30 ~ Yes Love, I Will...

147K 4K 275
                                    

CHAPTER THIRTY

"HINDI ka na sasabay sa akin pauwi?" Nagtatakang tanong niya kay Aeon habang nasa loob sila ng elevator paakyat sa helipad ng SLS Building.

Masayang natapos ngayong araw ang pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng charity niya. Nakaramdam siya ng pagod pero masaya pa din naman din ang pakiramdam niya dahil nadagdagan na naman ng isang taon ang SLS Foundation at alam niyang madadagdagan pa iyon sa paglipas ng panahon.

"Hindi na. Sa bahay na ako dederetso. My wife is waiting for me." Tukoy nito kay Xarra. "Ihahatid lang kita."

Ng bumukas ang pinto ng elevator ay lumabas na sila. Naghihintay na doon ang helicopter na ginamit nila kanina. Nasa loob na din ang piloto.

"Sila mommy ba?"

"Nauna na sila." Hinawi ni Aeon ang buhok niya ng humangin dahil sa pag-andar ng helicopter. "Mag-iingat kayo." Sabay tingin sa helicopter sa likod niya.

"Yes, I will." Panandalian muna siyang tinitigan ng kambal niya na ipinagtataka niya. "Why?"

"Naalala ko lang 'yung sinabi mo sa akin noon, sa Red Scorpion Club... 'yung mga panahon na wala si Xarra at hinahanap ko."

"Ano bang sabi ko?"

"Ang sabi mo... Ang tunay na nagmamahal hindi nang-iiwan."

"Yes. Mom told me that, then sinabi ko sa iyo. Bakit?"

Muli ay tumingin ito sa likod niya, sa helicopter na naghihintay na sa kanya.

"Tingin mo tunay kang nagmamahal, Saleen?"

She lifted her eyebrow at Aeon's question. "Why did you ask?"

"I wanna know your answer, my twin sister."

"Of course! Tunay akong nagmamahal!"

"Tunay kang nagmamahal pero nang-iiwan ka?"

"Aeon!"

Her brother let out a short laugh. "Sige na, umalis na kayo."

Panandalian muna niya itong tinitigan ngunit bahagya lang na pinisil ng kambal niya ang ilong niya na ikinalukot ng mukha niya. Tinakpik niya ang kamay nito.

"You know how much I hate it."

"Yes I know." Aeon kissed her cheek. "I hope for the best of you Saleen and for my pamangkin."

Wala sa sariling napahawak siya sa tiyan niya at napabuntong hininga na lang.

"Salamat, Aeon." Hindi na naman ito nagsalita pa at inalalayan siyang makaakyat sa helicopter.

Habang pataas ang paglipad ng sinasakyan niya ay doon niya lang napansin na dalawa lang sila ng piloto ang naroon. Wala siyang kasamang bodyguard.

Unti-unting bumangon ang kaba sa dibdib niya ng mapagtanto na ilan minuto na silang nasa himpapawid ngunit tila hindi sila makarating sa mansion nila.

"Hey!" Tawag pansin niya sa piloto na nakajacket na itim, naka-sumbrero at black sunglasses. Hindi naman ito ang kaninang naghatid sa kanila sa SLS Building. "Nasaan na tayo?" Ngunit hindi ito nagsalita marahil siguro ay hindi siya narinig dahil kapwa niya ay may headset ito sa tenga.

Kinakabahan man ngunit napilitan siyang dumukwang sa piloto at tanggalin ang headset nito upang marinig siya pero hindi pa man din nadadampian ng kamay niya ang headset ay nilingon na siya nito.

"Stay still, love."

Tila ba napaso siya kaya mabilis na bumalik ng pagkakaupo habang sapo-sapo ang dibdib niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon