15 ~ Yes

137K 4.6K 118
                                    

CHAPTER FIFTEEN

NAG-INAT siya ng mga braso at napangiwi ng maramdaman ang pamamanhid niyon pati na din ng likod niya. Tinignan niya ang wall clock at mahinang natawa ng mapagtantong pasado ala-sais na ng gabi. Mahaba-haba din pala ang tulog niya maghapon.

"I'm about to wake you up." Naupo sa gilid ng kama si Von Ether. "Masarap matulog?"

She yawned. "I still want to sleep."

"Don't tell me hindi ka na naman kakain Saleen?"

Tumagilid siya ng higa paharap dito at ngumuso. Gusto niyang kumain pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang matulog, isa pa, hindi niya alam ang gusto niyang kainin.

"Mamaya na lang ako kakain Von Ether. Hayaan mo muna akong ipagpatuloy 'yung tulog ko."

"No," Bigla siyang nakaramdam ng inis sa paghadlang ng binata. "You need to eat, then after that you can have your sleep."

"Wala akong ganang kumain."

"Why?" Kaagad nitong kinapa ang leeg at noo niya. "May nararamdaman ka ba?"

"Hindi ko lang alam ang gusto kong kainin kaya pakiusap Ether hayaan mo na lang akong matulog ulit."

"I can't do that, love. Kanina ka pang tanghali hindi kumakain dahil tulog ka ng tulog." Malakas siyang bumuntong hininga upang iparating dito na naiinis na siya.

"Ayokong bumangon para lang kumain!" Umirap siya sa hangin. Nararamdaman niya ang mapanuri nitong mata na nakatingin lang sa kanya.

"Are you okey, love?"

"Yes,"

"Napapansin ko kasing namumutla ka."

"Hindi na ba ako maganda sa paningin mo?" Tila lumungkot ang puso niya sa ideyang iyon.

"No, no, no, you will always be beautiful in my eyes, always." Hinaplos nito ang buhok niya. "Hindi lang ako sanay na ganito ka."

"Bakit? Ano bang problema sa akin?"

"Not a problem." Binasa nito ang ibabang labi gamit ang dila. Damn! Why so hot Von Ether? "You better eat." Can I eat you? Damn it! Ether don't know how seductive he is in doing that.

"I-I don't know what to eat. I don't like to eat. I don't know."

"Duhat? Fruits? Salad? Pasta? Hmm, seafoods?"

"Seafoods?" Tila nabuhay ang pagkainteresante niya ngayon sa pagkain.

"Yea,"

"I like seafoods. Shrimp and the Pusit, now." Agad na kumunot ang noo ng kausap dahil sa urgency sa tinig niya. "You asked me."

"It takes an hour before you can eat those."

"I can wait."

"Okey, I go to shop."

"No, I want a fresh shrimp and pusit." Hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya. "Or else I won't eat."

"Hey-"

"You can use one of Lane's yach to catch those shrimp and pusit nearby." Malapit lang din kasi sila sa karagatan at doon nakaparada ang ibang yate ng magkakapatid na Lane.

"Saleen-"

"I better sleep!" Nagtatampo na tinalikuran niya ito ng higa. Magtatanong ng gusto niyang kainin tapos hindi naman kayang ibigay ang gusto niya. Umiinit lang ang ulo niya. "I want to sleep, alone. Leave the room now Von Ether."

"Come with me." Hindi siya nagsalita. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa braso niya. "Let's catch those shrimp and pusit para makakain ka na."

"How can I eat? You don't know how to cook."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon