13 ~ News

144K 4.1K 158
                                    

CHAPTER THIRTEEN

"WAKE UP people!"

Nagising siya mula sa mahimbing na tulog ng umalingawngaw ang malakas na boses na iyon na may gamit na mikropono na nagmumula sa labas ng silid nila ni Ether.

"It's already nine in the morning. Breakfast is ready." Tinakpan niya ang tenga niya dahil sa lakas ng boses ni McLaren at sumiksik kay Ether. "Wake up people or else I will enter to your room without your permission."

"Iba talaga trip ng pinsan mo 'no?" Paos ang boses ni Ether ng magsalita ito. Nagising din pala.

"Ampon kasi 'yan si McLaren." Biro niya na tinawanan lang nito. "Siya lang kasi kakaiba sa kanilang tatlong magkakapatid. Saan kaya 'yan pinaglihi ni tita Valerie?" Tukoy niya sa ina ng magkakapatid na Lane.

"I don't know." Ether comb her hair using his fingers. "How was your sleep?"

"Good. Masarap ang tulog ko—"

"Wake up people!" Muli ay umalingawngaw ang malakas na boses na iyon sa labas ng silid nila at maya-maya lang ay may narinig silang katok. "Ether? Ate Saleen? Gising na ba kayo?"

"Shut up fucker." Sagot ni Ether sapat na para marinig ni McLaren.

"Pwede ba akong pumasok?"

"Subukan mo." May pagbabanta sa boses ng lalaking katabi niya na tinawanan lang ng tao sa labas pero hindi na muling nagsalita pa.

Tinatamad na bumangon siya at naupo sa kama. Tinignan niya si Ether na nakatingin pala sa kanya.

"Good morning beautiful."

"G-good morning." Nginitian niya ito ng may maalala. Kinapa niya ang noo at leeg ni Ether at nakahinga ng maluwag ng hindi na ito gano'n kainit. "Medyo nawala na ang lagnat mo."

"Thanks to you."

"Ha?"

"Thanks to your hug." Maarteng pinaikot niya ang mata. "Why did you rolled your eyes on me?"

"Hindi naman nakakawala ng lagnat ang yakap, eh."

"Nawala ang lagnat ko dahil sa yakap mo, di ba?" Ano ba ang dapat isagot niya sa tanong na 'yan? Nakapagtataka lang na nawala ang lagnat ni Ether dahil sa yakap niya.

"May sinat ka pa kaya."

"Yakapin mo ulit ako para tuluyan ng mawala ang sinat na 'to." Idinipa nito ang mga braso. "Come on love, hug me." Ngumuso siya. "What's with that lips?"

"I want to eat breakfast."

"Oh." Maingat itong bumangon na para bang may pinoprotektahan na huwag mabangga ang alin sa parte ng katawan nito.

"Are you okey?"

"Yes."

"May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?"

"Nope." He answer popping the letter 'p'. "This is just a simple fever, love. You don't have to worry."

Nakatingin lang siya kay Ether ng tumayo ito at maglakad papasok sa banyo. Tumayo na din siya at ng kinuha niya ang cellphone sa mesa sa gilid ng kama ay napansin niya ang bakas ng dugo sa gilid na bahagi ng hinigaan ni Von Ether.

"What—" Hindi niya na itinuloy ang sasabihin niya bagkos kumatok siya sa pintuan ng banyo kung saan naririnig niya ang lagaslas ng tubig. "Von Ether? Love?"

"Yes?" Kalmado lang ang boses nito pero hindi kasing kalmado ng dibdib niya.

She hates seeing blood. Wala naman siyang karanasan tungkol sa mga dugo ng tao pero ayaw niyang nakakakita niyon. Hindi sa nandidiri siya, kundi, nanghihina siya at kinakabahan.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon