33 ~ His Dream Job

132K 3.6K 147
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

Flashback

"WHERE'S baby X that time?" Tanong ni Corvette sa kausap na nasa screen ng laptop, si Lexy. Ayaw pa kasi ng kapatid niya na dalawin nila ito sa kwarto nito kaya heto sila ngayon sa video call nag-uusap. "Hindi namin nakita ang anak natin ng ni-review namin ang cctv footage ng Casino."

"Pinabantay ko sa—"

"What?!" Napangiwi siya sa pagtaas ng boses ni Corvette ngunit inirapan lang ito ng kapatid niyang puro benda ang katawan pati ang ulo nito ay may nakabalot na benda. "Nagawa mo 'yon sa anak natin Lexus? Ipinaalaga mo sa iba?"

"Why do you always have to cut me off while I am talking?! Ayoko na kitang kausap!" Iyon lang ang naging tugon ng kapatid niya sa lalaki. "Kung papagalitan mo lang ako huwag na lang tayong mag-usap." Nakita niyang bahagyang umangat ang kamay ni Lexy tanda na papatayin na nito ang video call.

"No, no baby don't cut the line—oh fuck!" Inis na pinalo ni Corvette ang lamesa at kulang na lang ay ibalibag ang laptop ng mawala sa screen ang mukha ni Lexy.

Tinignan siya ni Corvette ngunit kibit-balikat lang ang isinagot niya dito. Wala naman silang magagawa kung ayaw pa ni Lexy na kausapin sila at magbigay ng imposmasyon tungkol sa Toxicus Gang na nakabangga ng kapatid.

"Huwag natin siyang pwersahin na magkwento. Magkukusa din 'yan."

"I wanna see her but your mom always there to block me."

"Hanggat hindi sinasabi ni Lexy na gusto niya ng tumanggap ng bisita ay hindi tayo papasukin ni mommy sa kwarto niya."

"Hindi naman ako bisita lang. Ama ako ni X, we have child."

"And I'm the brother pero wala 'yun saysay ngayon dahil iyon ang request ni Lexy. Ayaw niyang may makakita sa kanya. Buti pa si X nakakabisita." Corvette looked at him, and he know that kind of look. "Good luck man, feel free to use your son to see Lexy."

End of flashback.

"MABUTI na lang at hindi nasaktan si baby X." Nasabi na lang ni Saleen habang nagkukwento siya ng mga nangyari kay Lexy. Hindi niya naman ma-detalye lahat dahil siguradong maguguluhan lang ito. "But wait, kanino niya ipinaalaga si baby?"

Nakaupo sila sa gilid ng swimming pool habang nakalublob ang mga paa sa tubig. Nakasandal ang ulo ni Saleen sa balikat niya.

"Lexy hired a babysitter for her son while she was playing in Casino. Baby X and the babysitter was in Hotel next to Casino's building. We all thought that baby X was in the Gang that night, but we thought wrong. Lexy always puzzled as with her actions and the way she thinks. Okay na sana ang lahat kaya lang ng matalo sa pustahan ang mga kalaban niya doon na nagkagulo. Mabuti na lang at nakuha ni Lexy agad si baby X sa babysitter bago pa siya unahan ng ibang miyembro ng Gang."

Iyon ang totoong nangyari kaya wala si baby X sa Casino dahil pinaalagaan ni Lexy sa iba.

Kinuha ang kapatid niya ng Gang at pinahirapan na kung iisipin ay mali dahil sa unang banda ay nanalo si Lexy sa pustahan kaya lang ay hindi iyon matanggap ng grupong Toxicus.

Alam niyang hindi pa dito natatapos ang banggaan ng ESO at Toxicus Gang. Hindi nila hahayaan na gano'n lang ang ginawa ng grupo sa kapatid niya.

"Natatandaan ko pa 'yung araw na magkasama tayo sa Hotel tapos si Akiko naman may kasamang baby who happened to be baby X na akala ko baby niyong dalawa."

"Woah! Did you really think about that?"

Saleen nodded. "Yes, why not? Palagi kayong magkasama dati kaya hindi imposible na walang mamagitan sa inyong dalawa—"

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon