14 ~ Duhat

144K 4.1K 143
                                    

CHAPTER FOURTEEN



NAGUGULUHAN na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlong nag-ga-gwapuhan lalaki sa harap niya. Si Corvette, Mazda at Ether na basang basa, galing ang mga ito sa labas.

"I have to take a shower." Umalis si Mazda sa harap nila kasabay ni Corvette na nagkibit-balikat lang sa kanya.

Tumiim ang tingin niya kay Ether. "Bakit ka nagpakabasa sa ulanan?" Pang-iimbestiga niya pero nakatingin lang naman din ito sa kanya. "May sinat ka pa Von Ether, gusto mo yatang lumala 'yang nararamdaman mo."

"I'll be okey."

"Dapat hinayaan mo na lang si Mazda na mag-isang kumuha ng Duhat at Kamias para hindi ka na nabasa."

"Tinulungan ko lang siya." Naiinis na tinalikuran niya ito at naglakad paakyat sa hagdan, nakasunod naman ito sa kanya. "Wag ka ng magalit Saleen."

"Hindi ako galit, naiinis ako sa iyo."

"Sorry na." Napahinto siya sa pagbubukas ng pinto ng silid nila ng marinig ang pagsusumamo sa boses nito.

"Sorry?"

He nod. "Yes."

She purse her lips while looking at his handsome face.

"I think, kailangan mong maligo ulit para hindi matuluyan 'yang sinat mo." Pumasok siya sa loob ng mabuksan niya ang pinto. "Maligo ka na muna, kukuhanan kita ng pagkain sa baba."

"You don't need to do that Saleen."

"Hindi ka pa kumakain Von Ether, alalahanin mo." Namewang siya sa harap nito. "Maghahanap din ako ng gamot na pwede mong inumin."

"I don't need medicine."

"You need that."

"Yakap mo lang ang kailangan ko para tuluyan na akong gumaling." Hindi niya alam kung kikiligin siya o mahihiya kay Ether. Nag-uumpisa na naman kasing magwala ang puso niya.

"Maligo ka na nga." Inirapan niya ito upang itago ang tunay na nararamdaman. "Sa baba lang ako."

"Okey, I go and take a bath." Tumango lang siya dito bago lumabas muli ng silid nila. Si Ether naman ay pumasok sa shower room.

Pagdating niya sa kusina, si Corvette ang naabutan niyang nandoon. Nakaligo na ito at nakapagbihis na din. Tahimik lang itong sumisimsim ng mainit na kape.

"Nakita mo na si baby X?"

"Yes," Sagot nito na hindi man lang siya sinulyapan.

"About Lexy—"

"Not now Saleen, ayoko siyang pag-usapan."

"Pero nasa panganib siya. Nasa panganib ang ina ng anak mo." Alam niyang mali ang makialam pero kaibigan niya si Lexy, ayaw niyang mapahamak ang kaibigan.

"She's safe."

"A-ano?" Naguguluhan na tanong niya. "Akala ko ba hawak siya ng mga masasamang tao? Sinabi iyon ni Akiko sa harap niyo mismo."

Corvette look at her. "Ligtas na si Lexus. Wala ka ng dapat pang i-pag-alala." Ilan segundo niya muna itong tinignan. Pinag-aaralan kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Kung gano'n, bakit hindi mo siya kasama?" Imbes na sagutin siya ni Corvette ay tumayo ito hawak ang tasa ng kape at nilayasan siya. May attitude din talaga ang pinsan niyang iyon.






"WE NEED to talk to Lexy as soon as possible dahil siya lang ang makakasagot ng mga katanungan sa isipan natin." Basag ni Mazda sa katahimikan nila.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon