Prologue (SPG)

367K 6K 201
                                    

PROLOGUE

PINIGIL niya ang sariling mapangiti ng makita sa CCTV monitor from her room ang red top down Ferrari ni Ether na pumarada sa tapat ng mansion nila. Lumabas ito mula roon wearing a ripped denim jeans and grey muscle shirt showing his tattoos.

He's hot and damn gorgeous alright, but she needs to stop herself from admiring him for awhile because she's still annoyed.

Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at ilan segundo lang ang binilang ay tumunog ang kanyang cellphone na agad niya namang sinagot.

"Hello?"

"Hi there love,"

"Bakit ka tumawag?" Nagtatampo ang boses niya pati na din ang puso niya.

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo at alam kong nariyan ka sa kwarto mo."

"Wala ako sa bahay."

"Stop lying love." Muli ay tumingin siya sa monitor kung saan nakikita niya si Ether na nakasandal sa nakasarang pintuan ng sports car nito. "Nararamdaman kong nakatingin ka sa akin."

Malakas siyang bumuntong hininga bilang pagsuko sa pagsisinungaling niya. Kailan nga ba siya nakaligtas kay Ether?

"Umalis ka na ayokong makita ka—"

"Huwag ka ng magtampo." He interrupted her. "Mag unwind tayo, namimiss na kita kaagad, Saleen." Her heart thump loudly as she heard the sincerity over his voice. "Gusto kong bumawi sa iyo kaya please lumabas ka na riyan sa kwarto mo o gusto mo akyatin kita diyan?"

"Hindi ka makakapasok hanggat hindi ko sinasabi sa mga security guards namin na papasukin ka."

"Oh? Wanna bet, love?" Umiling-iling siya na animo nakikita nito. "Just say Yes and in just a blink of an eye, nanriyan na ako sa kwarto mo."

She smirked. "You can't do that." Pagak itong tumawa pero hindi naman na nagsalita.

Tinignan niya ang screen ng cellphone niya at napasimangot ng namatay na ang tawag at mas lalong nalukot ang maganda niyang mukha ng hindi niya na makita ang kasintahan sa monitor ng CCTV, tanging ang sasakyan na lang nito ang naroon.

"Where the hell are—"

"I told you." Napaigtad siya ng may magsalita mula sa likuran niya.

Nilingon niya ang pinaggalingan ng boses na iyon. "E-ether, paano ka nakaakyat dito?"

"To see you?" Her heart almost stop from beating as he stared at her with lust and longing written on his ocean blue eyes. "Stop hiding from me Saleen, alam mo naman na kahit saan ka magtago ay mahahanap kita."

"Von Ether..." Iyon lamang ang namutawi sa bibig niya dahil inilang hakbang nito ang pagitan nila at siniil siya ng mapusok na halik, pero bago pa man din niya masagot ang halik na iyon ay dumistansya na ito sa kanya at marahan na hinaplos ang labi niya gamit ang thumb nito.

"I missed you love." He said, whispering.

Ngumuso siya at humalukipkip. "Bakit ang tagal mo bago bumalik? Hindi mo ba alam na nag-alala ako?"

"Alam ko," Tumabi ito ng upo sa kanya sa bed niya. "Pero ayokong mag-alala ka sa akin—"

"At bakit hindi?" Inis na tanong niya. "Malay ko ba kung ano na ang nangyari sa iyo! Malay ko ba kung saan ka nagpunta at malay ko ba kung babalik ka pa o hindi! Kaya huwag mong sabihin na huwag akong mag-alala sa iyo at huwag akong matakot kapag hindi ka nagpaparamdam sa akin dahil hindi ko kaya 'yung sinsabi mo!" Walang hingahan na sabi niya.

Sino ang hindi mag-aalala kung halos isang linggo niyang hindi nakita at nakausap si Ether? At wala siya ni idea kung nasaan ito ng mga araw na iyon.

Mataman lang na nakatingin sa kanya ang kasintahan. Wala naman siyang mabasang emosyon sa gwapong mukha nito at parang wala lang para dito ang pag-alis nito habang siya abot-abot ang kabang nararamdaman ng hindi niya ito ma-contact.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon