21 ~ Pass code

114K 3.6K 104
                                    

CHAPTER TWENTY ONE




WALA pang ilang minutong nagmamameho si Ether galing sa Viper Club papunta sa mansion nila ng ihinto nito ang Aston Martin sa gilid ng kalsada.

Nagtataka na tinignan niya ito at nagtanong.

"What's wrong, love? Bakit mo iginilid ang sasakyan?" Imbes na sumagot ay binuksan nito ang ilaw sa loob at parang may kung anong interesanteng bagay ang hinahanap nito sa magkabilang gilid ng hips nito. "What are you doing? Are you okey?"

"I'm fine, love." Bumaling ito sa kanya ng nakangiti. Napansin niya na nakakuyom ang kaliwang kamay nito.

"Why did you stop the car?"

"I want to check you."

"W-what? Check me?"

"Yes love."

"Hindi ako uminom ng alak at hindi ako nanigarilyo."

"I know,"

"Then why check me?"

"Kinapkapan ka ba ng lady guard ng Viper Club bago ka pinapasok sa loob?" Tumango siya, kinapkapan naman talaga siya. "Saan ka niya hinawakan?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit?"

"Ayoko na hinahawakan ka ng ibang tao, Saleen."

"Babae naman 'yon."

"Kahit sino o ano pa siya basta ayoko. Now tell me, saan ka niya hinawakan?"

"Dito," Turo niya sa bewang niya. "At dito." Pababa sa balakang niya.

Ether unbuckle his seatbelt and move closer to her. He is checking every part of her waist and hips.

Para itong may hinahanap o kinakapa na kung ano sa bawat parte ng katawan niyang iyon. Ilan sandali lang ay tumigil ito sa ginagawa at umayos na ng upo.

"Don't go to that Club again, okey?"

"Why not?" Nagtataka pa din siya. "I found out that Celine is working in Viper."

"Celine Villarica?"

"Is that her last name? Bakit mo alam?"

"McLaren told me and we have her name in our guest list in Red Scorpion Club."

"Bakit naman ayaw mo na akong papuntahin sa Viper?" Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam na naman siya ng pagdududa.

"For your safety and for the safety of our baby. Gusto mo ba ang amoy ng alak at sigarilyo? Dapat nga ay hindi kita pinayagan na magpunta doon dahil makakasama iyon sa kalusugan mo."

At bakit ba pinagdudahan niya ang dahilan ni Ether? Hindi ba talaga buo ang tiwala niya dito hanggang ngayon?

"Opo, hindi na po ako magpupunta sa Viper at sa iba pang Clubs."

"Sa Red Scorpion ka lang pwedeng magpunta. Doon lang dahil safe ang lugar na iyon."

"Yes boss. Iuwi mo na ako, gusto na namin matulog ni baby."

"Sa bahay ka na matulog."

"Wala akong dalang gamit." Humalukipkip siya.

"No worries, pinakuha ko sa condo unit mo ang ibang gamit mo kanina. Nasa bahay ko na." Kunot ang noo niya ng bumaling sa kanya si Ether. Talagang nakakagawa ito ng paraan mag-isa kapag gusto nito. "Alam ko 'yang iniisip mo."

"Paano mangyayari iyon kung nasa akin ang susi ko?" Pang-uusisa niya.

Ether gave her a smug smile. "I have your duplicate key love. Look," Itinuro nito ang keychain sa susian ng Aston Martin nito. Dalawa ang susi doon at pamilyar sa kanya ang isa dahil gano'n ang susi niya. "My car key and your condo unit key."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon