" She asked Ether. Curiosity filled her, when she read Mazda's text message to Von Ether.

He blink multiple times, realizing what she had said. She doesn't like how he reacts. He seems to be affected and nervous of something she doesn't know.

"I think... Its L-Liberty."

"At bakit naman magtetext si Mazda ng gano'n sa iyo? Kailangan bang ipaalam sa iyo kung gising na si Liberty o hindi?"

Lumapit ito sa kanya at inilapag ang baso ng gatas na itinimpla nito sa tapat niya.

"Let's eat first."

"Answer me!"

"Call Mazda," Bagkos ay sabi nito. "And ask him."

She looks at him for a moment before dialing Mazda's number. They are looking at each other while waiting for Mazda to answer her call.

She pressed the loudspeaker button when her cousin answered.

"Hello, man? Did you read my message?" Hindi siya nagsalita sa tanong ni Mazda na iyon. "We received that news to the Hospital where A—" Mabilis na nakuha sa kanya ni Ether ang cellphone at pinatay iyon.

Puno ng pagdududa at hinanakit ng tignan niya ang lalaki. Sa ikinilos nito, halata naman na may itinatago talaga ito sa kanya. Ang lakas-lakas ng pakiramdam niya.

"Why Von Ether?" Pinipigilan niyang huwag tumulo ang luha niya.

"Kumain na tayo."

"Why did you cut the line? Why I have this feeling that you are intentionally hiding something from me? Why I have this strong feeling that you are really lying to me about something?"

"You don't need to know everything, Saleen. That's not really important anyway."

"And why the hell I am asking you to tell me everything? Why I'm always forgot that there is nothing between me and you for over a months now? Why am I still acting like a girlfriend to you?" She smile bitterly at him, realizing where she stand at Ether's life. "At bakit ba hindi ako nasanay na wala akong karapatan na malaman ang lahat ng itinatago mo? Bakit ba pilit ko pang inaalam ang mga sekreto mo?"

"Because a secret is a secret, Saleen."

"That's your point!" Tumaas ang boses niya. "Ang sekreto mo, sekreto mo lang! Hindi ko dapat malaman pero sila? Ang mga kaibigan mo? Alam! Bakit Ether? Hindi mo ba ako mapagkatiwalaan sa mga sekreto mo?"

"I don't like giving you stress lalo na ngayon."

Gusto niyang intindihin ang rason nito pero hindi iyon kayang tanggapin ngayon ng sistema niya.

"Hindi ba ako karapat-dapat na sabihan ng sekreto mo? Sa tagal natin na magkakilala, hindi ka ba talaga nagtiwala sa akin? At sa kakayahan ko na kaya kitang tulungan sa kung ano pa man ang problema mo o sa mga ginagawa mo na kailangan ng tulong ko? Mahinang babae ba talaga ang tingin mo sa akin? Anak mayaman na walang kayang gawin kundi ang mag buhay prinsesa lang?"

"Ayokong nahihirapan ka, Saleen. Kung may sekreto man ako o ginagawa na hindi ko ipinapaalam sa iyo, hayaan mo na lang sana ako."

"Hayaan kita hanggang sa hindi ko na kaya pang isipin na simula't sapul ay may itinatago ka na sa akin?"

"Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili ko na huwag sabihin sa iyo ang lahat. Sana isipin mo din na hindi madali para sa akin na hindi ko sinasabi sa iyo ang lahat ng ginagawa ko."

Bakit kasi hindi masabi sa kanya ang lahat ng pinaggagagawa nito? Bakit kailangan magtago?

"Sana isipin mo din na hindi madali para sa akin na malaman na may itinatago sa akin ang lalaking mahal ko. Sana isipin mo din na hindi lahat ng oras tatahimik na lang ako sa isang tabi at hahayaan kang ipagpatuloy 'yang ginagawa mong hindi ko kailanman nalaman. Nakakapagod pala 'yung ganito, Von Ether. Nakakapagod pa lang maghintay na pagkatiwalaan mo ako sa lahat ng bagay na tungkol sa iyo."

Tumayo siya. Nawalan na siya ng gana mag-almusal. Akala pa naman niya magiging masaya ang umaga nilang dalawang magkasama sa iisang bahay. Hindi pala.

"Alam kong hindi mo na ako naiintindihan, Saleen. Nararamdaman ko din na iiwan mo na ako."

Kumurap-kurap siya para pigilan lalo ang luha niyang kaunting hangin na lang ay lalabas na.

"Isang tanong, isang sagot, Von Ether." Lihim siyang humugot ng malalim na buntong hininga. "Sino 'yung babae na tinutukoy ni Mazda?"

Nakakabingi ang sobrang katahimikan na biglang bumalot sa kanilang dalawa. Kinakabahan siya habang naghihintay ng sagot.

"She's nothing."

"Tell me!" Halos pasigaw na sabi niya at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa upang harap-harapan na makita niya ang kausap na walang mababakas na emosyon sa mukha. "Tell me!"

"Let's stop this, Saleen. You don't need to shout."

"Kahit ngayon lang sabihin mo sa akin ang isa sa mga itinatago mo, kahit ngayon lang Ether. Tapos... Tapos hindi na ako magtatanong—"

"Its Akiko."

Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Its Akiko...

Its Akiko...

Its Akiko...

Kailanman hindi siya nagkamali ng pakiramdam kay Ether. Ayaw niya lang paniwalain ang sarili niya na hindi iyon si Akiko dahil alam niyang wala na ito pero hindi pala. Hindi pala.

"B-bakit kailangan mong magsinungaling sa akin tungkol sa bagay na 'yan?" Lumuluhang tanong niya. "Bakit ba kailangan mong sabihin sa akin na wala na siya? Dahil ba ayaw mo na akong magselos ha?! Gano'n ba 'yon Ether?!" Akmang iaangat nito ang kamay upang punasan ang luha niya ng i-iwas niya ang mukha. "All this time, naniwala ako sa sinabi mo tapos... tapos isa lang pala iyon sa kasinungalingan mong itinatago."

"Yes, I lied to you about her."

Naninikip ang dibdib niya. Sa unang pagkakataon, umamin sa kanya ng kasinungalingan ang lalaking 'to.

"Why Ether?" Hindi ito sumagot. "Dahil sekreto mo na naman ang dahilan?!"

"Huwag ka ng umiyak. Hindi maganda 'yan para sa baby." Kinuha nito ang tissue sa lamesa at akmang ipupunas sa luha niya ng tabigin niya ang kamay nito.

"Huwag mo na akong bilugin. Huwag mo ng iparamdam sa akin na mahalaga ako sa iyo kasi hindi naman talaga. Itigil na natin 'tong laro ng mga nagpapakatanga sa pag-ibig."

"Saleen—"

"Ayoko na," Bakas sa tinig niya ang pagsuko. Sa unang pagkakataon, susuko na siya. Hindi niya na kaya pa 'yung sakit. "Napapagod na ako... Pagod na pagod na ako sa pagmamahal at pagpapakatanga ko sa iyo..." Pareho silang nasasaktan, alam niya iyon pero hindi niya na kaya. Suko na siya. Hilam ang luha sa mata ng tignan niya ito. "Napapagod na akong mahalin ka... Nakakapagod kang mahalin, Ether." Her heart torn into pieces as she walks away from him.

His every lies...

His every secrets...

Makes her give up in everything they have.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon