Chapter 4 - Wendy's PoV

254 17 15
                                    

"Ano ba ang papanuorin natin?" tanong ko habang nakatingin sa mga posters ng mga movies na showing.

"Ewan. Kahit ano na lang kaya ikaw na ang mamili." sagot nya.

"Wala akong mapili eh! Tsaka hindi ko feel manuod. Wala kasi akong hilig sa mga sine."

"Talaga? Ikaw pa lang yata yung unang babaeng kilala ko na hindi mahilig sa sine."

"Sus. Pumunta na lang tayo sa isang music store!"

"Ok. Sabi mo eh.". Hinita ko yung kamay nya para bilisan nya yung lakad nya. Napagod kasi sya sa katatakbo eh kaya ngayon naman ang bagal. 

Nakarating na kami sa music store. Feels like heaven!!!  >.< Ang dami kasing tinda! Iba't-ibang music genre!!! Ako pa! Mapa K-pop, CLASSICS, tipong beatles,.. etc. Gusto ko!!! HAHAHA

Pumunta muna ako sa may classic section. Kinuha ko yung headphone at nagplay ng isang kanta.

[Now play(ing): Flower Duet - Sumi Jo]

Grabe ang ganda! Napapapikit at napapangiti ako habang pinapakinggan yung kanta. Nakikita ko si Vince na parang natatawa na sya sa akin. Ako? WAFAKELS. XD Tsaka konti lang ang tao eh!

Speaking of kaunti lang ang tao. Bukod kay Vince na natatawa sa akin, may nakatingin din sa akin na isang girl. Mas bata lang siguro sa akin. Mga 13 ganun? 14? Hindi sya natatawa sa akin. Nakatitig lang sya. Pero feeling ko gusto lang nya makinig ng isang song at hinihintay akong matapos gamitin yung headphone na suot ko kaya lumipat na ako.

Pumunta ako sa kabilang section. Dun sa mga k-pop! HAHA. Nasa kabilang dulo nung store yun.

"Wendy, kilala mo ba yung mga babaeng yun? Yun isa napapansin kong kanina pa nakatingin sa'yo." sabi ni Vince.

Sabay kaming lumingon ni Vince sa likod. Nakita ko yung young girl na nakatitig sa akin kanina. May kasama pa pala sya na young girl din. Ngayon parang nagulat pa sya nung nahuli ko sya.

"Hello po." sinabi nung babae nang mahina.

"Hello rin po!" sabi naman nung kasama nya.

"Ah. Hi! Sino kayo?" tanong ko.

"Ako po si Meg. Sya naman po si Keidie." sagot nung kasama nya.

"Ah. Sorry hindi ko kayo kilala eh." sabi ko

"Baka sya kilala nyo?" tanung ni Vince sa dalawa.

"May itatanong lang po kasi sana kami." sabi nung Keidie.

"Ok. Anu yon?" sabi ko.

"Ikaw po ba si ate Wendy?" tanung ni Keidie.

"Oo. Ako nga."

"Sinabi ko na nga sa iyo oh! Sya nga yung ate ni Paris!" Sabi nung si Meg kay Keidie.

"Mga kaklase ba kayo ni Paris?"

"Mga ka-batch po kami ni Paris. Eto pong si Keidie ang stalker nya." sabi ni Meg

Medyo nagulat ako dun ah. Ganun pala talaga ka-gwapo si Paris. May stalker pa sya ngayon!!! Yung Keidie naman namumula na. HAHAHA. Nakakatawa pero pinipigilan ko. XD

"Mukhang alam ko na ang gagawin. Wag kang mag-alala ako ang bahala!" Sabay ngiti ko.

Hinawakan ni Keidie yung kamay ko. 

"Ate wag na lang po!" Sabi nya.

"Wag kang magalala, ako na nga sinabi ang bahala. Kahit anu pang sabihin mo, hindi mo na ako mapipigil."

"Ang alin?" tanong ni Vince. "Wala na akong naiintindihan sa totoo lang."

Binitawan na nung Keidie yung kamay ko sabay takbo palabas ng store. Sinundan sya nung kasama nya. Hindi ko na sila sinundan. Abangan na lang nila ang mangyayari sa pasukan. *evil grin*

Love Me Do [UPDATED!!! Chapter 24!!!] =DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon