22 ~ Hakuna Matata

122K 3.6K 126
                                    

CHAPTER TWENTY TWO



ISINUOT niya muna ang bathrobe niya na kasama sa mga gamit na pinakuha ni Ether sa condo niya bago lumabas ng shower room. Naabutan niya ang binata na nakaupo sa kaliwang bahagi ng kama na gumagamit ng laptop. Ng mapansin nito ang presensya niya, ay nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Come here." Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito.

Agad naman siyang tumabi dito at itinuon ang mata sa screen ng laptop.

"Working?"

"Ahm yeah." Tumipa-tipa ito sa keyboard. "Matatapos ko na din naman 'to, love. Kung gusto mo, mauna ka ng matulog."

Isinandal niya ang ulo sa balikat nito habang pinapanood ito sa ginagawa. Mabibigat na ang talukap ng mata niya at nagpapaantok na lang siya.

Tahimik lang naman si Ether at hindi naman nagrereklamo dahil sa pagkakasandal niya dito. Ayaw niya itong distorbohin lalo at alam niyang trabaho sa kumpanya nito ang ginagawa.

"Love," Tawag niya sa inaantok na boses.

"Yes love?"

"I am thinking about leaving showbiz industry." Huminto ito sa pagtipa ngunit hindi naman nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Sapat na siguro 'yung ilang taon ko sa showbiz, hindi naman sa ayaw ko na pero kasi iniisip ko ang magiging anak natin. Gusto ko kasing ako ang mag-aalaga sa kanya at hindi ko magagawa iyon kung ipagpapagtuloy ko ang trabaho ko. Ano sa tingin mo?"

Bumaling sa kanya si Ether. Sa itsura ng mukha nito, alam niyang nasiyahan ito sa narinig mula sa kanya.

"Thank you for that."

"Anong thank you?" Nagtatakang tanong niya.

"Thank you for priotizing our baby. Thank you for choosing him over your career."

Napangiti na lang siya at nagbaba ng tingin sa baby bump niyang natatakpan naman ng bathrobe na suot. Inilapat niya ang palad doon.

"Gusto ko na nga siyang lumabas para maalagaan ko na siya."

Ether let out a short laugh. "I understand your excitement love, but we have to wait."

"That's all we can do, wait for our baby."

"Yes, and now please get dressed." Batid nitong wala siyang kahit na anong suot sa ilalim ng bathrobe niya.

"I like to be naked when sleep. Ang init kasi palagi ng pakiramdam ko."

Siguro, kung may isang bagay man siyang ayaw sa pagbubuntis niya, iyon ay ang init lagi ng pakiramdam niya kahit paligi naman siyang naliligo at palagi siyang nasa air conditioned na lugar.

"Is it because of your pregnancy?"

"Yes, I think so."

"But you have at least wear undies." Nag-isang linya ang labi niya at nag-isip. "Baka pasukan ka ng lamig, maganda na 'yung nag-iingat tayo at sumusunod sa matatanda sa atin."

"Matatanda sa atin?"

Hinarap siya nito upang malinaw na magkausap sila.

"Alam na ni mom."

"Y-you told her?"

"It's because I ask for her advice about pregnant woman."

"W-what is her reactions?" Importante sa kanya kung ano ang magiging reaksyon ng magulang ni Ether tungkol sa pagbubuntis niya. Boto naman sa kanya ang mga ito pero gusto niya pa din malaman. "You know how important your parents to me. I always want to be good as I can do."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon