Chapter 21 - Wendy's POV

174 9 5
                                    

Kaaalis lang namin sa c.r. at sabay-sabay kami nina Athena at Colleen na lumabas ng building para umuwi na pero nakasalubong namin si Kirby.

"Usap tayo." sabi nya sa akin. Pshhh. Nakita ko nanaman si Kirby. Ang gwapo. HAHAHA...

"Usap kayo." sabi ni Colleen tapos hinitak sya ni Athena papalayo. Hindi man lang sila nag-iwan ng huling salita bago ako iwan sa lalaking 'to?! :( Now i'm left alone with him.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong ko kay Kirby.

"Hmm. Wala naman." Tsss. Wala naman pala eh. "Gusto lang kitang makita at makasama."

"Nagpapaka-sweet?" DEEP INSIDE, KILIG NA KILIG AKO... =">

"Ah. Oo?" Sabi ni Kirby.

"Bakit ka ba ganyan? Ipinapaalala ko lang sa'yo, mag-pinsan po tayo."

"Sana hindi tayo mag-pinsan." sabi nya.

"Oh eh kaso hindi na natin mababago ang katotohanan na 'yun." hindi na sya nagsalita pero maya-maya hinawakan nya ang kamay ko at nilaro-laro nya. Hinayaan ko lang sya.

Nakatingin ako sa kanya samantalang sya nakatingin sa kamay ko. 

"Ang cute." sabi nya. Psh.

"Cge na. Uuwin na ako." sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin. Nag-smile tapos yumuko sya at hinalikan ang kamay ko. o.O Nakakakilig naman. Hehehe. Mahal parin ako ni Kirby. Kung hindi kami mag-pinsan, malamang kami parin hanggang ngayon.

"Ihahatid na kita hanggang sa sakayan." At sabay na kaming lumakad para makapag-abang na ng jeep.

Nakita namin ni Kirby mula sa malayo, may 'couple' na naghahakapan. Tumingin naman si Kirby sa akin at kumindat. Gusto nyang mag-hug kami?! XD

"PDA. tsk." sabi ko na lang. Maghakapan daw ba sa gitna ng mga tao?! Psh. Nagpatuloy naman kami ni Kirby sa paglalakad. Nung kumalas ang 'couple' sa paghakap, namukhaan ko agad sila. Si Vince at Athena pala yun. Pero umiiyak si Athena? Anung nangyare?

"Bakit naman kaya umiiyak si Athena? Tsk." Tapos umiling si Kirby. "Hindi ko gagawin sa'yo yun kung tayo." dugtong nya.

"Hindi naman sila ni Vince at Athena eh." sagot ko na lang... MAIBALIK LANG BA SA TOPIC. Ni-rerelate pa kasi sa status namin ni Kirby sa status ni Vince at Athena ngayon eh.

"Oh? E bakit sila magkahakap? Ang tagal pa nilang nag-hakapan." sabi ni Kirby. Nakita ko naman si Athena na sumakay sa jeep. Samantalang si Vince, nakalagay ang parehong palad sa mukha. Mukhang hindi rin sya masaya sa nangyari.

"Lapitan kaya natin si Vince?" tanong ko.

"'Wag na. Hayaan mo syang mag-isa." pagpigil ni Kirby sa akin.

Parang gusto kong lapitan si Vince. Best friend naman nya ako eh. Pero siguro, kailangan nyang mapag-isa. Kitang-kita sa mga kilos ni Vince ang pagka-dismaya. Tapos naglakad na rin sya siguro pauwi?

"Sige. Sakay ka na. 'Wag mo na lang silang intindihin. Mag-iingat ka ha." Sabi ni Kirby sa akin at sumakay na ako sa jeep.

"Salamat sa pag-hatid mo sa akin." pahabol ko pang sinabi, kasi naman umandar agad yung jeep... :|

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Vince at Athena. Kahit pa sabihin ni Kirby na 'wag ko na silang intindihin, syempre mga kaibigan ko sila eh. Ako naman, hindi makapag-concentrate sa pagkain ng hapunan, paano natutulala daw ako(sabi ni Paris).

"Gawin mo na ang isang bagay na gusto mong gawin kesa ganyan ka." sabi ni Paris.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, umakyat ako sa kwarto ko para mag-txt and to comfort the both of them sa abot ng makakaya ko.

Love Me Do [UPDATED!!! Chapter 24!!!] =DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon