23 ~ Sorry

114K 3.1K 83
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

Flashback

"PWEDE ba akong pumasok?" Tanong niya kay Ether. Nakasilip siya sa may pintuan ng silid na inookupa nila sa bahay bakasyunan ng magkakapatid na Lane.

Kasalukuyang nililinis at ginagamot ng binata ang sugat sa braso nito, nakaupo ito sa upuan sa tapat ng salamin at may medicine kit and first aid kit sa lamesa sa harap nito.

"You hate seeing blood."

"I can handle."

Ng hindi magsalita si Ether ay tuluyan na niya itong nilapitan. Kitang-kita na sariwa pa ang sugat nito. Nilakasan niya na lang ang loob niya para hindi nito mahalata na apektado siya sa nakikita.

"Malakas pa din ba ang ulan sa labas?"

"Yes," She move closer. "W-what happened to you?" She is really curious about his wound.

Halos magkakasunod lang naman na dumating ang dalawang pinsan niya at si Ether galing sa Hotel ngunit bakit tanging ito lang ang may sugat?

Ether stare at her for a seconds before he answer, making her world stop spinning because of shock.

"I got shot—" He continue cleaning his wound. "Namumutla ka."

"H-huh?" Kumurap-kurap siya, inalala ang dahilan ng sugat nito. "N-nabaril ka? S-saan?"

"Sa Hotel na pinag-alisan natin."

"B-bakit? Bakit ka nabaril? S-sino ang bumaril sa iyo?" Tama nga ang kaba na naramdaman niya ng makarinig sila ng putok ng baril noong papaalis sila ng hotel. "Bakit ikaw lang ang may tama? Kasama mo ba sila Corvette ng mangyari 'yon? Nasaan na si A-Akiko? K-kasama niyo siya hindi ba?"

"I accidentally got shot when we're about to leave the room. We don't know who is the gun man, we don't know who they are." Para bang wala dito ang pagkukwento nito sa kanya. Hindi rin ito tumitingin sa kanya habang nagsasalita. Busy ito sa pag-gamot ng sugat nito. "Please, don't worry now. I will be alright. Gagaling din itong sugat ko."

"Pero..." Nanghihina ang tuhod niya ngunit wala naman malapit na upuan doon upang upuan niya. Unless, papatayuin niya si Ether pero hindi niya gagawin iyon dahil malalaman nito ang nararamdaman niya. "B-bakit hindi niyo na kasama si Akiko ng magpunta kayo dito? Nasaan siya? Huwag mong sabihing iniwan niyo siya sa Ho—"

"Wala na siya."

Parang tumaas lahat ng balahibo niya sa katawan sa lamig ng boses ni Ether at mas lalong siyang nanghina sa balitang narinig.

"P-paanong wala?"

Nag-angat ng tingin si Ether mula sa salamin upang makita siya ngunit nagbaba din agad ng tingin upang ipagpatuloy ang pagbabalot ng gasa sa braso nito.

"Akiko is dead. Huwag mo na siyang hanapin."

"Von Ether!"

"Dead on arrival siya ng isugod siya nila Mazda sa Hospital. Pinauna nila akong makaalis sa Hotel dahil may tama ako, kaya hindi ko na alam kung anong nangyari habang wala ako."

Nanghihina na napakapit siya sa sandalan ng inuupuan ni Ether. Ilang araw na mula ng lisanin nila ang Hotel na tinutuluyan niya habang ginagawa ang movie shoot niya at ilang araw na din pa lang wala sa mundo ang babaeng pinagselosan niya.

Ano ba ang dapat niyang maramdaman ngayon? Sumaya dahil wala na si Akiko?

Umiling-iling siya. Hindi niya dapat maramdaman iyon. Akiko been good to her, ni hindi nga alam ng babae na pinagselosan niya ito.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon