35 ~ Punishment (SPG)

190K 4.1K 118
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

Flashback

ISANG tingin pa lang sa pinaka boss nila sa ESO, si Carlie Lane, ay alam niya na kaagad kung ano ang pakay nito kaya sinadya siya sa rest house niya. Ipapataw na sa kanya ang kaparusahan sa paglabag niya sa alintuntunin ng organisasyon.

"I know you are aware to what you're doing, Von Ether." Paakyat sila sa hagdan ng pangalawang palapag ng bahay niya ng magsalita ito.

"I am,"

"And aware that you're fucking breaking the Rules!" Ramdam niya ang pagdilim ng mukha ng lalaki at ang pagtatagis ng panga.

Galit na binuksan nito ang isang silid doon na para bang pag-aari nito ang buong bahay sa ginawang asta. Naka-locked ang pintuan doon dahil naroon ang mga baril niya nakatago at iba pang kagamitan na maaaring maging panangga niya kung may banta man na kapahamakan ang dumating sa lugar na iyon.

Walang saysay ang mga lock at password doon dahil halatang kanina pa iyon nabuksan ng lalaki na siyang nagturo lang din sa kanya kung paano mag-unlock at gumawa ng mga password.

Ni hindi niya man lang namalayan na napasok na ng mga ito ang pamamahay niya kanina habang nag-uusap sila ni Saleen sa swimming pool. Iba talaga ang nagagawa ni Saleen kapag kasama niya eh, nawawala lagi siya sa focus. Ang buong atensyon niya ay nasa babae lang at wala sa paligid niya.

Pagkapasok nila sa loob ay agad siyang sinalubong ng isang malakas na suntok sa panga, hindi man lang siya nakailag dahil sa pagkabigla.

"What the fuck," Mahinang daing niya habang sapo-sapo ang panga.

Nag-angat siya ng tingin sa lalaking sumuntok sa kanya. Nanggagalaiti ito sa galit at nakakamatay siyang tinitignan. Matthew Stewart.

"Hindi mo ba alam na abot-abot ang pag-aalalang naramdaman namin ng kinuha mo ang anak ko ng walang paalam?!" Pati ang boses nito ay galit.

"We aren't getting any younger, Matthew. Why don't you just seat there and watch me?" Carlie Lane said in a calm yet dangerous tone on it. Tila sinasabing may nakaambang sakit ng katawan na mararanasan niya mamaya-maya lang.

Huminahon ang nagwawalang tigre kanina ng naupo ito sa swivel chair doon at pinanood kung paano itinali ng Ninong Carlie niya ang mga kamay niya patalikod. He used to call him Ninong and Tito since matalik na kaibigan ito ng mommy niya mula noon hanggang ngayon.

"Are you aware to what I will going to do with you?"

He nodded to his question. "Yes,"

"Your punishment for breaking ESO's Rules."

"We can trust Saleen." Imbes ay sabi niya.

"I know, she's my niece after all, but you can't deny the fact that you still fucking break the Rules. Saleen wasn't part of ESO, so why tell her about it?" Hindi siya sumagot sa sarkastikong tanong na iyon. Para saan pa? Mapaparuhan pa din naman siya. "One of ESO's Rules, Don't tell to anyone about the meaning of ESO, but you did. Second, you told her about the services we offer, which is very confidential, Von Ether."

Dalawang Rules na ang binali niya. Dalawang kaparusahan din ang matatanggap niya. Pero may pakialam pa ba siya sa sakit na idudulot ng parusang iyon sa katawan niya? Wala na! Dahil mas mamamatay siya sa sakit sa puso niya kung tuluyan niyang ilalayo si Saleen sa buhay niya.

"Handa akong tanggapin ang kaparusahan ko."

"Like that you have a choice." May himig na sarkasmo pa rin sa boses nito.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon